For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
FOR PRINTED COPY, CHECK GRETISBORED ON LAZADA AND SHOPEE. You may also email Gret San Diego on FB.
*********************
Kanina ko pa narinig na dumating ang kotse ni Brian pero hindi pa rin siya umaakyat. Iniwan ko sandali ang paglalaro ng Candy Crush at sumilip ako sa bintana ng living room. Nandoon na nga ang kotse niya at nakalabas na siya pero mayroon siyang kausap. Nakatalikod ang babaeng kausap niya sa direksyon ko pero hindi ako maaaring magkamali. Si Mayu! Hanggang ngayon pa ba'y hindi pa rin siya tumitigil sa pagsunod sa asawa ko? Ang lakas din naman ng fighting spirit niya.
Isinara ko ang bintana at napaupo sa sofa. Nagdadalawang-isip ako kung bababa ako ng bahay o hintayin na lang si Brian na umakyat. Hindi ako mapakali. Lumapit uli ako sa bintana. Binuksan ko lang ito ng kaunti para hindi naman halata na naninilip ako pero nakita ako ni Brian. Sinenyasan niya akong bumaba. Sumenyas din ako sa kanya na umakyat na. Nagsenyasan kami. Naiinis na ako sa kanya. Lumingon si Mayu sa direksyon ko. Tiningnan niya ako nang masama. Hindi ko siya pinansin. Bakit ko pa siya papatulan? Ako na ang nagwagi. Wala na siyang magagawa pa dun.
Nang isinara ko uli ang bintana, narinig kong nag-beep ang cell phone ko. Pinapababa talaga ako ni Brian. Nakakaasar! Ano kaya ang drama nito? Kahit ayoko, napilitan din akong bumaba.
"Konnichiwa (Hello)," bati ko sa babae.
Kumibot-kibot ang bibig nito pero wala akong narinig. Bahagya lang tumango sa direksyon ko. Ni hindi nga tumitingin sa akin. Binalingan ko si Brian.
"She wants to apologize," pagpapaliwanag niya. Kung ganun, bakit ikaw nag nagsasalita para sa kanya? Nawala ba dila niya?
Tumingin uli ako kay Mayu na ngayon ay nakayuko. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Talaga nga bang pumunta ito dito para humingi ng paumanhin? Strange. Sa lahat ng mga hapong nakilala ko, siya lang yata ang nag-a-apologize na hindi man lang tumitingin sa kaharap o sa taong gusto niyang hingan ng dispensa. Ni hindi rin nagsasalita. Susme! Ano kaya ang hinihintay nito? Tsunami? Lindol? Gusto ko na siyang batukan dahil lamig na lamig na ako. Hindi ako nagdala ng jacket dahil akala ko saglit lang naman ako sa parking lot.
"She will be leaving for Shikoku tonight. She is going back to her previous post. She just came to say goodbye to us," sabi pa uli ni Brian.
Tumangu-tango naman ako. Thank God! Ang buong akala ko susundan niya pa si Brian hanggang sa Kyoto. Mabuti naman at magpapakalayu-layo na ang bruha. Mapapanatag na ang kalooban ko.
Mayamaya pa, humarap na siya sa akin at yumuko nang bahagya. Tsaka nagsabi ng, "Gomennasai (Pasensya na)," sa halos pabulong na tinig. Pagkasabi nun, hinarap niya si Brian at yumuko rin nang bahagya bago dali-daling umalis.
Napatingin ako sa kanya. Sinundan ko pa ng tingin ang papalayong bruha. Si Mayu nga ba talaga ang narinig kong humingi sa akin ng dispensa? Kahit parang napilitan lang, na-appreciate ko pa rin yon. Para mag-apologize ang isang babaeng katulad ni Mayu ay napaka-big deal. Nabunutuan ako ng tinik. Sa wakas, tapos na ang problema ko sa kanya.
Inakbayan ako ni Brian at sabay na kaming pumanhik sa apartment. Tinanong ko siya kung tapos na siyang mag-empake.
"Yeah. I'm done. I'll just go back later on when the Shidouka people arrive to hand them the key. My luggages are in my car. How about you? Are you done packing?"
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...