Dale's Pov
Hello. Rainy morning ngayon kasi nga may bagyo. Sobrang lamig rin.
Inihatid ko si Anne sa sakayan ng bus, sa probinsya lang pala namin ang tungo niya. Ano kayang gagawin niya roon?
Anyway. Papunta ako ngayon sa kompanya ni kevin, nagbabakasakaling mabibigyan niya ako ng trabaho. It has been 1 week nang magpunta ako rito, siguro naman makakausap ko na siya this time. As usual, ito nanamang secretary niya ang kaharap ko.
"maam dale, pasensya na po pero wala po kasi si sir kevin. Ano po bang sadya niyo?"
"nasabi mo ba sa kanya kahapon na nandito ako? Can i just have his address? Or his personal phone number?"
Yung binigay niya kasing calling card eh sa company nila so i still cant reach him.
"naku maam. Hindi po kami pepwedeng magbigay ng private information. Kung gusto niyo po pwede niyo po siyang hintayin rito"
"i understand. Teka nasaan ba siya?"
"nasa isang business trip po pero ngayon po ang balik niya"
Nakakapanghinayang talaga. Bakit ba kasi hindi ko maabutan ang kevin na yan.
"maupo nalang po muna kayo rito maam"
Sabi nung secretary niya at inihatid ako sa isang sofa. Wala naman akong choice eh kaya umupo nalang din ako.
Hope Entrata Marquez's Pov
Nasaan na kaya si mama? Kanina pa ang uwian namin pero wala parin siya. Kanina pa ako rito sa waiting shed, ang lamig lamig na kasi nga parang ref yung waiting shed ng school ko ngayon. Airconditioned.
"look whos here"
Nandito nanaman yung batang kulang sa love. Oo kulang siya sa love kasi masama ang ugali niya. Ang sabi kasi ni mama, ang taong kulang sa love, masama ang ugali.
Kaklase ko siya at pareho kami ng pangalan. Ang galing nun diba, parehong maganda ang pangalan namin.
"Hello hope, wala pa rin ba ang sundo mo?"
Inirapan niya lang ako. Maya maya tinadyakan na niya ang paa ko. Masakit pero nginitian ko lang siya. Hindi niya siguro sinadya.
"youre creepy---aaah!"
Nagsigawan lahat ng nandito dahil biglang nagblack out.
"kids calm down"
Sabi ng isang babae. Teacher ata.
"evacuate all the students now. Sobrang lakas na ng ulan sa labas!"
Sigaw nung guard na may dalang flashlight.
"buddy-buddy!''
Sigaw ulit nito. Dahil nga si hope ang pinakamalapit na estudyante sa akin eh siya na ang hinila ko palabas.
"dahan dahan lang ano ba!"
Reklamo niya kaya nagdahan dahan naman kami.
Sumama na kami dun sa mga estudyanteng nakalinya. Papunta sila sa building A. Yung pinakamataas na building pero sa lakas ng hangin, sa tingin ko hindi safe doon. Napanood ko kasi sa tv kahapon na may posibilidad na magkaroon ng tournado.
Nung mapansin namin ang daang tinatahak ng mga estudyante sabay kaming huminto ni hope at nagkatinginan.
"trust me it's not safe there"
Sabi niya sakin.
"i've been in different science competition before and i know it's really not safe there."
BINABASA MO ANG
LOVE PERSISTED (COMPLETED)
Fanfiction''Will love remain even when she left?'' ''why did she left?'' ''what happened to him when she left?'' The clearest among all the perennial queries is that She Left. She left him with no reason. She left without a farewell. Kristel Lewis left Chance...