TAMED XXXIII - DATE
(A/N: Chapter 33: Date and Chapter 34: Escapade were once a single chapter lang titled 'Denial Friyay' I think dito sa chapter na ito ako mayroong maraming in-alter na parts dahil may mga 'di ako nagustuhan when I reread it lalo na sa Escapade. Worry free, I made sure this is even better than before. Enjoy reading, and happy mother's day sa mga mommies natin diyan!)
MAG-ISA kong tinahak ang daan papunta sa waiting shed na dati ko nang naging safe spot rito sa car park kapag naghihintay ng masasakyan ngunit natigil lamang ako nang makilala ang pamilyar na matandang kausap ng isang lady guard ngayon.
"Lolo Roverts?" Nagpakilala ulit ako dahil baka nalimutan na niya ako.
"Naalala kita, Zamantha," nakangiting tugon nito. Nakasuot ito ng puting polo at maong, na tumiterno sa puting rubber shoes niya. "Estudyante ka rito?"
"Opo, kayo po? Bakit po kayo narito?"
"May hinahanap akong importanteng tao, ang kaso ay naantala na ang pagdating ko dahil gabi na. Hindi ko na siya naabutan."
"Sino pong hinahanap niyo, Lolo? Friday po kasi ngayon, kung babalik kayo ay sa lunes pa po kung gano'n."
"Si Ritchel, balita ko nagtuturo na siya rito."
"Ritchel? Si Professor Rhio Ritchel Sandoval po?"
"Babalik na lang siguro ako rito sa Lunes."
"Alam niyo po ba ang address niya?" Baka mas mabuting puntahan na lang niya ang propesora sa kanilang bahay kung importante man ang sasabihin niya.
"Oo, ngunit mas kumportable ako kung dito ko siya makakausap."
Panandalian akong napaisip, naaalala ko pa rin ang unang beses na nakita ko ang matandang muntik masagasahan ni Professor Sandoval sa harap ng café noon. Hindi lang pala iyon coincidence lang, marahil sinubukan ulit siyang kausapin ng matanda noon pero gano'n ang nangyari. Ano nga ba ang ugnayan nila sa isa't isa?
"Dati akong trabahente ng kanilang mansion, hija," nakangiting sagot ng matanda nang sa wakas ay tanungin ko ito.
Pero bakit gano'n na lang siya tratuhin ng propesora noon? Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.
"Ayos lang po ba malaman kung bakit niyo gustong makausap si ma'am? Kasi baka pwede ko kayong matulungan."
Just as I was speaking, a loud car horn interrupted me. I spun around to see a dark car behind us, and the headlights were so bright that it nearly blinded me. Si Professor Sandoval ang may-ari ng bagong sasakyan, at nang masiguro ko 'yon ay agad kong hinanap si Lolo Roverts na kanina lang ay iniwan ko sa waiting shed pero wala na siya roon.
"Hey, you seem a little on edge. Is everything okay with you?" tanong ng propesora, bumusina pa ito para kunin ang atensyon ko. "Hop in, I'll bring you home."
Kadidikta ko lang sa sarili ko na lalayuan ko na muna siya pero hindi iyon ang sinasabi ng sitwasyon. Tahimik akong sumunod sa propesora upang makausap ko sana siya tungkol sa matanda.
"Don't sit there. Come here," muwestra niya sa kanyang tabi. Ayaw nga pala nyang umuupo ako sa likod dahil nagmumukhang driver daw siya.
I was trying to pick the right moment to spill about the old man, but she was still feeling pretty positive after the library debacle. I didn't wanna rain on her parade.
"I called, I mean, I texted your brother and told him I'm taking you home."
Patay malisya lang ako pero gets ko na bakit siya nagkakaganyan, ayaw lang talaga niyang ipahiram phone niya. See how she's acting? She's acting all nicey-nicey, like she's trying to make up for the library situation.
BINABASA MO ANG
Tamed [GL-Sapphics]
Romance✪ TAMED • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE Zamantha Karssen Abvelino is a sponsored student, concealing her talent and struggling with a deflated self-concept. Her world flips on its axis when a formidable teacher, feared by all, enters her life...