Kyara's Pov
Oh ang sakit ng ulo ko. Naparami ata inom ko kagabi eh. That girl named omega, seryoso siya sa sinasabi nyang mamamatay si chad. Hindi naman siguro ako ang magiging killer diba? Well, kahit weird si omega masaya naman siyang kainuman at kakwentuhan. Hindi ko na maalala kung ano yung pinagusapan namin kagabi pero alam kong nag enjoy ako.
*riing*riiiing*
Kinapa ko yung phone ko sa bed. Sino ba to bat ang early naman ata mambulabog?
Its my stupid secretary.
"what? Ang aga aga ha!"
"ms k, kailangan nyo na pong bumalik sa kompanya, pinapatawag po kayo ng board for disciplinary action"
Napabangon ako agad. Punyeta anong disciplinary action ang pinagsasabi ng bwesit nato?
"what do you mean?"
"ms k, ayaw po nilang ipaalam sa akin kasi po confidential daw. Pinatatawag po lahat ng shareholders"
"shareholders talaga? Hindi board members lang?"
Kung ganoon, pati si chad kailangan nang umuwi ng manila. Whats going on? Bakit ako papatawan ng disciplinary action? Im doing fine naman sa company ah!
And who would ask for my disciplinary action ? Could it be chad? Pero paano? He was with me the whole time!
Who the heck is tryna put me down? Si kristel? No, she cant. Shes not involved in the company. Si kevin? Huh. Impossible rin dahil isinama ko siya sa block list ng company which means, the company cant have any transaction under his name as well as nic.
So sino ang deputang naninira saken?! Hmm.
Ai's Pov
Naguguluhan na ako. I really wanna tell chad and kristel about what ive figured out pero natatakot ako kasi baka tama si kevin, baka madamay kami.
Teka, nasaan na nga pala yung bag na naglalaman ng pera ni kyara?
Nilapitan ko si kevin na nakaupo sa sofa. Nanonood siya ng tv.
"kev, nakita mo ba yung bag na inilagay ko dito kahapon?"
"yes. Nasa kotse ko"
"isauli na natin yun kay kyara"
"wag. Well actually 50 million na yun ai, pinadagdagan ko kay kyara for our silence"
Ano?!
HE NEGOTIATED WITH THAT WITCH WITHOUT ME KNOWING?!
mabilis kong naabot ang remote at inihagis ito sa tv. Sapul, basag yung tv.
"ano bang problema mo?"
Siya pa ang may ganang mapikon ngayon? Wow ha!
"kevin, kaibigan mo si chad! I dont get you! Isauli mo yung pera kay kyara!"
"im not gonna do that ai"
"naririnig mo ba ang sarili mo ha? Ganyan kana ba kamukhang pera?! You could be sent to jail because of that! Accessory of the crime! And worst, masisira ang pagkakaibigan nyo ni chad!"
"i know what im doing ai."
Anong pinagsasabi niya? Nasaniban ba siya? Nahypnotize? He's so unreasonable!
"kevin isauli mo kay kyara ang pera!"
"ayoko! Alam mo, bat di ka na lang muna umuwi ng manila?"
What? Pinapauwi niya ako ng manila? And why tho? Whats going on with him? May babae ba siya?
I see. Ginagago mo ata ako kevin. Sigurado akong may iba kang babae. Kaya ganto ka, kaya cold ka, kaya mabilis kang mapikon.
BINABASA MO ANG
LOVE PERSISTED (COMPLETED)
Fanfiction''Will love remain even when she left?'' ''why did she left?'' ''what happened to him when she left?'' The clearest among all the perennial queries is that She Left. She left him with no reason. She left without a farewell. Kristel Lewis left Chance...