Edward's Pov
I dont know whats going on with me. Baka isipin niya may saltik ako sa utak. Sa totoo lang, natakot ako nung sinabi ni Nathaniel na lalaban siya. I have to make Dale fall for me kasi nga ayokong mawala sila sakin ng anak ko.
And if you guys were asking kung anong kontrata ang pinag aawayan namin ni Nathaniel, well malalaman niyo rin yun soon.
Nasa kusina ako ngayon. Para na nga talaga akong baliw.
"Sir sigurado kayo?"
Tanong nung bagong hire na cook namin. Marunong naman akong magluto tangina.
"umalis ka nga rito Sheen!"
Sigaw ko sa kanya. Kanina pa kasi siya putak ng putak. Pasalamat nga siya nabawasan ang trabaho niya.
Lumabas naman siya ng kitchen. I am cooking for breakfast. Alas tres palang ng umaga pero heto ako, gising na gising na. Appreciate my effort please.
"Tito? Bakit kayo nagluluto?"
Ah? Nakita ko si Hope sa may pinto. Nagkukusot siya ng mga mata. Halatang bagong gising pa.
"wala, gusto ko lang kayong ipagluto"
Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa isang upuan malapit sa kitchen table.
"tito, nakita ko kayo ni mama sa music room kahapon. May gusto ka ba sa mama ko?"
Ano kamo? Anong isasagot ko sa kanya?
"sana wala kasi po may papa ako. Bad po yun."
Natauhan ako bigla. May punto yung bata, pero ako naman yung totoo mong ama hope.
Maiintindihan mo rin ang lahat balang araw.
"huwag kang mag alala hope, ang mama mo ay para lang sa papa mo"
-yung totoo mong papa.
Ngumiti siya sakin.
"tito, sunog na po ata yung niluluto niyo"
Tangina! Nasunog nga! Dali dali kong kinuha yung pan mula sa stove. Si hope naman pinagtatawanan lang ako kaya napapatawa nalang rin ako.
Dale's Pov
I checked my wallet. Limang daan nalang pera ko. Birthday na ni Hope nextweek. Haaay. Nahihiya din naman akong humingi kay Edward. Siguro dapat magtrabaho ako.
Total kumpleto naman yung mga papeles ko. Pero saan ako mag aaply? Yung easy money sana eh.
Magreresearch nalang ako mamaya sa internet.
Bumaba na ako para magluto ng breakfast pero mukhang hindi na kailangan. Wala na ang mga bata at tanging si edward nalang ang naabutan ko sa dinning table na nakabihis na. Hindi siya nakabusiness suit, nakapanggolf attire siya.
"goodmorning"
Bati ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Alam kong hindi siya sasagot kasi nga may issue siya sakin. Ibat iba at samut saring issue tungkol sa nakaraan.
"goodmorning dale"
I almost freeze. Binati niya ba talaga ako? Diyos ko po! Totoo ba yun?
"uhm. Saan ang punta mo? Hindi ka ata nakabusiness attire?"
Ibinaba niya ang binabasa niyang dyaryo at tinanggal ang suot niyang salamin.
"may date ako today"
Tumaas tuloy bigla yung kilay ko. Anong date ang pinagsasabi niya? Is he searching for a girlfriend? Teka ano bang pake ko?
"ah sige ingat ka"
BINABASA MO ANG
LOVE PERSISTED (COMPLETED)
Fanfiction''Will love remain even when she left?'' ''why did she left?'' ''what happened to him when she left?'' The clearest among all the perennial queries is that She Left. She left him with no reason. She left without a farewell. Kristel Lewis left Chance...