For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********************************
Hilung-hilo ako. Grabe. Hindi ako sanay gumising nang ganito ka aga. Alas kuwatro pa lang naligo na ako dahil alas sais impunto daw ang call time sa city hall. Ngayon ang unang araw ng English Camp. Instant miso soup, fried egg, toasted bread at isang pirasong hot dog ang almusal ko. Medyo heavy para sa isang katulad ko na halos walang kinakain sa umaga. Papano kasi, natakot ako sa narinig kong mga kuwento na tanghali na ang lunch dahil sa dami ng activities. Kaya kailangang busog. Ayaw ko namang mag-collapse doon.
Pagdating ko ng city hall ng mga five minutes before six, naispatan ko agad ang mga kasamahan ko. Kakaunti pa lang kami. Mabuti at di ako late. Pero napag-alaman ko na nakaalis na pala ang first batch. Ang tindi!
Nang mag-impunto alas sais, dumating na ang van na magdadala sa amin sa location. Pinaakyat kami agad. Palinga-linga ako. Di ko pa nakikita si Rhea. Ang sabi nito, parating na siya.
"Hey, Alex. What are you waiting for?" sigaw sa akin ni David. Nasa front seat na ito. "This is the last shuttle that will take us there."
Bahala na nga ang babaeng yon. Ang tagal. Pumasok na ako sa loob ng van pero wala akong maupuan. Nun naman tumawag si Rhea.
"Sweetie, where are you? We're here," sabi agad nito nang marinig niya akong nag-hello.
Bumaba ako. Nakita ko ang kotse ni Brian na huminto sa likuran ng van. Dumungaw sa bintana si Rhea. Kinawayan ako. Nag-atubili akong lumapit.
"Hey girl! C'mon. We'll be late for the opening program," sigaw nito sa akin.
"Oh, that solves the problem," sabad naman ni Mark na nasa likuran ko na. Sinabihan niya akong sumama na kina Brian dahil wala na ngang espasyo sa loob ng van. Kaya wala akong nagawa. Kumaway muna ako kay David bago lumapit sa kotse.
"Okay, see you there, later," sagot naman nito.
Mabuti at nasa harapan si Rhea. Lilipat pa sana ito pero mabilis kong pinigilan. Kaya solong-solo ko ang likuran ng kotse. Ang bango. Parang bagong linis.
Nilingon ako ni Brian bago nito inistart ang makina. Tsaka nagsuot ng sunglasses. Mayamaya pa narinig ko ang cellphone nitong nagriring. Parang ang lapit lang. Luminga-linga ako. Kinapkap ang magkabilang gilid ko. Nakuha ko siya sa likuran ko. Si Maiko! Inabot ko agad ito kay Brian. Dahil nagda-drive, pinasagot nito ang telepono kay Rhea.
"Hello, girl," narinig kong bati ni Rhea. At humagikhik gaya nang nakagawian. Parang kausap lang ang best friend. Bilib talaga ako dito sa babaeng to. Kayang makisama kahit kanino.
"Your girl said hello and take care," pagre-relay ni Rhea ng mensahe. Tinukso pa si Brian. Tapos lumingon sa akin. At nag-roll eyes. Napangiti tuloy ako. Ang plastic ng babaeng to.
Hindi ako masyadong nagsalita habang nagbibiyahe kami. Nakinig lang ako sa kuwentuhan nila Brian at Rhea. Nainggit pa ako dahil mukhang ang close nila. Parati ko pang naririnig ang tawa ni Brian. Nakakakiliti. Ang seksi niya talaga kahit sa pagtawa.
Mayamaya pa, inantok ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may yumuyugyog sa balikat ko. Tumawa si Rhea nang dumilat ako na parang naalimpungatan pa.
Sinalubong ni Gary si Brian at sabay silang pumunta sa parang gymnasium. Nakabuntot kami ni Rhea. Tinanong ko ito kung humilik ba ako habang natutulog. Naku, kung nagkataon, sobrang nakakahiya kay Brian.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...