III

979 16 17
                                    

Chapter Three

♪ Soundtrack: Talking Body by Tove Lo ♪

Damn it!

Muntik na akong sumubsob sa likod ng shotgun seat habang abala ako sa pag-ba-browse ng kung anu-ano sa phone ko dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan. Mabuti na lang at nakasuot ako ng seatbelt dahil kung hindi ay baka tuluyan nang sumubsob ang mukha ko sa likod ng upuan.

Agad akong nag-angat ng tingin kay Manong Selmon. Sinalubong ng galit kong mga mata ang tingin niya sa rearview mirror ngunit agad din naman akong kumalma nang makita ko ang takot at pag-aalala sa mga mata niya.

Sa totoo lang, day off dapat ni Manong Selmon ngayon pero dahil hindi pa ako nakikipag-usap kay Jimin ay kinailangan ko siya ngayon para ipag-drive ako patungo sa school. Puwede sana akong sumabay kay Ate Milan pero dahil may sa early bird ang babaeng iyon ay sadyang maaga siya parating pumapasok at hindi iyon maghihintay sa akin.

May kotse siya dahil nasa legal na edad na siya para magmaneho.

I could buy my own car but then, it would take a lot of effort and time to apply for a student license since I was still seventeen and I still didn't know how to drive. Kaya maghihintay na lang ako ng isang taon para mag-aral mag-drive. Usually kasi, sinasabay ako ni Jimin patungong school. He was very reliable, only if he was not being a brute again and getting on my nerves.

"Bakit po kayo huminto?" tanong ko at nilingon ang bintana. Nakita ko mula sa tinted window ng bintana ng kotse ang guard house sa labas kung nasaan nakatayo ang isang guard, nakatitig sa sasakyan nang may pagtataka. Hati sa dalawa ang itim na matayog na tarangkahan para sa paglabas nitong kotseng sinasakyan ko.

"Ah, Miss Hannan, hindi po ba kotse ni Sir Jimin ang sasakyang iyan? Humarang po kasi bigla," mahina at tila nananantiyang sabi ni Manong Selmon kaya pumihit naman ang ulo ko sa harap.

A familiar light blue and white Lambo car blocked our way out of the gate's driveway. Pahalang ang pagkakaharang ng sasakyan na tila ayaw talagang padaanin ang sasakyan namin. Masyadong heavy tinted ang mga bintana ng sasakyan kaya hindi ko makita kung anong ginagawa ng walanghiya sa loob. At ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Bakit nakaharang siya riyan?

"Hindi po ba puwedeng salisihan ang kotseng iyan? Mali-late na po ako." I exasperatedly told the poor old man. It was annoying how Jimin Park always took everything just as his stupid game.

Pati ba naman ang pakikipagbati niya sa akin ay idadaan na naman niya sa laro?

Kung gusto talaga niyang magkabati kami ay nagpunta dapat siya kagabi sa bahay at nakipag-usap sa akin instead of partying! Ang lakas pa ng loob niyang i-post sa IG ang mga pinaggagawa niya kagabi sa Cypher Dos! Nakalimutan yata niyang naka-log in din sa phone ko ang account niya!

Kakahiwalay lang nila ni Arianne Lacerna pero may mga babae na agad siyang nilalandi. And the brute did really come back to his taste.

Jimin Park was a demon—in bed or not—for sexy girls! E mukhang cover girl ng kung anong men's magazine iyong babaeng naka-akbayan niya kagabi e. The boobs? Walang-wala iyong mga fluffs ko! Ang laki pa ng ngiti ng walanghiya na tipong nanalo siya sa lotto! At ayaw ko nang isipin pa kung umuwi ba siya kagabi o inumaga ng uwi!

Walanghiya siya! May pasumbong-sumbong pa siya kay Ate Milan! Porke't alam niyang sobrang close kaming magkapatid at alam niyang parati akong sumusunod sa Ate ko.

At isa pa iyong Jungkook Jeon na iyon! Buwisit, pakiramdam ko iniisahan ako ng salbaheng iyon! Of all girls, Ate Milan ko pa?!

Napalayas ko pa kagabi si Ate Milan sa kuwarto ko dahil sa sobrang inis at gulat.

He Submits [BTS Fanfiction] √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon