Chapter 5

1.1K 68 16
                                    

Dale's Pov

It was him.

Oh no.

Bakit naman ganito.

Sobrang aga ata ng pagtatagpo namin.

" you fainted due to massive heartpalpitations but you're fine now"

Hindi parin ako makapagsalita. Gustong gusto ko nang magmura ngayon.

Grabe ang laki ng ipinagbago niya. Yung dating gwapo noon naging sobrang gwapo na ngayon. Pero bakit ganit----teka pota yung anak ko!

"n-nasaan yung---"

Nako po.

Nako po.

Diyos ko po.

"check her out yourself. Anne, ikaw na ang bahala sa kanila"

Tugon niya sa babaeng nakacorporate attire. Base sa suot nito, malamang sekretarya siya ni Chad. Tuluyan nang lumabas ng silid si chad.

Teka yung anak ko nga.

" miss yung anak ko nasaan?"

Tila ba panandalian akong nawala sa sarili nang makita ko si chad ngunit ngayon, diyos ko po ang anak ko!

"she's fine. Galos lang natamo niya at huwag po kayong mag alala, si Mr. Martinez na po ang magbabayad ng bill niyo rito sa hospital, at kung may kailangan pa kayo, magrequest lang kayo. Kahit na ano pa yan, we will grant it basta't huwag lamang itong makaabot sa korte. Ako nga pala si Anne, ang secretary ni Mr. Martinez"

Kumalma na ako nang malamang okay na si Hope.

"okay na sa amin yung sagutin niyo ang bill namin dito"

"are you sure?"

Gulat na tanong nito saken at umupo sa gilid ng kama ko.

"sapat na sa inyo yun? I mean, Edward is so wealthy, you could even ask for a house or even a car"

I smiled at her.

"we don't need that"

She raised one of her eyebrow.

"really huh? Then what do you want from him?"

"nothing."

"well that's unusuall. Tell me, magkakilala ba kayo ni Edward?"

Napakachismosa naman ata ng babaeng ito. So unprofessional.

"bakit mo naitanong?"

"kasi... Hindi naman ikaw ang pinakamagandang babaeng nameet niya for sure at mukha ka pang basahan"

She head to toed me. Simpleng faded and loose tshirt lang kasi ang suot ko at denim pants na halatang sobrang luma na.

"but he stays here until you woke up"

Oh please don't give me false hope.

"bakit? Hindi ba niya parating ginagawa yun?"

"oo naman girl! Kaya ikaw ay maybe, super special. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, hindi na sumasama si sir sa hospital, tinatawagan niya nalang ako para ayusin ang mga gulo niya pero ito, oh my so goodness! Siya mismo ang nag ayos ng gulong ito! Baka sign na ito!"

Sabi ni Anne at napatingala pa sa bubong.

"sign?"

"ang aking beast, bumabait na!"

I laughed at her. I thought she's classy and mean pero baliw pala. Naalala ko tuloy si Ai sa kanya. Kumusta na kaya ang babaeng yun? I failed to be her bestfriend. I wonder how she cope up with the heartbreak nung naghiwalay sila ni kev. I am supposed to be there, cheering her up. I feel so selfish right now. My decision 9 years ago was so wrong. I should have not left. I should have faced my mess.

"tulala po ata tayo?"

"ha? Ah wala wala. Pwede na ba kaming madischarge ng anak ko?"

"well about that, pwedeng pwede na pero may matutuluyan na ba kayo?"

"ah maghahanap pa ako."

"ay wag kanang maghanap. Mr. Edward suggested earlier na dun na lang daw muna kayo manatili sa mansyon niya. Haaay i really wonder bakit ganun siya today, iba ka talaga eh. Umamin ka nga.."

Naku po. I dont want her to know our past...

"ginayuma mo siya ano?"

Nakahinga na ako ng maluwag. Ano ba naman ito.

"hindi ah"

"oo nga pala, what's your name again?"

"i'm Dale at yung anak ko, siya si hope"

" oh sakto! Magkapareho pa kayo ng pangalan ng anak niya!"

What? May anak siya? So ibig sabihin.... May asawa na siya. Bigla tuloy kumirot yung puso ko. Bakit gusto niya akong patuluyin sa bahay niya kung may pamilya na pala siya? Is it for a revenge? Pero para saan pa?

" may anak siya?"

"oo! Aynako hindi obvious ano? Pero wala siyang asawa kaya hindi pa ako nawawalan ng pag-asa!"

"may gusto ka sa kanya?"

"oo naman! Kaming lahat sa office ano! Mapababae man yan o bakla, lahat in love sa looks ni sir! Ang gwapo beh! Pero sa kanilang lahat, lamang ako kasi nga parati kaming magkasama"

At humalakhak na siya ng napakalakas. Totoo nga naman din kasing sobrang gwapo ni chad.

"kaso, ang sama nga lang ng ugali pero naniniwala akong may kakaunti paring kabutihan na nananalaytay sa puso niya"

I just smiled. If she met him 9 years ago she could actually be one of those jealous bitches.

"ang sarap siguro niyang yakapin"

Sabi niya habang tila nag iimagine. Naalala ko tuloy yung mga yakap niya dati.

"at gaano kaya kasarap humalik yung maninipis niyang mga labi"

Shoot.

Tama na. Ang dami ko nang naaalala. Hindi na maganda to.

"you must be in love"

"indeed bhe! Alam mo ikaw, maganda ka. Kulang ka lang ng paligo eh kasi medyo maitim ka"

Sino ba namang hindi iitim eh sa bukid nga ako nakatira at nakabilad ako sa araw para magtanim ng palay. That life was rough and new.

"subukan mo ngang itali yung buhok mo"

Yung buhok ko sobrang dry narin and at the same time sobrang haba, natatakpan na nito ang mukha ko.

"hala shocks!"

Napatakip siya ng bunganga.

"bakit?"

"ang ganda mo bhe!"

She exclaimed. Natawa tuloy ako.

"ay bongga ka. Friends na tayo ha. Atsaka kung ayaw mong tumira sa mansyon ni Mr. Edward, sa bahay ko nalang, mag isa lang ako doon kaya feel free kayo ng baby hope mo"

"sigurado ka ba?"

"oo naman!"

"naku lagot! Yung mga gamit namin.naiwan ata dun sa coffee shop!"

"ah yung sa tapat ba ng SEU?"

"oo yun na nga"

"sige sasamahan ko kayong kunin yun tapos dumiretso na kayo sa bahay ko para makapagbeauty rest kayo"

Bakit kaya ang bait niya sakin nakakacurious na eh.

"wag sana sumama ang loob mo pero bakit ang bait mo sakin?"

Tumawa siya ng malakas. Baliw ba talaga to?

"ewan ko din eh. Siguro ay dahil nakikita ko ang sarili ko sayo. Nung bagong salta palang kasi ako dito sa manila walang wala rin ako. So i really wanna help you. Please dont get me wrong"

Ngumiti nalang ako. Kung alam mo lang, hindi ako bagong salta dito. Pero sige na nga, mas mabuti na to, atleast mas makakatipid kami ni hope.

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon