XXXIX

432 6 6
                                    

Chapter Thirty-nine

Yes, I was hurting. Wala na yata talagang katapusan ito.

Nilisan ko ang mesa namin ni Jimin habang proud na proud siya na ipakilala ako sa lahat, iniwan ko siya roon habang malaki ang tiwala niyang hinding-hindi na kami masisira pa. At sa ginawa kong iyon, hindi lang ang puso ko ang nabasag, pakiramdam ko, kasama kong tinalikuran at iniwan ang mundo ko kay Jimin.

Sa bilis ng paglalakad ko habang nakayuko at abala pa rin sa pagpupunas ng mga pisngi kong hindi pa rin natutuyo dahil sa mga luha kong walang tigil, ay hindi ko na magawang humingi ng tawad sa mga taong nababangga ko.

I just wanted to go far away from here as soon as possible, 'cause I was afraid, if I would ever go back or just look back, I would just change my mind and throw away all the decision I bravely made.

Masakit na, pero hindi ako aabot sa ganito kung ganoon kadali lang pa lang magbabago ang isip ko.

"Aray! Ano ba, tumingin ka naman sa dinadaanan mo, Miss!"

Hindi ko na nilingon pa ang nabunggo kong iyon, diretso lang ang lakad ko sa kung saan, ang tanging gusto ko lang talaga ay ang makalayo sa lugar na ito. Pakiramdam ko, tinatakbuhan ko iyong sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil nakadikit ito sa akin, malakas ang kapit.

"Miss, I'm sorry for what she did, excuse me. East, Hannan! Fvck!"

My heart, that was now shattered, still freaking managed to flirtatiously leaped upon hearing his raspy voice call for me. Sa timbre ng boses niya, halatang hindi siya nalalayo sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko kaya halos mapamura ako nang maramdaman ko ang malambot at malamig niyang kamay na biglang humawak sa braso ko. I shrieked loudly when he strongly pulled me that almost made me bump to his hard muscular chest, his scent once again reuniting with my nose. Kahit ang buhok kong nakalugay ay sumama sa paraan ng paghila niya sa akin.

"Bitawan mo ako, Jimin." Pumiglas ako sa hawak niya, nakayuko at pinipigilang humikbi.

Imbis na sundin ang gusto ko ay hinuli niya ang mukha ko at pinilit akong iharap sa kaniya. From the way his shaking and cold palms cradled my face, it was as if he was afraid to do something that would trigger something in me. Ang mga daliri niya ay mabagal na humahaplos sa magkabilang pisngi ko, marahan at sobrang lambot.

I just wanted to close my eyes and sink into his arms, away from all the pain my heart had been sheltering.

"I said let me g-go…" Nabasag ang boses ko pero bago pa man niya makita ang pamamasang muli ng mga mata ko ay hinawi ko na ang mga braso niya.

When I succeeded, I then let my palms land on his chest and lamely pushed him. Ni hindi man lang siya gumalaw o umigtad dahil sa panghihina ng mga braso ko.

"Hannan, you're fvcking scaring me. Please, don't do this…" he said in a low raspy voice, his beautiful voice reminded me of how he perfectly sang the beautiful song earlier, in which he openly showed me the content of his heart.

All of it screamed me, my name and all of me.

"I'm s-sorry, please, don't make this hard for me, Jimin. P-Please… let me g-go." Umatras ako sa kaniya, nananakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na humikbi. Ayaw kong dito gawin iyon, ayaw kong sa harap niya gawin iyon dahil mas mahihirapan lang akong paniwalain siyang kailangan ko na munang itigil ang kung anong mayroon kami.

"What the fvck are you saying? You were just fine awhile ago, Hannan, we were just fine! Is it because I fvcking shamelessly sang in front of many people? You didn't like it? Tell me." His frustrated tone ended in a soft and pleading tone.

He Submits [BTS Fanfiction] √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon