Chapter Thirty-Two - Nomikai

42.6K 692 21
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

Thank you very much for reading this novel! 

This is also available on Shopee and Lazada. 

**********************************

Naging usap-usapan ng mga empleyado ng city hall ang nangyari kay Brian. Lahat iisa ang sinasabi. Kawaisou. Kawawa raw. Iniisip talaga ng lahat na tinraidor siya ni Gary at niloko siya ni Maiko. Hindi nila alam na Hunyo pa lang ay nag-cool off na sina Brian at Maiko.  Kaya technically, hindi inagaw ni Gary ang babae sa kaibigan.   

Nang dumating na magkasama sina Brian at Gary sa meeting naming mga IETs, pati mga kasamahan namin ay nagtataka. Hindi nila maintindihan kung papano nagagawa ng dalawa na maging okay pa rin ang pakikitungo sa isa't isa sa kabila ng lahat. 

"Hey. How's the newlywed?" masiglang bati ni Andrew kay Gary. 

"Blissful," maikling sagot ni Gary. Abot-tenga ang ngiti. 

Nakita kong nagpalinga-linga si Brian. Parang may hinahanap. Nang magtama ang aming paningin, kinindatan ako. Napayuko tuloy ako. Loko-loko siya. Baka may makakita sa kanya. Baka kung ano na naman ang isipin ng mga tismoso't tsismosa naming mga kasamahan. Masyado pang maaga para mabulgar ang relasyon naming dalawa. Ayaw kong mag-isip sila na inagaw ko si Brian kay Maiko kung kaya nangyari ang lahat. 

"Hi Alex," masiglang bati sa akin ni Gary. 

"Hi there," bati ko rin. 

Pumagitna na sa harap si Mark. Mag-uumpisa na ang miting. Bago ito nagsimula, binati muna niya si Gary. Naghiyawan din ang mga kasamahan namin ng kani-kanilang pagbati. Tumayo si Gary at yumuko sa harap naming lahat. Nakangiti. Hindi tulad nung araw ng kasal niya na medyo tensyonado. Parang naka-adjust na siya. 

"After the meeting, everybody's invited to a nomikai (drinking party) in honor of our newlywed," anunsyo ni Mark sabay turo kay Gary. "Drinks are free, courtesy of the Board of Education," patuloy pa niya na mainit namang tinanggap ng lahat. Nagpalakpakan pa ang mga lalaki.

"That's awesome, Mark!" naibulalas naman ni Rhea. "Thank you, Gary," malakas niyang sabi sabay pakawala ng signature laugh niya. Nahawa na rin ang iba.

Ako lang yata ang di masaya. May usapan sana kami ni Brian na ipagluluto ko siya ng dinner ngayong gabi. Pero mukhang di na yon matutuloy.

Naisipan ko siyang i-text. Sinabi kong i-postpone na lang namin ang nasabing dinner. Mayamaya, narinig kong nag-beep din ang cell phone ko. "Why not?" text niya sa akin at may nakasimangot pang emoticon sa dulo. 

Aba, mukhang walang balak iurong ang dinner. Inisplika ko kung bakit. Sinagot ba naman ako ng, "I don't give a shit. They can talk for all I care... I still want to be with you tonight. So the plan is still on."

I was so tempted to just say yes pero hindi maari. Ayaw ko rin namang pinagpipiyestahan siya ng mga makakati ang dila. Masyado na ngang kawawa ang image niya, dadagdagan pa niya. Hindi puwede. Tinext ko siya uli na kailangan namin umatend ng nomikai. Nilingon niya ako. Nakasimangot siya. Lalo ko siyang inirita. Ngumiti ako sa kanya nang ubod-tamis.

"What are you guys doing?" tanong sa akin ni Rhea nang pabulong. Nakita daw niya ang palitan namin ng tingin ni Brian. Bakit daw?

"Nothing," nakangiti kong sagot.

"C'mon, Alex. What is it?" at tinusok ako nito sa gilid. Muntik na akong mapasigaw. Pinandilatan ko si Rhea.

Nasususpetsa na ito sa amin ni Brian pero hindi ko pa rin siya sinasabihan ng mga detalye. Ang alam niya lang, nanliligaw na si Brian sa akin. Di ko sinabi sa kanya na natutulog na ito sa bahay paminsan-minsan. Hindi lang halata dahil imbes na magpunta sa bahay ng nakakotse, kadalasan ay naglalakad lang ito. Hindi naman kasi magkalayo ang mga bahay namin.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon