Chapter Twenty Eight - Emergency

38.7K 587 11
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*******************************

Kami ni Brian ang pinakahuling pumasok ng restaurant. Nauna na ang mga pamilya namin. Natuwa naman ako at for the first time sumamang lumabas ni Papa. Nakikita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan. 

Perpekto na sana ang gabi ko kung hindi namin nakasalubong si Jacob. May kasama itong babae at inaakbayan pa niya. Nang makita niya ako ay parang gulat na gulat ito. Inalis niya ang kamay sa pagkakaakbay sa kasama at nakangiting lumapit sa akin. 

"Well, well, well. Look who's back," bati nito. Nag-iba ang ekspresyon nang makita niya si Brian na umakbay sa akin at tinitigan siyang mabuti.

For a few seconds, parang nagtagisan ng tingin ang dalawa pero nauna ding sumuko si Jacob. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya. Nagbubunyi naman ang aking kalooban. Feeling ko nakabawi na ako. Alam ko kasi na medyo minaliit ako ng hambog na ito porke't iniwan ako ng groom ko sa altar. Inisip siguro na wala nang papatol sa akin dahil nga I was publicly rejected.

Ang sarap ng feeling na meron kang katabing eye candy. Sino ba naman ang hindi maging proud na mapagkamalang girlfriend ng kasing guwapo at macho ni Brian? Oo, hindi pa kami officially mag-on pero meron na kaming mutual understanding.

"Kelan ka pa nahilig sa puti?" may himig pang-uuyam na tanong sa akin ni Jacob.

"Kailangan ko bang mag-explain sa yo?" ganting tanong ko.

"Well, gaya ng mga nauna, tiyak kong iiwan ka din nyan. And when that time comes, sinisiguro ko sa yo na hindi na ako available for you," sagot nito at tinapunan pa ng matalim na titig si Brian.

"Who's this guy?" tanong sa akin ni Brian nang pabulong.

"A nobody," sagot ko naman. Sinadya kong iparinig iyon kay Jacob. Nakita ko ang pagpupuyos ng damdamin niya at tinabig pa ang kamay ng babaeng aalo sana sa kanya. Sira-ulo.

Lumapit sa amin si Tito Mando.

"May problema ba?" tanong niya. Tiningnan kami tapos si Jacob.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng unggoy pagkakita sa stepfather ni Brian. Bigla ba namang ngumiti.

"Attorney Robles. Nandyan pala kayo," at nakipagkamay ito. Pagkatapos ay maayos na nagpaalam.

Kumunot ang noo ako. Magkakilala pala sila? Papano?

"Naging abogado ako ng ate niya nang mag-file ito ng annulment case laban sa ex-husband. Naipanalo ko ang kaso pati yong custody case sa dalawang bata. Kaya, since then, sobra silang naging mabait sa akin," pagpapaliwanag ni Tito Mando. Nahulaan siguro ang mga katanungan sa isipan ko. "Ginagambala ka ba ni Jacob?"  tanong nito.

Umiling ako. "Hindi naman po. Dati kasi siyang nanligaw sa akin. Binasted ko po siya. Pero malakas pa rin ang fighting spirit."

Natawa si Tito Mando at hindi na nang-usisa pa. Sinabihan kaming sumunod na sa kanya at halos nakaupo na raw ang lahat palibot sa mesa.

Kinalabit na naman ako ni Brian at tinanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Tito Mando.

"It's not important. Let's go," sabi ko sa kanya.

Feeling ko parang pamamanhikan ang dinner naming yon. Siguro ganun din ang feeling ni Papa kung kaya ang saya-saya niya.

"Hey Manong, be careful with that fish. That's matinik," at humagikhik pa si Kelly nang makitang napaubo si Brian. Natakot naman ako baka nabilaukan. Hinagud-hagod ko ang likod niya.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon