A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Just check my store named: Gretisbored.
For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.
*************************
"O siya, ikaw na muna ang bahala dito, Alex. Pakitingnan lang yang pinapalambot kong karne. Sasaglit lang muna ako sa supa (supermarket). Kulang ang ingredients natin e," ang sabi ni Ate Beth sabay hubad ng suut-suot na apron.
"Sige po. Ako na pong bahala dito. Basta po titingin lang po ako, ha? Kasi wala akong kaalam-alam dito sa mga pinagluluto nyo," sagot kong nakangiti.
"Oo naman. O sige," at dali-dali na itong lumabas.
Birthday ng anak na panganay ni Ate Beth kaya naghahanda kami. Naging ka-close ko na rin siya simula ng araw na hinatiran niya ako ng chicken soup. Mabait siya.
Nagliligpit ako ng mga kalat sa kusina nang marinig kong may nag-buzzer. Shocked ako nang mapagsino ang bisita. Si Brian at Maiko! May dala silang birthday cake. Pinapasok ko sila. Medyo naasiwa ako. First time kong makaharap ang dalawa nang walang ibang tao sa paligid. Hindi ko alam kung papano pakiharapan ang babae. Mukhang nabigla din sila nang makita ako. Tinanong ako ni Brian kung nasaan si Ate Beth.
"She just went to the supermarket to buy some ingredients. Please come in," magalang kong sagot kahit medyo nag-aalburuto ang aking puso.
Tahimik lang si Maiko. Parang pinapakiramdaman ako. Ganun din ang ginagawa ko sa kanya habang kausap si Brian. Aminado akong di ko siya feel. Siguro ganoon din siya sa akin. Nang una kaming ipakilala sa isa't isa noong welcome party, hindi naman ako kinibo nito. Nag-hajimemashite (greetings sa taong nun lang nakilala) lang ito sa akin tapos di na ako kinausap.
Nilagay ko sa table ang birthday cake na dala nila. Pagkatapos ay sinabihan ko silang maghintay na lang sa living room at manood ng TV, total iniwan naman yong nakabukas ni Ate Beth.
"Oh, we'll just come back later on when the party starts. We still have to go to AU (cellphone company)," ang sabi ni Brian bago sila umalis.
Hmp. Kunwari ka pa. Ang sabihin nyo ayaw nyo lang mag-stay dahil ako lang ang tao dito.
Umalis nga ang dalawa. Buti naman. At least hindi ko na kailangang magpanggap na maging friendly sa kanila. Pero hinatid ko sila ng tanaw. At nalungkot na naman ako.
Mayamaya pa dumating naman si Ate Beth. Tinulungan ko siya sa mga pinamili niya.
"Nagdrop by po pala si Brian Thorpe, Ate. Magkakilala po pala kayo?" tanong ko sa kanya habang inaayos namin ang mga pinamili niya.
"A, si Brian? Oo naman. Siya ang naka-assign na IET sa Ikeda Chugakkō (Ikeda Junior High School). Teacher siya ng mga anak ko. Mabait yon."
Sino? Si Brian? Mabait? E bakit ang sungit sa akin?
"Talaga po? Mabait pala yon?" nangingiti kong tanong.
"Oo. Sobra. Dati noong hindi pa naging sila ni Maiko, palagi yon sa bahay. Minsan nga dito na nagdi-dinner."
Halos sabay nang dumating sina Brian at ang birthday celebrant. Mukha ngang mabait siya sa bata. Tsaka habang pinagmamasdan ko kung papano siya nakikisalamuha kay Ate Beth, napansin ko ring sweet nga pala siya. Nakaramdam tuloy ako ng paninibugho. Bakit parang sa akin lang masungit ang mokong na to? May kakaiba ba sa akin?
Napansin ko rin na pati yong Maiko ay magiliw din kay Ate Beth. Sa akin nga lang pala aloof ang babaeng yon. Bakit kaya? Na-sense kaya na may gusto ako sa fiance niya? Ang talas naman ng radar.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
Romanzi rosa / ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...