Chapter 10

1K 65 14
                                    

Dale's Pov

Humupa na ang baha. Nagawan narin ng paraan yung mga nastranded na sasakyan.

Actually hindi ako nakauwi. Inumaga na ako dito sa kompanya ni kevin kasama yung secretary niya't iba pa. Hindi ko na muna hihintayin si kev, kukunin ko na muna si hope sa bahay ni edward.

Papunta na ako ngayon doon. Hindi ko parin talaga alam kung anong magiging reaksyon ko pagdating doon. Nagkita na ang mag-ama at malaki ang posibilidad na kunin siya saken ni edward.

"dito lang po kuya"

Sabi ko sa cable car driver. Nagbayad na ako at bumaba sa tapat ng gate nina edward. Wala paring pinagbago ang bahay nila. Nagdoorbell na ako.

"hala jusmiyo kristel?!"

Napatakip pa ng bunganga yung babae. Kilala ko siya, isa siya sa mga katulong nina edward dati.

"hello. Susunduin ko lang sana yung anak ko"

"anak mo?"

Itinaas nito ang isang kilay. She hates me so much because i was so mean back then.

"oo"

"sige pumasok ka nalang"

Pumasok naman ako sa bahay nila. Sobrang walang pinagbago. Hala baka nandito sina tita at ate faith, i missed them so much.

"nasaan po sila?"

I asked the woman.

"sino ba kasing tinutukoy mo kristel?"

"sina tita at ate faith?"

"nasa US. Akala ko ba susunduin mo lang anak mo? Ba't andaming satsat?"

"ah sorry. Nasaan ba ang anak ko?"

"aba malay. Hanapin mo nalang"

Sabi nito at nagtungo na sa kusina. Hindi naman halatang ayaw niya akong kausapin pramis.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Andaming bumabalik na ala ala. Dinala ako ng mga paa ko sa garden nila. Napangiti ako nang makita ko yung duyan. Naaalala ko yung dati.

"who are you?"

I looked back and saw a young girl with crossed arms. Hindi ko alam kung bakit pero may iba akong naramdaman nang makita ko yung bata. Siya marahil ang anak ni chad, yung batang nakaengkwentro namin ni Hope sa Seu.

"hello. Ako si Dale, ang nanay ni hope. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"she's up there"

Sabi nung bata at itinuro ang isang treehouse. Maybe bagong gawa yun o hindi lang talaga ako updated na sa loob ng siyam na taon eh nagpagawa si edward ng treehouse.

"sige salamat"

Aalis na sana ako nang tawagin ako nung bata.

"hey you"

"ah. Bakit?"

Lumapit siya sakin still with crossed arms.

She head to toed me.

"nilalandi mo ba ang daddy ko?"

May pagkamaldita nga ata talaga ang batang to. Sobrang naaalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya.

"hindi naman. Oo nga pala, nasaan ba ang mommy mo?"

"she's working pero she's not my real mom naman so i don't care"

So nasaan na ang totoong nanay niya?

Nagtataka tuloy ako. Anak ba talaga siya ni Edward?

"don't look at me like that, hindi ako adopted. It's just that, never did i ever met my real mom"

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon