Chapter 34

302 14 2
                                    

JOANNA'S POV


"Buti naman natauhan ka na." sabi ko kay Kira na andito ngayon sa comfort room.

Hindi ito umiimik o hindi man lang ako tignan ng babaeng ito.

"Aba, wag kang bastos!" sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nito at saka naman sinampal.

"Ano ba!" sigaw ko ulit.

"Ano? Tapos ka na ba?" tanong nito sa akin.

"Aba!" sasampalin ko ulit ito ng pigilan niya ang kamay ko.

"Sa tingin mo ba Joanna malakas ka na kapag ginagawa mo ito? Sa tingin mo ba natatakot ako sa ginagawa mo sa akin? Kaya walang nagmamahal sayo kasi KSP KA!" sabi nito sa akin.

Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko at patuloy na nagsalita. "F.Y.I, hindi pala ako magbaback out sa pageant papamuka ko sa yo na wala kang lugar para sa kumpetisyon na iyon!" sabay bitaw sa aking kamay.

Aalis na ito pero nakuha ko naman ang buhok nito sabay sinabunutan.

"Akala mo makukuha mo na sa akin si Railey?! Tandaan mo Kira, hindi ka magiging maligaya." sabi ko rito habang sabunot ko ang kanyang buhok.

"Aray! Aray! Joanna!" sabi nito.

"Walang tutulong sayo dito!" sabi ko dito.

Nang makatayo ito hinila nito ang buhok niya kahit alam niyang masakit ginawa pa rin niya.

"Hindi kita papatulan kasi sabi nga nila ang pumatol sa baliw mas mukang baliw!" sabi nito sa akin.

Hahabulin ko pa sana ito pero naisip ko na masasayang lang ang pagod ko kaya pinabayaan ko na lang ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kira's POV

Paglabas ko ng comfort room hindi ko maiwasan ang maiyak sa sobrang sakit nang ginawa ni Joanna sa akin.

"Bes? Anyare?" tanong ni Emi sa akin.

"Si Joanna." yun lang ang nasabi ko.

"May pasa yung muka mo ah, sinampal ka ba niya?!" galit na sabi nito.

Tumango lang ako at umiyak ulit.

"Aba! Talagang tinira ka niya dito sa dorm huh, kasi alam niyang di ka niya magagalaw sa school dahil kasama mo si Railey." galit na sabi ni Emi.

"Please, wag mong sasabihin kay Railey o kila wendel itong nangyari huh? Sa atin lang bes." pakiusap ko.

"Bakit?" tanong nito.

"Ayoko na ng gulo bes." sabi ko.

"Bakit ang bait-bait mo? Ikaw na nga ang sinaktan?" tanong nito sa akin.

"Kasi alam kong may karma na gaganti sa akin." sagot ko.


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon