Chapter Fourteen
"Mister Jeon, I don't have a problem with your attitude inside my class, you're actually giving me a favor for being too silent, I don't even know if you're listening but that's not the case. Nahihirapan ka bang intindihin ang mga idini-discuss ko? Ikaw na naman ang pinaka-mababa sa long quiz niyo."
I couldn't help but casually roll my eyes in my seat while taking in all our English teacher was saying to Jungkook. Hindi naman ito ang unang beses na napagsabihan siya ng ganyan. Alam ng lahat kung gaano siya kakulelat sa English subject, magaling naman sanang magsalita ng Ingles, ang kaso ay malay ko ba kung bakit parating mababa ang mga scores niya. Simpleng subject-verb agreement lang naman kasi ay hindi pa niya ma-perfect.
Para saan pa iyong mga pagba-bakasyon nila sa States tuwing summer kung ganyan siya? Ang akala niya yata ay walang rule na sinusunod ang linggwaheng Ingles. Tsk, tsk.
"I answered your questions very honestly, but it seems like you didn't like it." Narinig ko ang mahina ngunit matigas na boses ni Jungkook mula sa likod na bahagi ng room na para bang kasalanan pa ng teacher namin ang lahat.
I silently scoffed hearing his nonsense answer as I looked down at my paper resting on top of my desk. Hindi ko naman na kailangan pang aralin ang naganap na long quiz dahil grade school pa lang ay pinag-aaralan na ang subject-verb agreement. Grade 10 na kami, it was actually too sucking up to study the topic all over again but what could I do? Kasama iyon sa subject syllabus.
I got the perfect score again, together with Arianne Lacerna and other outstanding students in the class. I wasn't even surprised to know that Jackson Wesley also got a perfect score. At mas lalo namang hindi na ako nagtaka nang si Jungkook na naman ang pinaka-mababa.
"I don't want to offend you, Mister Jeon but I really think, you need to get a tutor. Hindi na kita pangungunahan kung saan ka hahanap pero gusto kong sa final exam ay mangalahati ka man lang. I'm afraid I'd have to use a red pen in filling up your report card and I believe, you don't want that."
Matapos iyong sabihin ng aming English teacher sa banayad na paraan na tipong iniiwasan ngang ma-offend si Jungkook ay nag-announce na siya ng dismissal bago inayos ang mga gamit at lumabas ng room. While I was left still staring at my paper and thinking about what our teacher said.
Sa apat na taon kong kaklase si Jungkook, ngayon ko lang talaga pinagdudahan kung bakit siya nandito sa highest section gayong lugmok siya isa sa mga major subjects. Hindi siya ma-isasalba ng galing niya sa ibang subject dahil mahalaga ang English subject.
Now, that was absurd and suspicious.
Kilala ko si Jungkook na hindi gagamitim ang estado ng pagkatao niya para maka-angat sa iba. I woudn't believe if he would say, he used his family's name to get to our section but I wouldn't also believe if he would say, he worked hard for it.
Wala dapat siya sa highest section, sa totoo lang.
"I feel bad for Kookie. Okay naman siya sa ibang subject."
Mula sa pagmamasid sa papel ko ay nag-angat ako ng tingin dahil sa narinig. I saw my seatmate already fixing her stuff inside her bag while looking sadly at our back. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya para lang makita si Jungkook na mukhang walang balak gumalaw sa kinauupuan at matamang nakatitig lang sa labas ng bintana.
He looked like someone who didn't care about failing at all.
"I'm sure, he can hire a good tutor. I hope, he gets the better."
Ibinalik ko ang tingin ko sa seatmate ko na ngayon ay patayo na at mukhang hindi napapansin na nag-mo-monologue siya sa harap ako at naririnig ko ang mga sinasabi niya. I didn't think she was talking to me. Hindi naman kami close.
BINABASA MO ANG
He Submits [BTS Fanfiction] √
FanfictionMy words are his laws, my orders are his obligations though in bed, he is the dominant and I am the submissive, still to me, he submits.