For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
For printed copy, check Lazada and Shopee. Go to Gretisbored store. On sale po ito ngayon, September 14, 2021.
***********************************
Nakangiti na ang matanda nang ibalik nito ang cell phone ni Brian. Imbes na magdamdam, sinikap kong tingnan na lang ang positive side ng sitwasyon. Dapat pa nga akong magpasalamat kay Maiko dahil pinasaya niya ito. Kaya heto siya ngayon at hindi na nakabusangot ang mukha.
"Maiko is inviting us to a yakiniku (barbeque) party, son. Can we make it to Muromachi by five o'clock if we leave now?"
"Dad, this is your first time in Hiroshima. I'd like you to enjoy the sceneries here first, since we travelled for more than two hours just to get here. We have not roamed the city, yet. There's still a lot to see," pagpapaliwanag ni Brian sa ama.
"I've already seen the Peace Museum. That's the most important thing. I don't really care about the other places. I think they're just the same with that of the other cities in Japan. I want to go back to Muromachi now," pagmamatigas naman ng ama. Nakita ko ang determinasyon sa mukha nito.
Napabuntong-hininga si Brian lalo pa nang nauna itong maglakad patungo sa direksyon ng parking lot. Napatingin ako sa boyfriend ko na ngayo'y madilim na madilim na ang mukha.
Sumama na naman ang loob ko. Kanina, sinisikap ko sanang maging open-minded pero ngayon hindi ko na nakontrol ang emosyon. Nanlupaypay ako. First time ko rin kasi sa Hiroshima at excited sana akong makita pa ang buong siyudad. Peace Museum pa lang ang nae-explore namin. Ni hindi pa nga kami nakakapag-ikot sa Peace Park o nakasakay sa Hiroden (streetcar).
"I'm sorry, babe. I really am," paghingi ni Brian ng paumanhin. Parang nahihiya sa akin.
"It's not your fault," tanging nasabi ko lamang.
Naglakad na rin kami papunta sa pinag-iwanan namin ng kotse. Mabigat ang loob ko. Palagay ko, ganun din si Brian.
Pagdating namin sa parking lot, nakabusangot na naman ang mukha ni Phil. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa amin. Talagang pinakita ang pagkadisgusto. Feeling ko naiinis ito sa amin dahil parang di kami nagmamadali samantalang siya'y gusto nang lumipad pabalik ng Muromachi. Mag-aalas tres na kasi.
Tahimik na binuksan ni Brian ang pintuan sa back seat para makapasok ako pero pinigilan ako ni Phil. Baka gusto ko raw sa front seat na maupo. Siya na raw sa back seat at nang maiunat naman niya ang mga binti.
"Alex will be in the backseat, Dad. I want her to be comfortable if she wants to sleep. I think she needs it," tila iritadong sabi niya sa ama.
"Oh, so you're more concerned with your girlfriend's comfort than your Dad's?" tanong nito sa tonong may pagdaramdam.
Naalarma ako sa narinig. Hinawakan ko sa kamay si Brian at tiningnan sa mga mata. Sinenyasan ko itong huwag nang sumagot. Ako na ang nagbukas ng pintuan sa harap at dun na nga ako naupo. Tahimik na ring pumasok sa backseat si Phil.
Nang nasa loob na kaming tatlo, humingi uli ng dispensa sa akin si Brian. Tapos kinuha niya pa ang kamay ko at hinagkan. Nakita kong napaismid ang dad niya sa likuran. Kitang-kita ko ito sa salamin na nasa harapan. Hindi ko na lang pinansin yon.
Hindi ko na napigilan ang antok. Napapikit ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong inaayos ni Brian ang pagkakasandal ko sa upuan.
"Eyes on the road, son. Just let her be," narinig kong asik ng kung sino man sa likuran. Napadilat tuloy ako. Medyo nahihilo pa sa antok pero sinikap kong gisingin ang diwa.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...