For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
- Gretisbored
**********
Dahil tatlo naman ang kuwarto sa bahay, hindi na kami pumayag na mag-hotel pa si Dad. Tuwang-tuwa ito nang iminungkahi ni Brian na gamitin niya ang isa sa mga bakanteng kuwarto namin. Mas maigi raw na nasa bahay siya para lagi niyang makakapiling ang mga apo niya.
Medyo hindi ako komportable nang mga sumunod na araw dahil kapag may klase si Brian ay naiiwan akong mag-isa with him. Buti na lang, abala siya sa kakaestima sa dalawang bulinggit. Kaya hindi naman namin kailangang maghuntahan. Minsan, nagkukuwento rin naman siya ng karanasan niya sa pag-aalaga kay Brian. May matching photo-sharing pa ito.
Ang maarte kong prinsesa ay ayaw pa rin sa lolo niya. Sa tuwing kakargahin ito ni Dad, iyak ng iyak. Pero mukhang okay lang din naman sa matanda dahil binabawi naman ito ni Nathan. Kapag hinahawakan ni Dad ang little boy, ngumingiti-ngiti talaga ito at nagre-respond sa pangingiliti niya.
"What are you smiling at?" tanong ko kay Brian nang nag-CR si Dad. Nasa living room kami no'n. Pinapatulog ni Brian ang kambal.
"I think Dad is already warming up towards you. It makes me so happy," nakangiting sagot niya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.
"I guess the twins have helped a lot," at sinulyapan ko ang dalawa na abala sa paglalaro ng kani-kanilang rattlers. Parang walang balak matulog.
"I think he has realized that you're different from Mom. That was his only concern - that I end up with somebody different from Mom. He just doesn't want me to experience what he has gone through with my mother."
Hinaplos-haplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. No'n naman pumasok sa living room si Dad. Lumayo ako agad kay Brian. Medyo nahiya pa ako dahil naabutan niya kami na naghahalikan.
"It's okay. We're not teenagers anymore," nakangisi niyang sabi at sumulyap pa kay Dad. Mukha namang walang pakialam ang ama.
"Oh, Nathan is asleep already? Poor little boy. I think he's tired," komento ni Dad nang makitang tulog na nga ang batang lalaki.
Umupo siya sa tabi ni Elise. Umisod ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyo. Nakita kong ngumiwi na naman ang prinsesa. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay habang tinapik-tapik ni Dad ang kanyang puwet. Tumingin siya sa lolo niya na parang may sarili nang pag-iisip. Nginitian naman siya ng matanda at sinubukang kilitiin. Noong una umiyak ito, pero later on, nabigla kaming lahat dahil tumawa na siya. Mayroon din pala siyang kiliti sa tiyan. Binitawan ko na ang kamay niya at hinayaan na lang si Dad ang magpatulog sa kanya. Nagkatinginan uli kami ni Brian. At kapwa kami napangiti.
Iniwan namin ang kambal sa pangangalaga ng kanilang lolo at pumunta kami sa kusina para magluto na ng pananghalian.
"Are you sure it's okay that he doesn't know?" bulong ko kay Brian. Ewan ko ba, nagi-guilty ako dahil alam kong big thing iyon para kay Dad. Baka magalit siya sa amin.
"We have no choice," pabulong namang sagot ni Brian. "Don't worry," dugtong pa niya at hinalikan ako sa noo.
"We have a choice," sagot ko naman. Anong walang choice ka diyan. Sinimangutan ko siya.
"If we tell him, he would surely leave. Believe me, it's better that he doesn't know. I want them to settle what's between them and move on," patuloy pa nito.
Kung sa bagay, may katwiran naman siya. Bahala na si Darna. Yumakap na lang ako sa kanya at inamoy-amoy ko ang kili-kili niya. Tawa ito ng tawa.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...