Chapter 25

1K 64 13
                                    

Nathan's Pov

Natatakot ako humarap kay dale ngayon, alam kong kinamumuhian niya ako. Nagsisisi rin ako kung bakit nagpauto ako sa lintek na kyara na yun.

Kanina pa ako naghihintay rito sa restau, magkikita kasi kami ngayon ni dale at ni hope. Miss na miss ko na sila at labis akong nasasaktan sa mga nangyayari.

"papa!"

Jusko po ang anak ko!

Niyakap ko kaagad si hope. Sobrang miss ko na ang anak kong ito.

"papa miss na miss na kita"

"hope, maglaro ka muna doon sa playground at may mahalagang pag uusapan muna sina mama at papa"

"okay po"

Nagtungo na si hope doon sa playground. Umupo na kaming dalawa ni dale.

"dale, Im sorry."

"Nat, I wanna hear your side sa lahat ng nangyari. Tell me everything"

"Hindi ko alam kung saan magsisimula pero dale, sobrang sakit. Sobra akong nasasaktan ngayon. Huwag kang mag alala, iniurong ko na yung demanda laban sa inyo ni chad, ipapaubaya ko na rin sayo si hope, kasi wala naman talaga akong karapatan sa inyong dalawa hindi ba?"

"Nat, im sorry"

"okay lang dale, i want both of you to be happy. Pasensya na kung nadala ako ng galit ko."

"kasalanan ko rin naman ang lahat ng ito nat"

"no, its not your fault. Mas mali kung ipipilit mo ang sarili mo sakin, kasi nga si chad yung mahal mo. Basta dale, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, mahal ko kayo ni hope"

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak kasi ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong guluhin ang isip niya. Sigurado na ako, palalayain ko na siya.

"mahal kita nat, pero bilang kaibigan nalang. Patawad"

She started to cry. I stood up to hug her.

"shh. Its fine. Ano ka ba, gwapo ako, siguradong marami pang magkakagusto sakin"

"loko ka talaga!"

Umupo na ulit ako sa kinauupuan ko. She wiped out her tears.

"nat, gusto ko sanang tayong dalawa ang magpaliwanag kay hope ng lahat."

"thats good then."

"tatawagin ko muna sandali si hope"

Tumayo na siya at naglakad papunta sa playground.

Gustong gusto ko nang umalis kasi gustong gusto ko nang umiyak. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit isipin na mawawala na sa akin ang pamilya ko.

Dale's Pov

"Hope, alam mo namang love na love ka nina mama at papa diba?"

I asked her.

"oo naman po"

Masiglang sagot ni hope. Kinakabahan ako kasi baka hindi niya matanggap ang pagbabagong magaganap sa buhay niya.

"ganito kasi yan anak, si mama at si papa, hindi sila match"

Dagdag pa ni nat.

"diretsohin niyo po ako"

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Nagdadalawang isip tuloy ako. Ayokong masaktan ang anak ko.

"anak, maghihiwalay na kasi sina mama at papa eh"

Nat told her. Hindi siya umimik. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"at ipapalit ni mama si tito edward, ganoon po ba?"

Shes really smart. Paano ba to.

"tama ka anak. Pero ganito kasi yun, si tito edward mo, siya yung totoo mong papa at hindi ako"

Pagpapaliwanag ni nat.

"so ano po ang mangyayari?"

She asked. Hindi ako makapagsalita sa mga oras na ito. Ewan, i just really cant find the right words to explain everything.

"anak, lalayo na muna si papa. Kaya si tito edward mo, siya na ang magiging papa mo"

"iiwan niyo po ako?"

"hindi naman sa ganoon anak. Pero siyempre, kailangan mo rin makilala yung totoo mong papa"

"basta papa ah, babalik ka"

"oo naman. O paano, kailangan ko nang umalis"

"sige papa, hanggang sa muli nating pagkikita!"

"Mahal na mahal ka ni papa, lagi mong tatandaan yan."

"mahal na mahal din kita papa"

Nakangiti na si hope pero si nat, alam kong sobra na siyang nasasaktan. Niyakap niya ng mahigpit si hope bago tuluyang lumabas ng restau.

Nathaniel's Pov

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sa loob ng siyam na taon, sila ang naging buhay ko. Sa kanila umiikot yung mundo ko.

Iinumin ko na sana yung alak nang may umagaw nito.

"kaloka tama na yan!"

"ang sakit. Ang sakit sakit anne"

"kung masakit, iiyak mo, huwag mong daanin sa alak"

Niyakap ko siya. I just wanted someone to soothe me kaya ko siya pinapunta rito.

"bakit. Bakit ganoon"

I cried while hugging her.

"bakit ang lupit ng mundo sakin"

"hindi naman siguro sa ganoon nat"

"mahal na mahal ko sila. Ang sakit lang talaga"

"shh. Sige lang, iiyak mo lang, huwag kang mag alala, nandito lang ako, hindi kita iiwan"

Dale's Pov

Nasa bahay na kami ngayon ni hope. Shes sleeping now. Im thankful na hindi siya gaanong nasaktan pero nag aalala ako para kay nat.

"maam, nandito po si dr. Kara, hinahanap si sir edward"

Iniwan ko muna si hope at bumaba para harapin yung dr. Kara. Ive never heard of her so far.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko na siya kaagad.

"goodevening dr. Kara, edward isnt here yet. Ano po bang kailangan niyo sa kanya?"

"you must be kristel right?"

At paano niya nalaman ang pangalan ko dati?

"yes doc"

"ah i have to go. Just tell edward na nagtungo ako rito"

"teka sandali, may sakit ba si edward?"

"wala naman. Nagsasagawa lang talaga ako ng monthly check up kay edward"

"ah okay. Sige po, sasabihin ko nalang kay edward na nagpunta kayo rito"

"thanks"

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon