Chapter 3

687 17 0
                                    

"Bakit ka nga ba kasi andito?" tanong ko kay Railey na 6pm na andito pa sa labas ng dorm. Eh bawal kaya may curfew kami.

"Why are you like that Lengleng? Hindi ka ba masaya na andito ako?" wow ahh akala mo jowa kung makapagtanong.

"Naiinis kasi ako, wala man lang pasalubong na chocolates galing ka pa manding Canada. Haha, charing lang!" sabi ko ng pabiro kasi baka ma-offend na siya sa ginagawa ko ehh.

"Okay, I know curfew niyo na. Pero I just want to say na I miss you lengleng payat!" sabay tawa niya ng malakas.

I rolled my eyes and yelled at him, "Alam mo kung wala kang magawa Rairai uhog aalis na ako dito! Mapapagalitan lang ako! Kainis ka!" nilayasan ko nga siya wala akong pakialam kung lamukin siya doon.

"Ui, alam mo ikaw kakaaway niyo mamaya magkadevelopan kayo!" pang-aasar naman sa akin ni Emi.

"Hay nako bez, matagal na kaming ganito at wala talaga akong naramdaman na something sa kanya eh." pagpapaliwang ko.

"Malay mo nga lang di ba?" pang-iinis nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Good Morning Lengleng Payat!" bati sa akin ng makulit na lalake na nakilala ko sa balat ng mundo!

"Alam mo Railey James ang aga aga wag mo ako inaasar ah!" galit kong sabi. Eh kasi naman ang aga-aga iinisin niya ako.

"Ikaw naman bez wag mo naman sinusungitan si Mr. Pogi." sabi sa akin ni Emi.

"Oh, sino pipiliin mo? Ako o iyan?" lumingon ako sa likuran ko pero si Railey wala na pala. Hindi na pala siya sumunod sa amin?

"Ayan, umalis na siya. Ikaw kasi eh." sabi naman ni Emi sa akin.

Ano ba yan! Bakit ganon na-guilty pa ako. Kasalanan ko pa?

"Alam mo bez, baka umuwi ng Pilipinas yan para makita ka." sabi nito sa akin.

Hindi na ako umimik pa. Kababata ko lang siya hindi ko siya gusto o kahit ano. Baka kaya siguro feeling guilty ako kasi sinigawan ko siya sa maraming tao.

---

"Class, new student from Canada." sabi ni Ma'am Rosario.

"Ano daw Canada?" bulong ko kay Emi.

"Daw" sagot naman niya.

Pumasok na yung New Student from Canada and nakita ko si Railey nga.

"Hi guys! My name is Railey James Delos Santos from Canada. Pero I just stayed in Canada for 2 years kasi iba pa rin ang Pilipinas" sabi nito at sabay tingin sa akin.

"Baliw!" bulong ko sa sarili ko.

"Okay Mr. Railey you may seat beside....." hindi pa tapos mamili ng chair si Madam eh umeksena nanaman si Joanna.

"Ma'am! dito po sa tabi ko vacant chair." sabi nito with matching ayos ayos pa ng hair niya.

"Okay sa tabi ni Ms. Joanna Sanchez." sabi naman ni Ma'am.

Halos di ata ako nakapagconcentrate sa discussion ni Ma'am Rosario dahil naririnig ko lang itong malanding tawa na mahina ni Joanna nakakairita kaya. Naku, magsama kayo ng lalakeng yan parehas kayong bwisit sa buhay ko.

"Huy bez! Tignan mo yan paper mo ohhh punit na. Ano bang problema mo?" tanong sa akin ni Emi.

"Wala kasi walang ink itong ballpen ko eh!" sagot ko.

Tumingin si Railey sa akin at inirapan ko ito. Pero aba, wala siya pakels patuloy pa rin ang paglalandian nila ng Joanna na iyan.

Bahala ka diyan! Ke-bago bago palang marunong na makipaglandian.

Wait! Bakit parang wala si Wendel dito sa class? Anong meron doon?

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon