Chapter 37

366 18 2
                                    

KIRA'S POV

Dear Diary,

Ang daming nangyari sa buhay ko isa na dito ang pagsagot ko kay Railey. Oo, kami na ni Railey. Naalala ko yung reaction niya nung sinagot ko siya grabe ui halos gumulong na siya sa sobrang saya kasi kasabay nang pagkapanalo ko saka ko rin siya sinagot. Gusto ko kasi nung araw na iyon maaalala ko. Pinaka-importanteng araw para sa akin.

Sobrang dami dahil noong tumakbo si Joanna backstage nagkaayos na rin kami. Humingi siya nang patawad sa akin sa mga nagawa niya sa akin. Siyempre, sino ba naman ang ayaw na magkaayos kayo ng kaibigan mo di ba? So ayun okay na rin kami ni Joanna.

Si Luke? Hay grabe ayun nag-uusap na rin sila ni Railey at nagkaayos na rin sila. Kahit isang buwan ko lang nakilala si Luke ang dami ko na ring memories together with him ang pwede kong i-treasure. Sa ngayon andoon na sila ni big boss sa Europe. Hindi ko pa kasi gina-grab yung opportunity doon eh dahil gusto ko muna makagraduate kasama ang mga taong malapit sa puso ko.

Si Agatha at Wendel naman ayun gagraduate na rin sila ng sabay. Next month. hehe

Haaay! Sino bang mag-aakala noh yung kababata ko yun din pala yung mamahalin ko habang buhay.

"Habang buhay nga ba?" biglang sabi ni Emi.

"Hoy hala siya! Bakit ka nagbabasa?!" sigaw ko.

"Hay nako hindi mo ba alam mababasa ko rin yan. Lalo na kapag bored ako binabasa ko yan eh haha!" sabi nito sa akin.

Batukan ko nga. "Baliw ka ah! Gawa ka rin kasi nang sarili mong diary." sabi ko dito.

"Hay nako, ikaw ah ilang taon na lang gagraduate na tayo ano bang balak mo?" tanong nito sa akin.

"Di ko alam pwede ko naman gawin ang pangarap ko kasama si Railey di ba?" sagot ko.

"Hay nako, di rin natin masasabi." sagot naman niya sa akin. Di ko ba alam dito sa bestfriend ko kung kontrabida ba siya ng buhay ko. Minsan kasi sumasang-ayon ito eh.

"Hoy ikaw ah wala na nga si Joanna na kontrabulate eh ikaw naman ang eeksena ngayon." sabi ko sa kanya.

"Joke lang, ikaw naman. Pero siympre bes, iniisip ko kasi offer sayo ni big boss no. Sayang din yon." sabi nito sa akin.

"Next time na natin pag-usapan iyon. Bye!" sabi ko . Sa totoo lang eh nakaayos na ako guys at nagsulat lang ako sa diary ko bago ako pumasok.

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Agatha na nag-aayos na rin nag-uuwi na rin ng mga gamit niya.

"Ready ka na ba sa future niyo ni Wendel?" tanong ko.

"Ano ba namang tanong yan." ngumiti ito bahagya pero mukang may lungkot sa mga mata nito.

"Eh kasi di ba kinukuha ka ng parents mo sa Canada." sunod kong sabi.

"Oo, pero choice namin ni Wendel yun kung magiging honest kami sa isa't- isa di ba?" sagot nito sa tanong ko.

Ngumiti na lang ako sa sagot nito dahil knowing Agatha and Wendel sa tinagal nilang magkakilala okay na yun.

Pababa naman ako nang hagdan nakasabay ko si Joanna.

"Hi!" bati nito sa akin. Tinignan ko si Joanna, ibang iba na siya ngayon. Yung dating makapal mag make-up ngayon napakasimple na ng kanyang muka.

Yung dating naka mini skirt at laging tube ang suot ngayon disente na, hindi na kabastos-bastos.

"You look pretty today." sabi ko dito.

"Thank you." sagot nito sa akin.

"Sige una na ako, may naghihintay sayo oh." sabay turo sa may lobby.

Yes it's Railey.

"Okay ka na ba lengleng ko?" tanong nito sa akin.

"Oo naman Rairai.. Ko." sagot ko. Hinawakan nito ang mga kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang school.

Hay! Kay sarap nang ganitong pakiramdam.

Yung walang galit sa puso mo dahil parang nabunot na si Joanna na laging umaaligid.

Tapos wala na rin yung peke sa puso namin ni Rairai. Yung mapagpanggap yung hindi inaamin yung totoong nararamdaman.

"I love you" sabi ko rito.

Ngumiti ito sa akin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "Hindi kita pababayaan. I love you too." sagot naman niya sa akin.

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon