Chapter 10 - Friendly Request

107K 3.9K 12.4K
                                    

TAMED X - FRIENDLY REQUEST

"MISS Rhio!" I rushed through the door.

"What my mom said...  "

"I am grateful for the opportunity to have spoken with your mother. She brought back fond memories of my own mother especially her comical wit and timeless joke."

I couldn't discern if her remark was sarcastic or if she actually relished conversing with my mother. There's no question that her mood was not in good spirits as she exhibited a sad and pallid countenance.

"Thanks for the dinner, your mom promised me to cook her recipe on my next visit here." She faked a final smile before entering her car. May mali talaga sa kanya, hinabol ko ang sasakyan niya para makasiguro. Sisilip sana ako sa kanyang bintana but she poked her head out too, bigla tuloy nagtama 'yung mga noo namin.

"Why?" singhal niya, tila nahilo siya sa nangyari kaya panay sorry ako.

Nauntog lang ako ay nakalimutan ko na iyong dapat na sasabihin ko. "Mag-ingat kayo sa pagda-drive, sobrang dilim na kasi."

Madilim pero ramdam ko ang masusing pagtitig niya. Akala ko hindi na niya ako papansin pero nagsalita ito saka nagmadaling umalis. "Rest assured, I'll text you as soon as I get home."

Naiwan akong nakatunganga sa papalayong sasakyan niya. Hindi ba dapat hiningi muna niya ang number ko?

"Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo riyan, ha, kinakausap kita."

"Hindi ako naghihintay, 'no!" depensado kong sagot kay Mama kahit wala naman siyang sinasabi.

"Ano'ng hinihintay mo?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay nag-isip ako ng pwedeng iusisa. "Mama, may iba pa bang sinabi si Miss Rhio sa 'yo kanina? Para kasing may nagbago sa kanya pagkatapos niyong mag-usap."

"Nabanggit niya ang pagkawala ng kanyang ina, maselan ang usapan dahil nakakalungkot na trahedya ang nangyari. Mag-isang anak pa man din siya kaya naging mahirap para sa kanya ang lahat, ngayon ay mag-isa siya sa buhay dahil subsob sa trabaho ang hindi kasundong ama."

"Wala pang isang oras kayo nag-usap ang dami mo nang nalalaman, siguro tinutukan mo ng kutsilyo si ma'am, ano?"

"Sa susunod kapag may gusto kang malaman, siya ang tanungin mo, ha? Mukhang mabait naman 'yang propesora mo kasi kinausap pa ako no'n pagkatapos ng mga sinabi ko sa hapag, siya pala iyong Sandoval na tinutukoy mo! Pambihira kang hunghang ka!"

The knowledge that she trusted my mother but not me stung, yet it warmed my heart to know that my mom had become a confidante for her. Although I knew that my status as a mere student placed a barrier between us, I couldn't help but crave the chance to build a genuine friendship with her too, to connect on a level beyond the confines of academia.

Just as I was biding my time, a call from an unfamiliar number broke through, causing my heart to skip a beat with the prospect that it could be the highly regarded Professor Sandoval trying to get a hold of me.

"Ezrahhish, you need to hurry up and take Rhio home! I really can't do it alone, I'm too drunk and I can't drive. . ."

"Location please," taranta kong pakiusap.

Dinala ako ng lokasyong binanggit niya sa isang yayamaning bar ngunit nalibot ko na lahat sa loob ay wala pa rin akong makita hangga't sa nakarating ako sa harapan ng mga nakahilerang pinto sa ikatlong palapag ng gusali. Ang iba ay naka-lock habang ang iba naman ay nakaawang lang dahil kinalimutan nang i-lock. Napapamura na lang ako kada bukas sa mga nakaawang na pinto dahil puro mga gumagawa ng kababalaghan ang nabubungaran ko.

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon