Chapter 1

2.3K 35 0
                                    

Dear Diary,


Nakita ko nanaman si CRUSH ngayon. Oo siya. Alam mo bang hinawakan niya pa yung kamay ko. Kasi inaagaw niya yung cellphone ko eh. Akala ko nga magnanakaw siya eh haha! Charot! Oo, magnanakaw pala siya kasi ninakaw niya yung puso ko. (Corny na ito Diary) pero oo, binabasa niya kung sino yung mga nagtetext sa akin. Sweet no?

Pero biglang nabasag yung ka-sweetan namin kasi dumating yung bestfriend niya si Agatha. Ayun binalik niya na yung cellphone ko ulit. Kainis nga ehh.

Pero okay lang hinawakan naman niya kamay ko eh. Yun lang Diary. Sige na matutulog na ako.

"Ayan, tapos ka na ba magsulat ng assignment mo?" tanong sa akin ng bestfriend ko. Andito kasi ako sa dormitory, sabi kasi nila mama at papa para daw matuto ako ng Time Management(bigword di ba?)

"Gagi! Hindi assignment ito. Dito nakasulat ang banal. Banal na kasulatan ng aking Lovelife" (sabay kilig at yakap sa aking diary).

"Gaga!" sabay bato ng unan na hindi naman malambot.

"Aray ko huh! Ang sakit!" sabi ko at bato rin ng unan sa muka niya.

"Hindi nga bez, patay na patay ka ata kay Wendel" sabi nito sa akin.

"Hay nako bez ano pa nga ba? Ginayuma ata ako nun eh." sabi ko rito.

Bumaba ito ng double deck at tinabihan ako. " Alam mo ikaw Kiralyn Santiago umayos ka ah, bali-balita na hindi lang mag bestfriend yang si Agatha at Wendel. Pinapalabas lang nila kasi President ng SBO yang si Agatha ayaw ni Ms. Quiton ng jowa jowa na yan." sabi nito sa akin.

"Hay nako alam mo ikaw Emiranda Lim bitter ka rin no? Pero wala naman siguro ako magagawa?" sabi ko rito pero deep inside. Ang sakit nun.

"Naku! Naku! Tigilan mo nga ako diyan sa linya mong WALA NAMAN SIGURO AKO MAGAGAWA huh! Kasi noong kay Jan sinabi mo rin yan, noong nalaman mo na sila pala ni Hazel ano umiyak iyak ka diyan. Nanlibre ka pa nga ng napakaraming fishbol noon kasi nga sabi mo ikain na lang ang stress. Hay nako. Hoy! Bestfriend kita! Kilala na kita." sabi nito sa akin sabay bato nanaman ng unan sa muka ko at umakyat na ulit ito sa higaan niya.

"Yaan mo na bez. Minsan lang naman ako main-love eh" sabi ko rito.

"Yan ka nanaman! In love in love. Di ka na lang mag-aral sayang yung pera na pinagbabayad nila tita at tito sa tuition mo uy!" sabi nito sa akin.

Haay kahit kailan itong bestfriend kong ito eh napaka kontrabida.

Pero bakit nga ba ganoon yung mga ibang guys? Yung parang nagpapakita sila ng MOTIBO.

OO MOTIBO! ayan naka-BOLD LETTERS  pa para intense!

Tapos sasabihin nila sa mga girls na ASSUMING kami? Eh sino ba nagbibigay at nagpapakita ng MOTIBO na yan?!


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon