Chapter Thirty-Six - Slip of the tongue

38.9K 635 37
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*******************************

Napansin kong natigil sa pag-uusap ang mga kasamahan ko nang bigla kaming pumasok ni Rhea. Napatingin pa sila sa amin. Lalo na ang payatot na si Liz. Hantaran pa akong inisnab.  Nagtaka ako. Ako kaya ang pinag-usapan nila?

Nang dumating ang kaibigan kong Mehikano, saka lang ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pinagtsitsismisan nila. Tinawag niya kasi ako para kausapin sa labas ng silid. Tinanong ako kung totoo ang bali-balita na kaya daw umatras sa kasal niya si Brian ay dahil sa akin. Sinabihan ko siyang walang katotohanan yon, pero inamin ko na kami na.

"But that doesn't mean I stole him from his fiancee. They already have problems long before I came here. Liam can attest to that because Maiko had told him everything." 

"I believe you, darling. And I'm happy for you," at niyakap niya ako nang mahigpit.    

Mag-eesplika pa sana ako pero naisip kong baka magmukha na akong defensive. Tama na siguro yon. 

Napailing ako sa natuklasan. Grabe ang balita. Siguro isa sa mga dumalo sa yakiniku party ang nagkalat nun. Sino-sino nga ba ang nandoon? Inisa-isa ko sila sa isipan. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kaya ayaw kong malaman nila na kami na ni Brian dahil alam kong huhusgahan nila ako agad. Pero malinis ang konsensya ko. Dahil kung tutuusin wala naman akong ginawa talaga para magkalabuan sila. Naghintay lang naman ako. Sabi nga ni Benz dati, nung sinisisi ko si Laurie sa di pagsipot ni Anton sa kasal ko, "No one can steal someone from their partner if they truly love each other." Sinabi niya yon para kahit papano I could see the brighter side of it... Na dapat daw magpasalamat pa ako sa kaibigan ko at niligtas ako sa isang one-sided relationship na sa hiwalayan din naman ang kapupuntahan.

Halos puno na ang silid nang bumalik kami ni Ricardo. Pero wala pa rin si Brian. Sinilip ko ang cell phone sakaling may mensahe mula sa kanya. Wala rin. Nasaan kaya yon? nag-alala na ako.

Halos nasa kalagitnaan na kami ng meeting nang dumating ang kanina ko pa hinahanap. Mukha itong haggard. Hindi pa naka-shave. Sumulyap siya sa akin at tumango bago naupo sa tabi ni Gary sa unahan.

"You had fun?" nakangising tanong naman ni Gary. Dinig na dinig ko yon. Anong you had fun? May pinuntahan si Brian na di ko alam?

Hindi ko narinig ang sagot niya pero nakita kong napasandal ito sa upuan at nag-inat. Nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan. Ganyan ako kapag may bumabagabag sa akin nang sobra. Unang nakakaramdam ang tiyan ko. Parang masakit na ewan.

Pagka-break time nagpaiwan ako sa meeting room. Hinintay kong bumalik si Brian mula sa pakikipag-usap kay Fujita-sensei. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nangyari at late siya ngayon. Mukha pang di siya nakatulog nang mabuti.

Ang tagal kong naghintay pero hindi siya bumalik agad. Siguro bumaba na rin sa cafeteria. Napabuntong-hininga ako.

"Are you okay?" tanong ng nasa likuran ko. Si Liam. May hawak-hawak pa itong sandwich at ngumunguya-nguya pa.

Umiling ako.

"Oh. Lover's quarrel? I saw him downstairs. He seemed haggard. What's the problem between you, guys?" tanong pa uli nito.

"Nothing," sagot ko naman. Ba't lahat na lang sila nakikialam sa buhay ng may buhay? Nakakaloka.

"Okay. I came back early because I know you're all alone here. And you might need someone to talk to," nakangiti nitong sabi. Napalingon uli tuloy ako sa kanya. Mukha namang sincere ang mokong. Buti pa ang isang to. Naalala pa ako. Napansin din kaya ng boyfriend ko na wala ako sa baba?

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon