Chapter 2

1.1K 23 0
                                    

"Kira! Kira!" habang naglalakad ako sa hallway eh merong tumatawag sa maganda kong Name. Wait mukang familiar yung boses na yun ah.


Wait si ano yun ahhh .....

Pagkaharap ko pa lang eh isang mahigpit na yakap ang nakasalubong ko. Isang mainit at mahigpit na yakap.

"Kira, I miss you." sabi nito sa akin.

"Huh, wait sino ka ba?" pilit ko tinatanggal ang yakap nito pero di ko talaga matanggal sa sobrang higpit.

"Wait lang namiss lang talaga kasi kita eh.." sabi nito sa akin.

Lahat na ata ng mga studyante na dumaraan sa hallway eh nakatingin na sa amin ng lalakeng ito na di ko naman kilala.

"Oh my gosh! Wendel!" sigaw ko. Siyempre nakita niya may nakayakap sa akin eh baka kung anong isipin nito.

"Hi!" bati nito. Saka naman natanggal sa pagkakayakap sa akin itong lalakeng ito ..

Wait .. "Ui bai!" sabi ko rito! "Bai, kamusta ka na? Namiss kita!" ako naman ang yumakap ng mahigpit dito.

"A..aa..ara..y" sabi nito. "Hala sorry bai, namiss kita ng sobra." sabi ko rito.

"Ui Wendelle, pinapakilala ko nga pala si .." Hindi pa ako tapos magpakilala ay saka naman niya inabot ang mga kamay niya nagpakilala ng sarili niya.

"Railey James Delos Santos, boyfriend ni Kiralyn Santiago." sabi nito sa akin.

Nakita ko na tumingin sa akin si Wendel at mukang nagulat sa narining niya. Hala nagseselos ata siya.

"Halaka ui bai!, Hindi hindi boyfriend means lalakeng kaibigan." sabay bawi ko.

Sabay ngumiti naman si Wendel, "Ah akala ko naman may boyfriend ka na Kira, bawal yan." sabi nito sa akin.

"Deeeeel! Pasok na anjan na si Ma'am" tawag naman ni Agatha dito.

"Sige Kira, ingat ka. By the way you look pretty today." bati nito sa akin. 

"Ah? Huh? Ah eh salamat. Sige pasok ka na." sabi ko naman dito. Gosh di ko maintindihan ang nararamdaman ko pero parang tumatalon ang puso ko sa sobrang kilig ba.

"Ui, kira tawag nila sayo dito lengleng?" sabi naman sa akin nitong bestfriend ko.

"Hala wag mo ako tawagin na ganyan dito, ang alam niya Kira lang." sabi ko.

"Whatever! Gusto ko lengleng pa rin tulad ng mga bata pa tayo." sabi nito sa akin.

"Hay nako sige tatawagin kitang Rairai" sagot ko naman.

"Wala akong pakelam. Sweet nga ng ganon eh." sagot naman niya sa akin. Habang naglalakad kami sa Hallway .. "Sino nga pala yung Wendel na iyon? May pa by the way you look pretty pa siyang nalalaman." sabi nito sa akin.

"Wala yun higher year lang siya naging classmate ko siya sa isang subject eh. Bakit ba?" tanong ko rito.

"Wala lang, di mo bagay kiligin eh. Mag-aral ka naman muna kawawa na nga sila tita at tito nagwowork for you." sabi nito sa akin.

"Teka nga, bakit andito ka pala?" tanong ko ulit.

"Haaay, I've been waiting for you to ask me pero mukang mas na excite ka ata kasi makita yang si Wendel na iyan eh." pagtatampo nito.

"Hala para kang baliw." sagot ko sa kanya kahit tama naman.

"Ui bez!!!!" sa di kalayuan may malakas na boses nanaman akong naririnig galing sa malayong malayong lupalop na tumatakbo papunta sa amin.

Pero nangpapalapit na ito ay bigla siyang naging kilos na dalagang Pilipina. "Hi! Sino kasama mo?" bulong nito sa akin.

"Ay oo nga pala, Rairai this is my bestfriend Emi you can call her Emi. At Emi ito nga pala si Rairai kababata ko sa Laguna. Well, umalis ito eh nagpunta ng Canada pero nagulat na lang ako andito na siya." pagpapakilala ko sa kanila.

"I think you're not excited na malaman kasi kung bakit ako andito." sabi naman ni Rairai sa akin.

"Ako excited" sabat naman nitong bestfriend ko.

Pero ngumiti lang itong si Rairai.

"Okay, I'll chat you later. I was just excited to see you here kasi. Bye lengleng." sabay yakap nito ulit sa akin.

Problema nun.

Ahh baka pagod lang.

"Ui ikaw naman di mo sinasabi na may gwapo ka palang kababata." sabi naman ni Emi sa akin.

"Gwapo? Di naman gwapo yun eh. Lagi nga ako inaasar nun eh kakabanas kaya." sabi ko rito. "Halika ka na baka ma-late pa tayo sa class ni Ms. Rosario" sunod kong sabi.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Dear Diary,

Alam mo ba ngayong araw na ito, nakita ko si Wendel ulit at sinabi niya sa akin na I look pretty today. Alam mo yun kinikilig talaga ako ng sobra kasi napansin na niya ako eh pero naputol nanaman ang kiligness ko kasi ng dahil kay Agatha alam mo yun lagi kasi siyang umeeksena. Pero feeling ko talaga na may gusto talaga sa akin si Wendel pero ng very very light lang? Haha.

Tapos ayun dumating na pala yung kababata ko si RaiRai galing Canada pero di ko pa naman alam yung reason kung bakit umuwi yun ng biglaan eh alam ko kasi dapat doon na sila for good.

Siguro yun nalang muna. Good Night! :)

"Ano?" tanong ko kay Emi na nakatingin nanaman sa akin.

"Wala lang, iniisip ko kasi yung kababata mo na si Rairai eh." sabi niya sa akin. May feeling ako huh.

"Ano nga?" tanong ko ulit with my poker face.

"Wala lang masama ba mag-isip?" sabi nito ulit sa akin.

"Ano nga?!" tanong ko ulit. Sarap pagtripan haha.

"Hindi kasi familiar siya sa akin eh di ko lang alam kung saan ko siya nakita. Haay! Tama na nga baka mabaliw lang ako kakaisip. Parang ikaw baliw na. Baliw na baliw kay Wendel! Haha!" sabay hagis niya sa akin ng unan niya nanaman na matigas. Hampasin ko nga rin.

Hahaha! I won!


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon