Chapter Five
Jiminie? Chimchim? Mochi? Chimmy? Like who the freak were they calling to with those freaking so baduy nicknames?!
Humalukipkip ako at padabog na sumandal sa upuan ko rito sa labas ng kuwartong kinaroroonan ni Jimin sa loob ng school's infirmary. The brute said we could just bring him to the leisure room since we had first aid kit there but no, I saw his wounds, he really needed to be here.
Masama ang tinging ipinukol ko sa mga babaeng nakakumpol sa labas ng pinto at pare-parehong hindi mapakali habang hinihintay naming lumabas si nurse Ham na siyang gumagamot kay Jimin ngayon sa loob.
They were quite a few and all looked so worried.
"Oh my Chimchim, I hope he's fine."
My brows immediately arched at the crying girl from the crowd of the girls—I assumed, Jimin's girls, ex-girl, fling or maybe, some of the girls who were just head over heels for him. Maputi siya at matangkad, kahit na nakasuot siya ng uniform ay halata ang kurba ng katawan niya at mahahaba ang mga mapuputing binti.
I could even see expensive brands all over her body, all from her diamond studded headband, chained sling bag down to her shining branded pair of black shoes.
Oh, so Jimin Park's style. Halos lahat ng babaeng nandito ngayon ay iyon ang common denominator. Mayroon pa ngang mukhang galing pa sa lower grade dahil sa suot na ID lace.
And what the hell was she crying about? Hindi naman nasagasaan si Jimin o nabaril para umiyak siya ng ganyan! If I knew, she was just one of my best friend's pathetic and desperate ex-girlfriends! At paano nila nalamang nasa infirmary si Jimin? Dismissal na nang magsimula ang practice kanina, or maybe, they were there to watch?
Sanay naman na sina Kuya Namjoon sa mga ganitong eksena kaya hindi na lang sila kumikibo at tahimik na lang din na naghihintay sa paglabas ni nurse Ham ngunit hindi ko mapigilang magngitngit habang naiisip kong lahat ng mga babaeng ito ay maaaring mga ex-girlfriends ni Jimin.
Ilang minuto ang nakalipas bago bumukas ang pinto at sumilip mula sa loob si nurse Ham. The girls immediately hyped up, still calling Jimin names but nurse Ham stilled the door close and ignored the crying and squealing girls.
Nang mahanap niya ang mga mata ko ay bumuntong-hininga siya. "He needs you inside," she told me stressing the first word.
Nagtinginan sa akin ang mga miyembro ng BTS maging ang mga babae.
I rolled my eyes as I stood up and went inside the room. Pero bago iyon ay narinig ko pa ang malalim na boses ni Kuya Jin.
"Fvcking inseparable…"
Followed by groans and snickers from the girls, laughs and chuckles from the other BTS members and Ate Milan.
Nakita kong naka-upo ang walanghiya sa ibabaw ng nag-iisang kama sa loob ng silid habang ngumingiwing pinagmamasdan ang sugat niya sa kanang siko, dahil iyon sa pagkakabagsak niya kanina. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Come here, east," aniya sabay tapik ng marahan sa espasyo sa tabi niya.
Hinanap ko muna si nurse Ham at nakita ko siyang ina-ayos ang mga kagamitang gagamitin sa paggamot sa sugat ng walanghiya.
Minsan ko lang makita si Jimin na masaktan, iyong ganito, iyong magkakaroon siya ng sugat. Lumaki kasi kami pareho na puro sampal ng mga babaeng pinaglalaruan niya lang ang physical pain na natatamo niya.
'Cause how could I forget that it was me…?
Ako palagi ang madalas masaktan noon.
"Jimin, baby boy! Alam mo bang hindi nananakit ng babae ang isang lalaki?!" singhal ni Tita Janna kay Jimin na naka-upo sa tabi ko rito sa couch sa main living room ng Park Mansion.
BINABASA MO ANG
He Submits [BTS Fanfiction] √
FanfictionMy words are his laws, my orders are his obligations though in bed, he is the dominant and I am the submissive, still to me, he submits.