Chapter 12

1K 68 13
                                    

Dale's Pov

"bakit mo naman yun itinapon? At bakit ka nandito?"

Nakakunot ang noo niya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. May mali ba sa ginawa ko?

"bakit mo kakainin yun?! Eh madumi na yun!"

Galit ang tono niya. Teka nga, ano bang pakealam niya? Eh sa wala na akong ibang pera eh. Atsaka, sayang yun!

"kasi nga sayang"

"anong sayang? Sasakit ang tiyan mo at mas lalaki ang gastos mo sa hospital. Kung gutom ka, humingi ka ng pagkain, hindi yung pagtitiisan mo ang maduming pagkain!"

Napalakas ata ang boses niya kasi biglang tumahimik yung paligid. Ayan na nga, pinagmamasdan na kami ng lahat.

Napansin din ata yun ni edward kaya hinila niya ako paalis sa lugar na yun.

"saan mo ba ako dadalhin?"

"just shut up"

Hindi nalang din ako nagsalita. Tinitigan ko ang magkahawak naming kamay. Naalala ko tuloy yung dati.

"get in"

"saan tayo pupunta?"

"just get in! Hindi naman kita pagsasamantalahan!"

Diyos ko po. Naalala ko tuloy yung gabing ginawa namin sina hope. Lintek na! Hindi pwede to! May asawa na ako!

Sumakay nalang ako. Alam niya bang gutom na gutom na ako?!

Sumakay narin siya. Alam naman natin kung gaano katraffic ang manila kaya itinulog ko nalang ang gutom ko.

...

Kevin's Pov

May malaki kaming problema na hinaharap ni Ai. I just checked Dale's resume. She's married!

"tsk tsk malaking problema yan! We can't destroy marriage"

"siguro, sadyang hindi lang sila itinadhana sa isat isa"

"thats sad. I really want the two of them to be a couple."

I smiled. Kahit ako rin naman. Pero wala na kaming magagawa, kasal na si dale.

"you know what, maybe dapat nalang natin silang pabayaan"

"pero paano yan? Diba may anak sila?"

Oo nga. Paano yung anak nila? Habambuhay niya bang ilalayo yun kay edward?

"oo pero ayaw ipaalam ni dale na may anak sila"

"ay grabe ang lola, protective!"

Nagtawanan kami ni ai. Naiintindihan ko din naman si dale. Mahirap din yung sitwasyon niya. Mayaman si edward, kung malalaman niyang may anak sila, gagawa at gagawa yun ng paraan para makuha ang bata. Pero at the same time, hindi rin natin masisisi si edward na gawin niya yun kasi nga may mali rin si dale.

Dale's Pov

Nagising ako dahil sa isang napakasarap na amoy. Gutom na gutom na ako! At sa naaamoy ko ngayon, mas lalo akong nagutom! Hanubayaaaaan!

Teka.. Diyos ko po nasaan na ako?!

Jusmiyo nasa bahay ako ni edward! Sala nila to eh! Anong oras na ba? I looked at my watch. Okay 3 pm palang, hindi pa uwian nina hope.

Tumayo ako at sinundan yung amoy. Siyempre sa kusina ang tungo ko.

Si edward kaya nagbuhat sakin? At siya rin kaya yung nagluluto ngayon? Kinikilig ako sa ideyang yun!

"aay gising na pala ang bruha"

Ang sama ng pambungad ng katulong ah. Eto nanaman siya eh. Siya pala yung nagluluto at hindi si edward.

"youre fired"

Ha? Humaygad nasa likod ko siya! Ramdam ko ang init ng hininga niya na dumadampi sa buhok ko! Napalunok tuloy ako. Pero teka, sinong fired?!

Ako ba? Ako?

Napalingon tuloy ako.

"ako b-ba.."

Ang lapit! Ang lapit lapit! Ugh! Why am i fantasizing those lips!

Pero naglakad siya papalayo saken at lumapit sa katulong.

"ayokong mamana ng anak ko yung ugali mo kaya umalis kana"

Ano daw? Eh sa katunayan, mas malala pa nga ata diyan yung ugali ng anak niya eh. No offense.

"p-pero sir, mahigit sampong taon na po ako rito, huwag naman po kayong ganyan"

Maluha luha na sabi nung katulong. Kawawa naman.

"hindi niya naman siguro sinasadya yun"

I said.

"shut up."

Okay. Tatahimik na tayo.

"alis!"

Tumakbo naman paalis yung katulong. Huuy gutom na ako!

"at ikaw, may pagkain diyan, kumain ka"

Hindi na ako nagsalita pa. Kumuha na ako ng pagkain. Wala nang hiya hiya rito! Gutom na talaga ako! Pagkatapos kong kumuha ng mga pagkain eh pumwesto na ako sa dining table at nilantakan yung mga kinuha ko. Mmmmmmm saraaaaaaap!

Uupo na sana si edward sa katapat na silya nang dumating si hope(yung anak niya na hindi ko anak)

"why are you here? Diba hindi pa tapos ang klase mo?"

"mommy fetched me."

"she's here?! Nasaan siya?"

Anak niya ba kausap niya? Kahit konting baby talk naman diyan!

"uhm, in your office."

At ayun, umalis si edward na nakabusangot. Naiwan kami dito ng anak niya. I smiled at her.

"lika kain tayo"

"no thanks, i dont eat with strangers"

Inirapan niya ako atsaka nagwalk out. I understand. Ganyang ganyan rin ugali ko dati eh.

Pero tama ba ang narinig ko? Nandito ang mommy niya? Abay dapat kong harapin ang malanding babae na yun! Magkaedad ang mga anak namin, so ibig sabihin nilandi niya si edward habang may relasyon pa kami. Humanda! Teka, tatapusin ko muna tong kinakain ko kasi sobrang gutom na ako.

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon