IX

550 9 7
                                    

Chapter Nine

Biyernes, manghang-mangha sa teamwork ng partnership namin ni Jackson—he told me to call him that—ang aming teacher nang matapos namin ang apat na subtopics at buhay na buhay ang buong klase dahil sa mga ice breaker games na ginawa ni Jackson.

Magaling din siyang mag-present, now I wondered what was his ranking. He got me threaten for a while. I was even surprised to know that almost all of my classmates respected him. Siguro dahil bukod sa mukha talaga siyang matalino ay pinangungunahan niya ang ilang group works dito sa classroom.

Nalaman ko kasing siya ang class president ng klase sa ilang subject. I didn't really cooperate with class groups of officers 'cause that would be just an extra work for me. Isa pa, hindi ako malapit sa mga kaklase ko.

Again, I had got confused, just what had I been doing that I just knew all about him now? Masyado ba akong oblivious sa paligid o sadyang wala lang talaga akong paki-alam kaya hindi ko alam ang mga bagay-bagay tungkol sa kaniya?

I couldn't even remember his name listed on the top ten ranking. Well, maybe because I was only focused on the first and second ranks.

Nang dumating naman ang first weekend ay nagpunta si Jackson sa bahay dahil hindi pa naman tapos ang report namin. May dala siyang sarili niyang laptop kahit na sinabi kong mayroon naman ako.

He insisted. At dumating siya sa bahay sakay ng isang itim na Audi! He drove! For a nerd, I didn't expect it plus he was underage!

He appeared wearing a white plain t-shirt and dark brown short that he nicely matched with a pair of brown boat shoes. Nakasalamin pa rin at mukhang pinagka-abalang ayusin ang buhok. A silver watch rested on his left wrist. Well again, for a nerd, he knew how to properly dress up.

I opened the house's library only for this. May shelves ako sa kuwarto ko at naroon ang mga librong madalas kong ginagamit ngunit hindi ko gustong sa kuwarto ko kami gagawa. Si Jimin ang lang lalaking pinapayagan kong pumasok doon.

Ang library sa bahay ay si Daddy ang madalas gumagamit kapag nandito siya sa bahay pero nasa office siyang ngayon kaya't hindi niya malalaman.

There were two tall glasses of tamarind juice and chocolate sandwiches served on the table for us. Pero hindi pa namin pareho nagagalaw ang mga iyon dahil naging abala kami agad sa mga gawain.

"Let's eat first," sabi ko bago tumayo at saglit na nag-stretch ng katawan dahil sa tagal naming naka-upo at tutok sa laptop.

"Uh, o-okay," sagot niya at tumayo na rin. Sumunod siya sa akin patungo sa mini-sala ng library kung nasaan ang coffee table at ang set ng couches. Nasa likod namin ang mga nagtataasang shelves at may mga valleys na naghihiwalay sa mga ito.

Habang kumakain kami ay mukha siyang awkward. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay hindi pa rin siya komportableng kasama ako. Or maybe, he was really just an awkward person.

Tumitig ako sa kaniya habang nakayuko siya at tahimik na kumakain. Sanay akong kasama ang mga arogante at may saltik na mga lalaki kaya naninibago talaga ako sa isang ito.

"You're not comfortable with me?" I asked him while munching on my food.

Agad siyang nag-angat sa akin ng tingin. And even with his specs, I could see fear mixed with amusement in his eyes.

Puwede ba iyon?

Nahinto siya sa pagkuha ng baso para uminom kaya tinanguan ko siya para ituloy iyon. He shifted in his seat and put the glass back on the table. Lumunok siya o baka nilunok niya ang pagkaing nasa bibig niya.

"I-It's not like that. I'm still v-very sho-shocked that y-you're with me now."

At hindi ko mapigilang ikutan siya ng mga mata sa tuwing sinasabi niya iyan. Kahapon ay sinabi niya rin iyon nang mas pinili kong sa kaniya sumabay mag-lunch sa isang restaurant sa labas ng school dahil kasama ni Jimin si Cielo Severino.

He Submits [BTS Fanfiction] √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon