For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********
Nag-uumpisa na namang mag-snow. Isang paalala na malapit na naman ang pasko. Parang kelan lang nang naging kami ni Brian. Hindi ko inisip last year na by this time ay magkaroon na kami ng dalawang cute na cute na supling.
Habang pinagmamasdan ko ang aking mag-amang natutulog sa nakalatag na futon (mattress) sa sahig ng living room, nakaramdam ako ng sense of pride. Siguro may nagawa akong something heroic in my past life para biyayaan ng ganito kagandang pamilya. Napangiti ako. Kinuha ko ang iPad at piniktyuran silang mag-ama. Nakita kong gumalaw si Brian at mayamaya'y napakurap-kurap. Nang makita niya ako'y inunat niya ang braso sa direksyon ko. Lumapit ako sa kanya. Hinila niya ako para tumabi sa kanya. Kinuha niya sa akin ang iPad at tiningnan ang mga nakuha kong pictures. Pinagtawanan niya ang mga nakuha ko. Tabingi daw. Minuwestra niya sa akin kung pano kumuha ng magagandang anggulo. Ako ang ginawa niyang subject.
"Stop already, Bry. That's enough," at tinakpan ko ng kamay ang mukha ko. Tinanggal niya ang nakatakip kong kamay at piniktyuran pa ako ng piniktyuran. "You're crazy!"
Tumawa lang ang mokong. Bumangon na ito at sinabihan akong tabihan ang kambal. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalawa. Nakayakap ang baby boy sa twin sister niya. Ang ganda nila tingnan. Niyakap ko din sila. Piniktyuran kami ni Brian. Nagkukuhanan kami ng pictures nang mag-ring ang telepono sa bahay. Bumangon ako para sagutin yon. Iniwan ko ang asawang abala pa rin sa pagkuha ng mga larawan ng anak namin.
Nakilala ko agad ang boses sa telepono. Si Mommy. Mukhang excited.
"Nakakuha na kami ng visa papunta dyan. We're planning to spend Christmas dyan sa inyo," tuwang-tuwa nitong balita.
"Ay talaga po? Nakupo, matutuwa niyan si Brian," excited ko ding sagot. Nilingon ko si Brian at sinabihang nasa telepono si Mommy. Binaba niya sa couch ang iPad at kinuha sa akin ang receiver ng phone. Nag-usap silang mag-ina.
Mayamaya pa, narinig ko na itong tumatawa. Napangiti ako. Ang sexy pa rin niya tumawa. Kinikiliti pa rin ako. Naalala ko tuloy ang nangyari nung isang gabi. After more than three months na pagdidiyeta, we did it again. Kaya parang first time uli namin. Matagal ding walang ganunan between us. Nagsimula on my final month ng pagbubuntis hanggang sa ika-eleventh week after ako manganak. Although nagsabi naman ang doktor na okay namang gawin namin yon kung naghilom na ang tahi ko, hindi kami nagrisk agad. Natakot kasi ako. Sa laki niya, feeling ko, mawawasak ang tinahi sa akin kung di pa completely healed. Kaya naghintay kami...
Pagkatapos niyang maibaba ang telepono nakita kong lumungkot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nag-alala tuloy ako. Hinawakan ko siya sa braso.
"What's wrong?" tanong ko. Ba't na naman ito malungkot? Hindi ba siya excited na dadalaw ang Mommy at mga kapatid niya sa amin?
Hindi siya sumagot. Sa halip, napabuntong-hininga lang at nahiga sa tabi ng mga bata. Kaharap niya ang baby girl na pingalanan naming Elise, hango sa pangalan ng mama ko na si Elisa. Ako nama'y kaharap ang baby boy naming si Nathan. Kinuha namin yon sa middle name niya. Hinalik-halikan niya ang ulo ng dalawang bata saka nag-open ng internet gamit ang iPad. Hindi na rin ako nang-usisa pa pero sinusulyap-sulyapan ko ang sites na binubuksan niya. Nakita ko siyang nagcheck ng email. Mayamaya'y nag-log-in sa Skype. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam ko na ang dahilan ng kalungkutan niya. Naalala na naman niya si Dad. Bihira na silang mag-usap na mag-ama these days. At medyo nagi-guilty ako dahil alam kong ako ang dahilan. Pero ano ba ang pwede kong gawin? Kahit siguro tumambling ako sa harap ni Dad, hindi niya ako magugustuhan talaga.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...