Chapter Fifty-Three - Two Thousand Pesos

31.3K 473 64
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

****************************************

Pakiramdam ko para akong prinsesa habang hinihila-hila ng kabayo ang kalesa. Hindi ko mailalarawan ang kasiyahang dulot nun sa akin. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalye, kahit maraming nawiwirduhan sa akin dahil imbes na sa bridal car ako sumakay mas pinili ko pa ang kalesa, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin nang mga oras na yon, natupad ang pangarap ko. Nagkatotoo ang aking panaginip!

Pagdating namin sa Jaro Cathedral nandoon na ang kotse nila Papa at nakaabang na siya sa akin sa may bukana ng simbahan. Matikas pa rin siya, kahit na naka-wheelchair na lang. Nasa likuran niya si Yaya Merced, ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Nandoon din sila Tito at Tita.

Nang makita nila ang pagpasok ng sinasakyan kong kalesa, lumapit sa akin si Tito at inalalayan niya akong bumaba. Napalingon naman sa akin ang aking ama. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kaligayahan. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanila. Sinipat ko ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Kahit na alam kong wala akong dapat ipangamba dahil dagdag-seremonya na lang ito sa amin ni Brian, hindi ko pa rin naiwasang huwag kabahan. Nandoon ang takot ko na baka nagkaroon ng aberya at hindi nakarating sa simbahan si Brian. Pero kahit anong sipat ko sa mga pagmumukha ng aking pamilya, wala akong nakitang pag-aalala sa kanila. Bagkus, larawan silang kahat ng kaligayahan.

"Manang!" narinig kong sigaw ni Kelly habang kumakaway sa akin. Galing siya sa loob ng catheral. Ang ganda-ganda nito sa suot na traheng pang-abay. Kulay asul yon, gaya ng kulay ng suot nitong contact lens na bumagay naman sa hitsura niya dahil mestisahin siya kagaya ng ina. Humalik siya sa pisngi ko at ganun din ako sa kanya. Mayamaya pa, sumunod na rin si Helen.

"Manang, mag-uumpisa na tayo," sabi naman ni Helen. Silang dalawa ni Kelly kasi ang wedding planner namin. Pati nga itong suot-suot kong gown ay disenyo rin nilang dalawa. Pero si Helen at Tita Alicia lang ang nanahi. Hiniram nila kay Yaya ang wedding album ko na ginawa ko pa noong grade two. Kaya umayon lahat sa pinangarap kong kasal.

Kinakabahan pa rin ako kahit nag-uumpisa nang mag-martsa ang entourage ko. Nandoon pa rin ang phobia ko na baka sa huling pagkakataon ay may mangyaring masama at di na naman matuloy ang kasal ko.

Naramdaman siguro ni Papa ang apprehension ko dahil bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya. Pinisil niya ang kanan kong palad na ngayo'y pinapawisan na sa loob ng bridal mitten. Binalingan ko siya at nginitian para hindi na siya mag-alala pero grabe ang tambol ng puso ko.

"Relax, baby," bulong sa akin ni Yaya na nasa likuran ng wheelchair ni Papa. Silang dalawa ng ama ko ang maghahatid sa akin sa altar.

Nang makita kong tumango si Helen sa direksyon namin, nag-umpisa na kaming maglakad. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko nang mga oras na yon. Matindi pa rin ang tambol ng puso ko. Kinakabahan pa rin akong di mawari. Pero kaagad na humupa ang aking kaba nang malapit na kami sa altar dahil nakita ko na ang nakangiti kong asawa na buong pagmamalaking nakatingin sa akin habang naghihintay. Ang guwapo-guwapo nito sa suot na barong Tagalog. Yon lang ang hindi nila sinunod sa wedding album. Mas maganda daw kasi kapag nakasuot ng tradisyonal na damit pangkasal ang groom.

Nang nasa harapan na niya kami, kumibot-kibot ang labi ni Papa kaya lumapit si Brian para marinig niyang mabuti ang sinasabi nito. Yumuko pa siya ng kaunti sa direksyon ng ama ko.

"I-ingatan m-mo a-ang b-beybi n-namin. M-mahal n-na m-mahal n-namin s-siya," sabi ni Papa sa paputul-putol na salita. Nang ma-realize ni Papa na hindi pala nakaintindi ng Tagalog si Brian, inulit nito ang sinabi sa English.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon