Chapter 18

1.3K 66 52
                                    


Edward's Pov

"Anne, I am Chad."

Napatakip siya ng bunganga. I cannot put into words kung gaano siya kagulat sa sinabi ko.

"Ikaw si Chad? Kaloka! Kaya pala wala ka sa kwento ni Nat!"

I smiled bitterly.

"pero bakit ka nagpalit ng pangalan sir?"

Because i wanted to remove that tragic past i had. I dont wanna be chad.

"I just wanted to change. Yun lang yun"

Tumango tango naman siya.

"eh sir, mahal mo pa ba si dale?"

She caught me off guard. Mahal ko pa ba siya? Hindi ko pa ata talaga masasagot. Dati kasi sigurado akong hindi na, pero ngayong nagbalik siya, nagbago na ang lahat.

Galit parin ako sa kanya kaya hindi ko parin masabing mahal ko siya.

Pero ayoko siyang mawala. Ayokong umalis siya ulit.

"hindi ko alam"

"nako sir, dapat malaman niyo na yan ngayon palang kasi papunta na si Nat."

Yun na nga eh. Natatakot akong kunin ni Nat si Dale. Unti unti nang nagkakaroon ng kulay ang buhay ko, ayokong mabalot ulit ito ng kadiliman.

"salamat sa paalala Anne. Yan lang ba ang pakay mo?"

"opo"

"sige, makakaalis kana"

Anne's Pov

Mahal ko si sir Edward pero sa tingin ko mahal niya parin talaga si Dale. Kahit na sinabi niyang hindi niya pa alam kung mahal pa niya o hindi, malakas ang loob kong mahal niya parin.

Idagdag pa natin ang katotohanang may anak sila.

Ang sakit tuloy ng puso ko.

Panahon na siguro para maglet go ako.

Umuwi na ako ng bahay, baka kasi magkasalubong pa kami ni Nat, mahirap na.

Nat's Pov

Si Anne ba yun? Imposible.

Kanina pa ako naghihintay dito sa lobby para sa appointment ko kay Chad.

"kung ako sayo, sasampahan ko ng kaso si chad"

Ah? May babaeng tumabi saken. I dont know her honestly.

"sino ka?"

"it doesnt matter kung sino ako. Mahal mo si kristel diba? Pwes lumaban ka"

"wala akong laban kay chad"

"kaya nga magsampa ka ng kasong adultery diba? Sapat na ebidensya na yung news"

Nag isip isip ako. Ayokong umabot kami sa korte.

"ayoko ng gulo"

"pero magkakagulo parin naman talaga. Aalis na ako, pag isipan mong mabuti ang mga sinabi ko"

"sandali!"

"Mr. Nathaniel Marquez"

Susundan ko sana yung babae kaso tinawag na ako ng secretary ni chad. May point yung babae pero ayoko ng gulo.

Pumasok ako sa board room. Nandito na si Chad. Malaki nga talaga ang pinagbago niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa isa sa mga swivel chair.

"Anong kailangan mo?"

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon