Chapter Thirteen - Protest

44K 680 26
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

For PRINTED copies of the book, go to Lazada and Shopee. Search n'yo lang, The Jilted Bride by Gretisbored.

******************************

Mag-i-isponsor daw ng English Camp para sa junior high school students ang International Center ng Muromachi. Gaganapin daw yon sa Agosto, two months from now. Sa naturang English Camp, ginugrupo ang mga batang kalahok at pinangangasiwaan sila ng dalawang International English Teachers (IETs) at isang gurong Hapon. Hindi pupwedeng magsama ang parehong IET na nakatoka sa elementary o junior high school. Dahil wala akong masyadong kilala sa junior high school teachers, kinausap ko na si Macky, ang kaibigan kong Australian, na kami na lang ang mag-partner. Payag naman siya agad siyempre. Kaya nang nag-aanunsyo si Mark Dale ng magkapartner, tumaas agad ako ng kamay. 

"Yes, Alex?" at hininto muna nito ang pag-a-announce. 

"I'd like to be paired with Macky," walang kagatul-gatol kong sagot. 

Tumingin si Mark kay Macky tapos sa akin. Ang ibang IET nama'y tumawa at tinukso nila kaming dalawa. Ngiti lang ang sagot sa kanila ng kaibigan ko. Hindi naman kasi masalita yon. 

"Although I'd love to see you paired with your friend, rules are rules, Alex," nakangiting sagot naman ni Mark. Rules? Anong rules? 

"What rules?" tanong ko. 

"A newcomer will be paired with a senior IET. Therefore, your partner is Brian Thorpe." 

"No, I'd like to paired with Macky! What difference would that make anyway?" protesta ko. Kinalabit ako ni Rhea. Binulungan. 

"Girl, your partner is Brian Thorpe," at palihim akong hinampas sa hita. Sino? Brian Thorpe? Si Brian? Nun ko lang narinigna siya pala ang partner ko. Natigilan ako. Napasulyap ako sa kanya na ngayo'y nakatingin na rin sa akin. Seryoso ang mukha nito. Ang ibang IET nama'y nagtatawanan. May ibang pabirong humampas sa balikat ni Brian. Pano daw yan? For the first time daw, may tumangging babae na makipagpartner sa kanya. 

Pinamulahan ako. Nahiya ako sa mga kasamahan ko lalung-lalo na kay Brian. Hindi ko naman gustong parang ipahiya siya. Tsaka kung alam ko lang na siya, di naglulundag na sana sa tuwa ang puso ko. 

"I'm sorry," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Bahagya pa akong yumuko gaya ng ginagawa ng mga Hapon kapag nagsosori. 

Hindi siya sumagot. Binawi niya lang ang tingin. Naramdaman kong nairita na naman siya sa akin. Samantalang si Macky nama'y ngiti lang nang ngiti. Kapag tinutukso kami, tatawa-tawa lang. Hindi naman sinasagot ang mga kasamahan namin kung ano daw ba ang real score sa aming dalawa. 

"Okay, is that settled, Alex? Are you okay with Brian as your partner?" may himig pagbibirong tanong ni Mark. 

Tumango ako. 

"Won't anybody ask me if I'd like to be paired with her?" biglang sabat naman ni Brian. Napa-'oooh' ang mga kasamahan namin. May nangantyaw pa rin. May ibang napahagikhik. Pero nang makitang seryoso si Brian, tumahimik naman ang lahat. 

Napatingin bigla si Mark sa direksyon ng mokong. Parang tinatantiya ito kung seryoso ba o nagbibiro lang. Nang makitang seryoso nga ito, nag-attempt na magpaliwanag. 

"C'mon Brian. Don't be too sensitive. I'm sure Alex didn't mean to insult you when she refused to be paired with you. She just wanted to be with her friend." 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon