Chapter Twenty Three - Quote

40.3K 660 12
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

******************************

Papasok na sana ako ng kusina nang may marinig akong mga boses. Nakita ko sa maliit na buka ng pintuan sina Brian at ang mom nito. Tila nag-uusap nang masinsinan. Nag-alangan tuloy akong pumasok. Baka makaistorbo lang ako. 

"Ang sabi nga ni Emily Dickinson, the heart wants what it wants or else it does not care," narinig kong sagot ni Tita Alicia. 

Kumunot ang noo ako.  Anong ibig nitong sabihin? Jina-justify kaya niya ang ginawang pagtataksil sa ama ni Brian? Ganun naman lagi ang mga taksil. Sasabihing, the heart wants what the heart wants... Oh, I hate that quote! Ginamit din yan sa akin ni Anton nang tawagan ko siya para komprontahin sa ginawa niyang pagtataksil. 

Bumalik ako sa guest room. Sinubukan kong makatulog uli pero mayamaya ay napapabalikwas ako. Gusto ko talagang uminom ng tubig. Tiningnan ko ang oras. Alas tres na pala. Bumangon uli ako at sumilip sa kusina. Wala nang tao. Good.  Tuluy-tuloy ako at kumuha ng tubig sa refrigerator. Napa-ahh pa ako nang sumayad na ang tubig sa lalamunan ko. Naglagay uli ako sa baso. Babaunin ko sa kuwarto. Pabalik na sana ako nang may biglang sumulpot. Muntik na akong mapasigaw sa kabiglaanan. 

"You scared the hell out of me," asik ko sa bagong dating. 

"You're crazy. It's good that you didn't shout or they would think we are doing something here," sagot naman ni Brian sa kalmadong boses. 

Nagbukas din ito ng refrigerator. Kumuha ng gatas. Hindi rin siya makatulog.

"You can't sleep," sabi ko. Tumango siya at inisang tungga ang isang baso na gatas. Kawawa naman siya. Palagay ko ay na-stress ito sa pagkikita nila ng ina.

"I understand," sabi ko uli. Gusto ko siyang damayan.

Tumingin ito sa akin. Iyong typical na Brian stare.  May nasabi na naman ba akong masama?

"No, you don't," sagot nito sa mahinang boses at binalik ang bote ng gatas sa ref.

Napakagat-labi ako. Pinigilan ko ang sariling sumagot ng pabalang sa kanya. Pagpasensyahan ko na muna ang kasupladuhan nito dahil alam kong magulung-magulo ang isipan nito ngayon. Palagay ko naalog ang matagal na niyang iniingatang paniniwala tungkol sa ina. Paniniwalang itinanim ng kanyang ama sa kanyang isipan. Kaya siguro nagsusuplado na naman.

Sa halip na sumagot, minabuti kong talikuran na lamang siya. Nakahawak na ang kamay ko sa doorknob ng guest room nang maramdaman ko ang presence niya sa likuran. Sinundan pala ako ng bruho. Nilingon ko siya.

"Do you have a minute?" tanong nito.

Napataas ang kilay ko. Kanina inaaway-away ako tapos mukhang gusto rin akong makausap. Hinarap ko siya pero hindi pa rin ako nagsalita. Hinintay ko kung anong sasabihin niya pero nabigla ako nang binuksan nito ang kuwarto ko at naunang pumasok.

"Hoy, ano ka ba!" nasabi ko bigla. Hindi ko napigilan ang mag-Tagalog.

Lumapit ito sa akin. Akala ko lalabas na pero isinara lang pala ang pintuan. Sumandal ito doon. Napapikit. Nahabag ako sa hitsura niya. Parang gusto kong lapitan at haplusin ang mukha. Iparamdam man lamang dito na may karamay siya sa akin.

"I don't know what to believe anymore. I think Dad has a lot of explaining to do," sabi na lang nito bigla na parang nahihirapan.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ako sanay na makita si Brian na ganito ka vulnerable. Nakakapanibago.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon