Chapter 11

1.1K 68 19
                                    

Anne's Pov

Ay kaloka! Kanina pa ako naghahanap ng signal dito. May galit ata sakin ang baby edward ko kasi ipinadala ako sa kawalan.

Yung pinapahanap ni sir sakin, nahanap ko na siya, hindi ko pa nga lang malapitan.

Mag isa siyang nakatira sa bahay nila. Ayun sa mga chismosang nakachismisan ko, may anak at asawa daw siya kaso lumuwas ng Manila.

Eh bakit naman siya iniwan? Kaloka.

Para saan ba kasi itong ipinapagawa sakin ni sir. Gusto ko nang bumalik ng manila eh.

Dale's Pov

Lumabas na ako ng office niya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ano nga bang laban ko sa kanya? Sana talaga hindi na ako bumalik sa lugar na to.

Can i just close my eyes and imagine the old us with hope?

Think dale. Hindi ka pwedeng magpadala sa nararamdaman mo.

I wiped out my tears.

Kailangan kong lumaban para sa anak ko.

Nakita ko sa sofa si Hope, nagbabasa parin.

"anak, uwi na tayo"

"magpapaalam po muna ako sa kanila mama"

Saka naman dumating si edward na may dalang paper bag.

Nakita ko yung anak niyang nanonood sa itaas. Nakasimangot ito. Nang makita niyang nakatingala ako eh umalis siya sa pwesto niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa dala ni edward.

"books for you"

"woow salamat po!"

Tumakbo si hope papunta sa kanya at niyakap ito.

"mag iingat ka ha. Bye"

"tara na anak"

Lumabas na kami ng gate at umuwi na ng bahay. Its not supposed to be like this.

Nat's Pov

Kumusta na kaya sila? Namimiss ko na sila. Maulan sa labas, yung mga pananim ko naaapektuhan. Humihina narin ang kita ko.

"tao po!"

Ah? Sino yun? Lumabas ako ng bahay. Hala may babaeng basang basa na ng ulan sa labas! Kumuha ako ng payong at sinundo siya roon at pinapasok sa bahay. Mukhang mayaman ata ang babaeng ito, kutis porcelana eh. Binigyan ko siya ng kape at pinahiram ng tuwalya.

"sino ka?"

"oh hi! Im anne!"

Nakangiting sabi niya at nakipagshake hands.

"im nat."

"uhm ano kasi, i think naliligaw ako"

"bakit? Saan ba tungo mo?"

"ha? Ah nakalimutan ko eh hehe"

Nakakapagtaka naman ata yan.

"mag isa ka dito?"

Tanong niya at inikot ang mga mata niya sa paligid.

"hindi naman. Yung asawa't anak ko nasa manila"

"oh eh bat di ka sumama?"

"di kakayanin ng pera namin"

"oh really. Yung asawa't anak mo, anong pangalan nila?"

"dale at hope"

Naibuga niya ang kape sa mukha ko. Halatang nagulat siya. Buti hindi na ito gaanong mainit.

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon