Chapter Seventeen
Our last teacher already dismissed the class and I still couldn't move from my seat. Malayo pa rin ang nilalakbay ng isipan ko simula nang mawala si Jungkook sa harapan ko at walang sabi-sabing nilisan ang silid.
I knew, I was not in the place to be worrying about him or to even waste time thinking of his whereabouts but I couldn't bring myself not to feel guilty. Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko ngayon kung bakit hindi na siya bumalik para sa mga susunod naming klase. Ang bag niya ay nasa upuan niya pa rin maging ang notebook na naiwang nakabukas sa mesa niya.
What was with him? Bakit niya sinabi sa akin iyon? Puwedeng nagiging thankful lang siya sa akin dahil sa pagtu-tutor ko sa kaniya pero hindi iyon ang dahilang nakita ko sa mga mata niya kanina.
It was something deep and unknown, the same something I had been very in-denial within myself. Could he really feel it for me?
That was like Jungkook Jeon having his hair colored in neon green. Impossible. That was like him being so friendly with everyone. Not gonna happen.
Ang isa pang bumabagabag sa akin, halos thirty minutes na ang lumipas simula nang maiwan akong mag-isa rito sa room pero wala pa ring Jimin Park na dumarating para sunduin ako. Ni wala pa akong na-ri-receive na text mula sa kaniya kung ma-ihahatid ba niya ako o hindi.
Jimin would never forget texting or calling me, with or without a mission.
Bumuntong-hininga ako saka napagpasyahan nang iligpit ang mga gamit ko para maka-uwi na. Pupuntahan ko na lang si Jimin sa building nila dahil baka may ginagawa pa siya, baka hindi pa sila pinapalabas ng huling teacher nila.
Bago ako tuluyang lumabas ng pinto ay nilingon ko muna ang upuan ni Jungkook kung nasaan ang bag niya. Naisip kong magmagandang loob na kunin iyon at ihatid sa leisure room pero agad ko rin naman kinontra ang bahaging iyon ng isipan ko.
Why would I do that? Kasalanan niyang naiwan ang bag niya dahil nag-ditch siya kaya hindi ko kukunin iyon, bahala siya sa buhay niya. I was not really liking how he was making me feel confused and bothered the past few days.
How dared him?
"No, Hannan. The jerk doesn't deserve your help," wika ko sa sarili habang umiiling.
Dahil dismissal na ay wala na masyadong tao sa school maliban na lang sa ilang mga student council members na nakilala kong nasa hallway at ilang mga estudyanteng panigurado ay may project na pinagkaka-abalahan. Ganoon din nang makarating ako sa building ng Senior High. All the rooms were closed and probably empty, that was for the first floor.
Nasa second floor ang room nila Jimin dahil grade 12 ang nasa first floor at second floor naman ang para sa mga grade 11, ang third floor na siyang panghuling floor sa Senior High building ay ang office ng ilang mga organization ganoon din sa building namin.
May limang rooms kada-floors, ang bawat year level ay mayroong three sections pero nakabakante talaga ang ilang mga rooms para sa mga mga emergency classes.
From the staircase, I could already say if there were still people upstairs or none, sobrang tahimik at tanging ang ingay lang ng takong ng mga sapatos ko na tumatama sa makinis na tiled floor ang maririnig sa buong paligid. I was not so fan of horrors and thrillers so I wasn't surprised when I felt chills start showing on my arms and my nape.
Agad akong napayakap sa sarili ko at marahang hinaplos ang mga braso ko. Suddenly, scary and ghost stories about every building in our school came rushing into my mind, giving me a lot more chills and a lot of horror stuff to think all the way up the staircase.
Nagpakawala akong muli ng malalim na buntong-hininga nang marating ko ang tuktok ng hagdan saka saglit na napahinto. I was thinking if I should still go and check for Jimin or just go back and wait for him outside.
BINABASA MO ANG
He Submits [BTS Fanfiction] √
FanfictionMy words are his laws, my orders are his obligations though in bed, he is the dominant and I am the submissive, still to me, he submits.