Chapter 33

317 17 2
                                    

RAILEY'S POV

Malaking ginhawa sa akin ng matapos kong aminin kay Kira ang tunay kong nararamdaman.

Hindi naman ako nagsisisi eh kasi alam ko tama yung desisyon ko.

"Hi!" nagulat ako nang makita ko sa likuran ko si Kira.

"Wow! Hi!" hindi ko alam pero nabubulol na ako kasi ang ganda ni Kira ngayon.

"May kasama ka?" tanong nito sa akin.

"Huh? No, I mean wala eh. Gusto mo ikaw na lang?" tanong ko dito. Hindi ito sumagot pero tumango naman ito.


Kitang kita sa mga mata nito ang saya at ang dating kira na nakilala ko.

"Gusto mo ikaw na lang?" pag-uulit ko. This time hinawakan ko ang mga kamay nito. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat ng ginawa ko iyon.

"Hala siya uy! Wag ka naman ganyan Rairai." sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako ng marinig ko ulit ang pangalang iyon. Rairai, napakahalagang pangalan kasi siya nagbigay sa akin ng ganon eh.

"Lengleng?" tanong ko ulit, hindi ko pa rin binibitawan ang mga kamay niya.

"Oh? Ano yun?" hindi ko maiwasan ang mapatawa dahil ito nanaman siya yung funny face niya.

"Alam ko kung bakit ganyan reaction ng face mo. Kinikilig ka eh." sabi ko dito.

Hindi ko alam pero yung segundo, minuto, o oras na hawak ko lang ang kamay niya habang katabi ko siya dito sa cafeteria parang ang saya. Ang saya lang.

Habang nag-uusap kami biglang nag ring ang phone nito.

"Si Lucas." sabi nito sa akin.

"Anong sasabihin ko?" sunod nitong sabi.

"Ikaw bahala, kung anong nararamdaman mo." sabi ko.

----------------------------------------------------------------------------------------

LUKE'S POV

"Usap naman tayo?" tanong ko ngayon kay Kira na kausap ko sa phone.

"Wala naman na ata dapat pag-usapan Lucas, kitang kita ko naman ang nangyari." sabi nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako ganito sa mga babaeng naging ex ko. Kakaiba si Kira.

"Please? Kita naman tayo oh." pangungulit ko.

"Hindi na dapat Luke, saka nag back out na pala ako sa pageant. Ayoko lang ng gulo Lucas." sabi nito sa akin.

"Bakit ka nag back out!?" sigaw ko.

"Alam ko naman ang karakas ni Joanna, Luke please? Gusto mong maging masaya ako di ba? Ito ang gusto ko. Dito ako sasaya." hindi pa ako nakakapagsalita, bigla nitong binaba ang phone.

"What's your problem?" tanong sa akin ni Joanna.

"Wala! Dahil sayo kaya nag back out na si Kira sa pageant!" sabi ko. Hindi ko alam pero gusto ko talagang magwala, pero dahil nakikitulog kami ngayon sa bahay ng bestfriend ni Joanna hindi ko magawa.

"Aalis na ako." pagmamadali ko.

"Wait lang!" pagpipigil naman ni Joanna.

"Ano ba? Ano pang gusto mo?" tanong ko.

"Wala, see you later." sabi nito sa akin.

Maganda ang mga ngiti ni Joanna nang malaman nito na nag back out na si Kira sa pageant.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KIRA'S POV

"Bakit kailangan mong magback out?" tanong sa akin ni Agatha.

"Mahabang storya." sagot ko.

"Dahil ba ito kay Joanna?" sunod nitong tanong.

Hindi na ako umimik pa basta ako gusto ko lang ipull out ang records ko para wala ng gulo.

"Okay, ganito na lang. Hindi ko ipupull out records mo. WALANG MAGBABACK OUT!" sigaw ni Agatha.

"Hala, wag ka ng magalit uy." sabi ko.

"Ano ka ba naman Kira! If you back out, parang pinapakita mo lang kay Joanna na mahina ka at kakaya-kayanin ka lang niya!" sabi nito.

"Naku tama ang bebe ko." sabi naman ni Wendel na kahit kailan talaga.

"Eh anong gagawin ko niyan? 1 week nalang bago ang coronation?" tanong ko.

"Go with the flow girl" sabi naman ni Emi, na isa ring sumusulpot.

"Lengleng!" sa di kalayuan si Railey naman ang sumulpot. Hingal na hingal at may dala-dalang pagkaen.

"Ano yan?" tanong ni Emi.

"Para kay Kira?" sabi naman ni Railey.

"Alam ko, pero bakit ka nagbibigay ng pagkaen sa kanya?" mataray na tanong ni Emi.

Tumingin sa akin si Railey, ako naman hindi ko alam yung tingin na ganern. "Ah eh kasi nanliligaw ako." sabi nito.

Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko iyon galing kay Railey.

"Dadaan ka muna sa Bestfriend!" sunod na sabi ni Emi.

"Naku, pa-epal ka nanaman diyan!" sabi naman ni Wendel.

"Good Job ka na sa akin bro!" sunod itong sabi.

"Good Job? Ardiente ka." pabirong sabi naman ni Agatha.

"Ano Lengleng pwede ba akong manligaw?" tanong nito sa akin.

"Oo naman, Legit ka naman di ba?" sabi ko.

Nagtatalon sa tuwa si Railey nang pumayag ako. Akala mo naman nanalo na sa lotto ang kasiyahan niya.

"Wait! Ngayon, Railey kindly convince her na wag mag back out sa pageant kasi di ba kapag ginawa niya yun. Ibig sabihin lang nun na parang mabilis siyang sumuko." sabi ni Agatha.

"I think Agatha is right, show Joanna that you can defeat her!" sabi nito sa akin.

"Sige, hindi na ako magbaback out." sabi ko.

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon