Chapter 5 - Target Prey

125K 4.2K 14.5K
                                    

TAMED V - TARGET PREY

"BELIEVE me, Zam. Okay lang ma-late, hindi ka naman santa! Tapos mabait si Sir Allen kaya uso ma-late do'n, promise!" pangdedemonyo sa 'kin ni Richelle.

Today is the last meeting with him as our instructor. To be honest, Richelle was right. In the past few meetings, we haven't done much in his class. Professor Sandoval has a different approach in handling the class. Laging productive ang ang buong klase, wala kaming panahon mag-petiks at nasusulit talaga ang oras, tuition fee at pinangbayad sa units ng subject.

Malapit na kami sa classroom at iba na 'yung kaba ko dahil 7:46 am na. We're 16 minutes late!

As we were getting closer to the room, I inquired, "Paano kung nasa loob na pala si Sir Allen? In case we need an alibi, how would we make one?"

"Hindi naman 'yon magagalit, eh. Tara na!" Richelle squeezed my hand confidently. Glass 'yung door kaya kitang-kita ang mga tao sa loob pagdating namin, pareho kaming nabigla dahil okyupado na ang instructor's table.

"Zam," bulong ni Richelle, hindi na ako makawala sa kamay niya dahil kusa na itong humihigpit sa pagkakakapit sa 'kin dahil sa kaba. Hindi si Sir Allen iyong nakaupo sa harap kundi ang nag-iisang Professor Sandoval. Pwede bang lumubog na lang sa tinatayuan ko?

While holding each other's hands, we entered the room together, visibly trembling with fear as our knees shook.

"Why are you both late?"

Matalas ang mga mata niyang pumapako sa 'min, tila hindi na nga ito kumukurap. Yumuko ako habang mahigpit na hawak ang kamay ni Richelle. Hindi ko 'to kayang sagutin, kinakabahan ako. Ano'ng idadahilan ko? Na kumain lang kami saglit? Na akala namin si Sir Allen pa ang prof kaya sinadya naming magpa-late?

"You both have been marked as absent automatically. If you wish to make up for the missed class, you must go to the Student Affairs Office and obtain an admission slip," malamig niyang saad. Hindi na niya kami hinintay magsalita dahil hindi rin naman niya kami patatawarin.

Pilini naming kumuha ng admission slips kaysa umuwi na lang. Kalahati na lang ng lecture ang inabutan namin dahil nagpa-quiz ang propesora. Nakapanlulumo lang dahil hindi kami included sa worth 15 points quiz na 'yon, nakakaiyak! Malaking kabawasan 'yon sa class standing ko!

"Class dismissed."

Bagsak-balikat kaming tumayo ni Richelle mula sa desks namin, walang lakas kundi panghihinayang.

Professor Sandoval issued an authoritative order, "Miss Delos Reyes and Miss Abvelino, I need you both to stay here for a moment."

She proceeded to lock the door and turned towards us once all our classmates had left.

"Sit," istriktong utas niya. Kanina pa nanlalambot ang mga tuhod ko. Bilag estudyante, hindi ko pa 'to kailan man naranasan buong buhay ko, ngayon pa lang talaga.

"Do you still have class at this hour?" tanong niya sa amin at nagdekwatro pa.

"Yes ma'am," kalamadong sagot ni Richelle.

Professor Sandoval turned to me and asked, "And what about you, Abvelino? I suspect you don't have any classes after this."

Tumingin siya sa 'kin. My heart decided to skipped a beat when her eyes met. Kanina pa ako umiiwas sa mga tingin niya, ayoko siyang tingnan sa mata dahil natatakot ako. Iba na talaga 'tong babaeng 'to sa malditang ewan noong enrollment day. I couldn't help but notice how powerful and commanding she looked today. Her strong presence seemed to exude a sense of control that could potentially dominate the world, regardless of how much I tried to deny it.

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon