Chapter 13

352 12 2
                                    

Dear Diary,

Dalawang buwan na rin kasi ang nakalipas .... 

Maraming nangyari na di inaasahan di ko rin inaasahan na magkakaroon ako ng feelings para kay Railey. Yung mga oras na nasa tabi ko siya hindi ko siya pinapansin puro nalang bukang bibig ko si Wendel pero simula nung nakita ko na nasa piling na siya ni Joanna.

Doon ko naramdaman at nalaman na yung importante at mahalagang tao sa buhay ko bigla nalang nawala. Mas matagal na ang pinagsamahan namin ni Railey di lang bilang magkababata at siyempre bilang mag-bestfriend na rin.

Hindi ko rin inaasahan na tatagal din ang relasyon nila ni Joanna muntakin mo yun kasi parang napipilitan na lang si Railey eh! Joke lang!

Pero hindi ko talaga makakalimutan yung mga nangyari nung mga nakaraang buwan. Meron din kasing nangyari sa buhay namin.

Alam ko na kung magkikimkim ako ng sama ng loob kay Wendel walang mangyayari.

Pumikit ako ang niyakap ang diary ko. "Ikaw nalang ang kakampi ko muna." sabay tulo ng aking mga luha.

___________________________________

<<<FLASHBACK>>>

"Ano na bes?  Kumpleto na ba ang signs?" tanong sa akin ni Emi na tuwang tuwa dahil isang sign na lang at masasagot na ang aking katanungan.

Katanungan nga ba? Haha! Bahala na!

Kasi yung second sign ko guys kung yayayain ako ni Wendel sa Valentines as his partner sa school yun na yun ..

So ito, nagreready na kami ni Emi para sa Valentines party na gaganapin mismo sa school, hindi naman kami naka-gown or churva yung simple lang.

"And what is your third sign?" tanong sa akin ni Emi.

"Kapag naka red si Wendel at may dalang 3 roses at 1 red heart balloon" sabi ko rito. Siyempre hinirapan ko na.

"Ay! Tapos may 1 box of any type of chocolates basta isang box!" dagdag ko. Habang papalapit na kami sa school.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Dahil first time ko?

"Hi! You're beautiful tonight!" bati sa akin ni Agatha na napakaganda sa simple suot niya na jeans, croptop then naka heels.

"Thank you." then I smiled.

"Agatha! For you!" bigay sa kanya ng isang lalake.

"Wow! 1 heart balloon? 1 box of chocolates, at 3 red roses" sweet naman po ng nagbigay sa inyo niyan." sabi ko dito.

"Kaya nga, sweet nga siya pero hindi ko naman siya kilala simula ng may nagpapadala sa akin di ko alam kung matutuwa ba ako or matatakot eh." sagot niya sa akin.

"Talagang habulin siya no? Napaka naman talaga inside and out napakabait! Wala na akong masabi pa." sabi ni Emiranda sa akin.

Hindi na ako sumagot pa at hinahanap ko na si Wendel.

I was really expecting the he is wearing red shirt na may dalang 1 red heart balloon, 3 roses and 1 box of chocolates.

"Pst!" pagtingin ko sa likuran ko andoon siya.

Napangiti ako sa nakita ko.

RED SHIRT check!

3 RED ROSES check!

1 HEART BALLOON check!

and "Nasaan yung 1 box ng chocolates?" tanong ni Emi. Siyempre siniko ko yung bestfriend ko na pasaway at demanding!

"Huh? Ah eh, wala eh naubos kasi." pagpapaliwanag ni Wendel .

"Hala pagpasensyahan mo na si Emi huh." sabi ko.

Habang nakatayo kami at nag-uusap biglang dumating yung pinsan niyang si Joe na basta basta na lang nag-aappear.

"Ano ayos ba tol? Nasiyahan ba si Agatha sa surprise mo?" narinig kong tanong ni Joe.

"Huh? Agatha?" tanong ko.

Pilit na tinatakpan ni Wendel ang bibig ni Joe pero talagang nakatadhana na ata para malaman ko ang mga masasakit na kwento.

"Oo, di ba tol sabi mo ibibigay mo na kay Agatha yung surprise mo kasi yung bear di mo nabigay sa kanya." sunod na sinabi ni Joe.

"Huh? Bear? Wendel?" tanong ko ulit.

"Wala yun" kinuha niya ang kamay ko at tipong ilalayo ako kay Joe. Pero nagpumiglas ako.

"Wendel? . Kuya ..? Please...?" this time hindi ko na kinaya. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na maririnig ko na katotohanan.

"Okay, please wag dito." sabi ni Wendel.

"Sabihin mo na sa akin, di ako magagalit sayo." sabi ko. "Anong meron sa teddy bear na sinasabi ni Joe?" sunod kong tanong.

"Okay, patawarin mo ako. Noong araw na iyon para talaga kay Agatha iyon. Pero napansin ko na may nagpadala na rin ng teddy bear para sa kanya yun yung ex boyfriend niya. Nakita ko sa lobby tinanong niya ako kung para kanino yung dala ko. Since barkada ko rin yung ex ni Agatha sinabi ko for Kiralyn Santiago. Hindi ko na napalitan yung message sa card kasi nagmamadali ako nung mga panahong iyon." pagpapaliwanag nito.

"Pero, maniwala ka Kira I was trying to tell you pero hindi ko magawa kasi sa tuwing kasama kita masaya ako. Oo, totoo yun pero hanggang kapatid lang talaga." sabi pa niya.

"Alam mo wala namang kaso sa akin yun eh, ayoko lang yung kung kailan na malapit na akong mahulog sayo at kalimutan ang nararamdaman ko para sa isang tao saka ko maririnig lahat ito sayo." marami akong gustong sabihin pero hindi ko magawa dahil nakita ko na dumating si Railey na kasama ni Agatha.

"Tapos itong mga ito." binigay ko yung binigay niya sa akin. "Para kay Agatha ba talaga yan?" tanong ko,

"Hindi para sa yo talaga yan."  sagot niya.

Pero hindi ko kinuha yung mga binigay niya at saka umalis sa tabi niya.

"Why? What's wrong?" biglang tanong sa akin ni Agatha.

Niyakap ko ito sa hindi ko alam na dahilan. Walang halong ka-plastikan.

"Iiyak mo lang yan." sabi nito sa akin. "si wendel ba ang dahilan?" sunod niyang sabi.

Tinignan ko lang siya at saka ko na-realize na hindi talagang mahirap na mahalin si Agatha dahil sa ginintuang puso na meron siya.

"Salamat, okay na ako. By the way ate Agatha ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi." sabi ko rito.

Nauna na akong umuwi kay Emiranda dahil ayoko rin na sirain ang gabi nila ni Boo, oo nagkabalikan nanaman sila dahil sa signs.

Pero ako hinding-hindi na ako maniniwala sa signs.

Minsan lang ako naniwala.

Pinaiyak pa ako.

<<<END OF FLASHBACK>>>



My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon