For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
*****************************
Wala akong choice kundi humingi ng tulong kay Liam. Siya lang kasi ang kakilala ko sa mga kasamahan namin na marunong mag-Japanese. Hindi kasing galing ni Brian pero mataas din ang level ng proficiency.
Hindi nga ako nagdalawang salita kay Liam. Pumayag agad ito. Siya pa ang nagresearch kung saang malapit na hospital mayroong Gastroenterology Department dahil nagreklamo ako sa kanya na baka meron akong gastroenteritis. Siya din ang nagpaliwanag kay Fujita-sensei kung bakit kailangan kong mag-leave ng ora-orada at bakit kailangan niyang sumama. Pumayag naman agad ang boss kong Hapon.
Ang laking bagay na sinamahan niya ako sa Okayama University Hospital dahil bukod sa moral support napapatawa pa niya ako sa kanyang mga kakengkoyan. Nawala tuloy sa dinaramdam ang atensyon ko.
"I have a gut feeling there's nothing wrong with you," pampalakas-loob na sabi pa niya sa akin. "You migh be, you know," at minuwestra nito ang malaking tiyan. Nakangisi pa ito na parang timang. Pinamulahan ako. Alam kong di siya sinabihan ni Brian ng mga intimate moments namin pero gano'n siguro talaga ang expectations. Kahit totoo namang ginagawa na namin yon ni Brian, dyahe pa rin pala kapag alam mong ina-assume ng iba.
"I'm not. I'm pretty sure," sagot ko sa mahinang boses. Kelan lang natapos ang period ko for the month. Kung papipiliin nga lang ako ni Lord mas gugustuhin ko pang buntis kaysa may sakit.
"Markezu-sama (Miss Marquez)," tawag ng nurse sa akin. Kapwa kami napalingon ni Liam. Inalalayan niya agad ako sa pagtayo at pumasok din siya sa loob ng examination room.
Pinahiga ako ng doktora sa hospital bed at tinaas ng nurse na nag-aassist sa kanya ang sweater ko para lumabas ang tiyan. Pumikit na lang ako. This is not the time to be embarassed. Hindi ko na lang inisip na nando'n si Liam.
Inuna ng doktora ang upper abdomen ultrasound ko. May pinahid siyang malamig na parang gel at hinagud-hagod na nito ng transducer probe ang exposed area ng tiyan ko. Nang matapos ang eksaminasyon sa upper abdomen, binalingan ng doktora si Liam at sinabing,
"Mondai nai desu. (Walang problema)."
"Good news. No problem so far," sabi naman sa akin ni Liam.
Napausal ako ng maikling pasasalamat sa Diyos at nakahinga nang maluwag. Pero hindi pa lubos ang aking kasiyahan kasi kung walang deperensya ang tiyan ko, baka nasa uterus o ovary naman ang problema. Hindi pa ako makakarelaks.
Nang isunod na ng doktora ang lower abdomen, napadilat ako nang kaunti. Na-conscious ako dahil halos nasa itaas na bahagi lang ng pagkababae ko ang transducer probe. Pero naibsan naman ang worries ko nang makitang maingat naman pala ang nurse kaya palagay ko di naman ako nakitaan ni Liam.
Napadilat ako nang marinig kong napatawa nang mahina ang magandang doktora. Nang matapos ang eksaminasyon, masaya nitong binalingan si Liam at binati.
"Omedetou ne. Okusama wa ninshin shiteimasu yo. (Cogratulations. Your wife is pregnant.)"
Speechless kami pareho ni Liam. Pero siya ang unang nakabawi. Nakitawa siya sa doktora at nagpasalamat. Ako'y sobrang shocked. Samot-saring emosyon ang naramdaman ko. Una sa lahat, I was relieved na wala akong malalang sakit sa tiyan. Pangalawa, parang hindi ako makapaniwala na wala nga akong sakit. Pangatlo, buntis ako? Pano nangyari yon e normal namang dumating ang buwanang dalaw ko?
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...