MAICA ENTRATA
"Maica! Ano bang pinagsasabi mo ikaw mag iibang bansa? Paano at saan ka kukuha ng pera pampunta doon! hindi pwede! Pati ikaw malalayo sa amin!." Sagot ni tatay sa akin na nag aalburoto na sa galit.
"Tay, malaking tulong ito para saatin hindi ko naman kayang pabayaan si kuya Tay! mali ang bintang sa kanya." Sagot ko kay tatay.
"Mahirap pag malayo ka sa amin Maica..at mag isa ka doon paano na lamang kung may mangyayaring masama sa iyo don " Dagdag ng nanay na kitang kita ko sa mata niya ang pag alala at pag dadalawang isip.
"Pero Tay...Nay.....? Isa tong malaking opportunity para saatin at kay Kuya kailangan natin ng malaking pera para sa pag papalaya at malinis ang pangalan niya. Walang bisyo si kuya ng masama " Singhal ko naman hindi ko naman kasi hahayaan si kuya ng makulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
"AH basta anak hindi ako papayag paano kung may mangyare sayng masama dun katulad nga sabi ng Nanay mo anak..." Sagot naman ni Tatay sa akin na kitang kita ko na hindi talaga siya papayag sa kahit anong idahilan ko.
"Sige po Tay...hindi nalang po" mahina kong sagot.
At agad nadin akong umakyat ng kwarto ko ang nag isip isip at magpahinga. Hindi pumayag ang tatay na pumunta ako sa Germany pero paano na ang kuya ko? Malaki na naman ako kaya ko na ang sarili ko diba? Pero mahirap din naman malayo talaga.....at hanggang sa di nagtagal ay bigla nadin nakatulog sa pagod.
"Hindi pwede!!!"
Sigaw na gumising sa aking pagtulog ah umaga na pala at ang boses nang nanay nagaaway ba sila ng tatay?
"Wala na tayo magagawa yun lang ibenta na natin ang trycyle ko! Lorie kailangan nating ng malaking halaga."
At hanggang patuloy silang nagaaway hanggang sa bumangon na ko para patigilin sila.
"Nay! Tay! Tama na yan umagang umaga." Mahinahon kong pagsigaw habang bumaba ng hagdan para matigil sila sa pag babangayan.
"OH anak? Ang tatay mo kasi ang tigas ng ulo!." Sumbat ni nanay sa akin na galit sa aking tatay.
"Yun lang ang paraan para makakuha tayo ng abogado." Sagot ni tatay kay nanay
"Tay, Nay, hayaan niyo na po akong magpunta sa Germany malaki ang sahod dun payagan niyo na po ako paki usap." Sagot ko nang nagmamaka awa sa kanila ayaw ko ng ganitong nakikita nag aaway ang mga magulang ko.
"Pero anak...." Pagbuntong hinga ni tatay sa akin.
"Malaki na po ako Tay, kaya ko na nag sarili ko dun at isa pa madali itong paraan para kumita ng malaki." Sagot ko naman.
"Anak inalala ka lang namin malayo iyon magaalala kami." Sagot ng tatay at paghawak sa balikat ko.
"Tay may cellphone naman diba pwede tayo mag video chat o mag tawagan at lagi ko kayo iupdate." Sagot ko.
"Anak, sigurado ka na ba diyan? Alam kong malaki na na at may desisyon ka para sa sarili mo." Pag sabi sa akin ni nanay at lumapit.
"Opo Nay, Tay! malaking pagkakataon din ito." Sagot ko ito lang ang tangin idea na naiisip ko ngayon hindi man ako sure kung kaya ko ba talaga pero para ito sa kuya ko.
At sa diskusyon naming pamilya at pumayag na sila na lumipad skong Germany upang dun na magtrabaho at magpapada nalang ako buwan buwan mula sa aking sweldo para makaipon at pambayad sa abogado. At agad ko naman kinontak ang Ale Loraine ang pangalan niya.
YOU ARE READING
Wild Temptations I [R-18] -MayWard EDITING
FanfictionINTRODUCTION: This story is about a half Filipino-British but raised in Germany, a boy who is Edward John Collins -Barber he is the boss, the president and the only son of their family. And his family is one of the most richest people in Germany hi...