TAMED I - THE FIRST ELECTRONIC MAIL.
✏ abvelinozamanthak@gmail.com
✉ 1 new message."MA!" Cheerfully smiling, I immediately rushed towards my mom and jumped in joy before I could completely hug her.
"Oh, Zam?""Ma, nakapasa ako! Nakapasa ako sa entrance exam ng Cambridge University!" natutuwa kong balita sa kanya. She looked just as happy as I was, and a delicate smile appeared on her face too.
May dala itong puting sobre na siyang iaabot niya sana sa 'kin kanina. "Mukhang iyan na rin itong sobreng pinadala ng kolehiyong iyon. Nabasa kong nakasulat sa likod ang buong pangalan ng unibersidad."
Ang laman no'n ay printed copy ng e-mail na natanggap ko kanina. This is it, the moment I've been waiting for.
"Ito na, Mama! Ito na ang simula ng mga pangarap ko. Abot-kamay ko na ang Cambridge University!"
"Sobrang saya ko, Zam, labis ang pasasalamat ko sa Diyos at unti-unti na niyang tinutupad ang mga pangarap mo. Siguradong masaya ang tatay mo ngayon, kung nasaan man siya. Proud na proud ako sa iyo, 'nak."
Sobrang saya ko, kasi out of all the examinees who took the exam ay isa ang pangalan ko sa mga masuwerteng nakapasok. The university has really strict requirements, but I was able to make the cut. I wasn't financially eligible, but studying there has always been my dream. Being awarded the valedictorian scholarship during high school totally changed the game for me, and now I'm beginning my journey as a student at Cambridge University.
"Sino'ng may birthday? Pinabalot mo na naman ba ulit 'to sa kapit bahay, Zam? Ang angas mo talagang buraot ka," bungad ng magaling kong Kuya nang madatnan niya ang mga pagkaing niluto ni Mama sa lamesa.
Napairap ako, ngumisi naman siya at doon nagsilabasan ang dalawang dimples niya sa pisngi. Kahit ganyan siya, palagi kong nakikita si Papa sa kanya dahil sa pagmumukha niya. Para kaming mga batang versions lang ng mga magulang namin. At kung may nakuha man akong pisikal na katangian kay Papa, siguro iyon 'yung malalim na dimples niya, na laging nakatatanggap ng papuri sa mga tao, gayundin ang mga mata kong kulay amber.
Napakamot siya sa ulo nang kurutin siya ni Mama sa tagiliran. "Tama na nga 'yan, inaasar mo na naman 'yang kapatid mo. Dapat kino-congratulate mo 'yan ngayon kasi nakapasa na."
"Sa dinami-dami ng universities na pinag exam-man ni Zam, nakakapasa naman siya lagi. Ano pang bago ro'n?"
"Eh, sa iyong Cambridge nga 'yung inaantay ko Kuya, 'di ba? Seryoso, makakapag-aral na ako ro'n for real. Few steps ahead na lang and shoot, I'm officially in!" excited kong balita sa kanya ngunit tila biglang nag-iba ang ekspresyon niya sa inaasahan ko.
Napatigil siya sa pagnguya at tinitigan ako. "Nag-exam ka pala ro'n? Hindi ba't mga mayayaman lang ang nag-aaral doon?"
"Denzel," awat ni Mama. An unbearing tension filled our small space kitchen. Bahagya kong ibinaba ang kubyertos kong hawak sa pinggan, dalawang subo pa lang ang nnatatapos ko pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana.
"Medicine, Mama, at ano ang pre-med course na kukunin niya? Nursing? Ma, kahit sa public school mag-aral 'yan, malaking gastos pa rin. Paano pa kaya sa Cambridge?"
"May scholarship ako." Nagsisimula nang manginig ang boses ko.
"Zam... "
BINABASA MO ANG
Tamed [GL-Sapphics]
Romance✪ TAMED • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE Zamantha Karssen Abvelino is a sponsored student, concealing her talent and struggling with a deflated self-concept. Her world flips on its axis when a formidable teacher, feared by all, enters her life...