Chapter 23

319 11 1
                                    

KIRA'S POV


Habang naglalakad ako papuntang room nakita ko si Railey na may dala-dalang red rose at isang malaking teddy bear.

Hindi ko alam pero ang nasa isip ko napaka-swerte na ni Joanna na magkaroon ng boyfriend na katulad ni Railey.

Hindi ko na tinignan pa si Railey at dumiretso na akong pumasok sa room.

Habang nakaupo ako nakita ko na pumasok na rin ito at diretsong papunta sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta ang alam ko lang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Kira for you." sabi ni Railey sa akin at sabay abot ng malaking teddy bear at red rose.

"Sa..sa akin?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Oo, for you." inabot niya na at sabay umupo na siya sa upuan niya.

Nakita ko ang isang card na nakaipit sa bear saka ko binasa ito.

"I hope you like it, my sweet Kira. From: Luke"

Tumingin ako kay Railey pero hindi man lang ito tumingin sa akin o ngumiti man lang.

Habang inaayos ko ang binigay ni Luke sabay naman akong nakareceive ng phone call at galing kay Luke.

"Luke?" sagot ko.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman, pero bakit pinabigay mo pa kay Railey? Hindi na lang ikaw ang nagdala sa room?" tanong ko sa kanya.

"Kasi nahihiya ako eh. Ah Kira, pwede ba tayo magkita mamaya?" tanong niya sa akin.

"Bakit? magkikita naman talaga tayo kasi may rehearsal na di ba?" sagot ko dito.

"Ah Eh! Oo pala no? Namiss na kita eh. Sige, see you later my sweet Kiralyn" sabi nito sa akin at sabay end ng call.

Hindi ko alam pero feeling ko napaka-espesyal ko atang babae para i-treat ako ni Luke ganito.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay! 1, 2, 3, 4, 5! Ayusin niyo!!" sigaw ng organizer ng pageant.

"Madam, can we take a rest?" sabi ni Joanna.

"Ms Dacanay! Kung panay pahinga ang gusto mo pwede naman na sabihin mo na mag back out ka na dito!" sabi nito kay Joanna.

Napangiti ako sa sinabi ni Madam Organizer kay Joanna. Arte-arte kasi eh.

"Okay! Mag ayos na kayo dahil meron tayong picture taking! Mr. Villafuente is in-charge to this. So give your best smile!" sigaw ni madam.

Habang nasa backstage kami hinahanap ko yung susuotin ko pero wala. Hindi ko mahanap ang alam ko kasi talagang dinala ko iyon.

Tinawagan ko si Emi para tanungin kung nakita ba niya yung damit na susuotin ko for pictorial pero sabi nito sa akin nasa paper bag daw yun.

"GUYS! READY NA BA KAYO? 10 MINUTES!" sigaw ni Agatha.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi pa ako nakaayos. Maiiyak na talaga ako.

"My gosh! Di ka pa ayos?" sabi ni Joanna.

Hindi ko na lang siya pinansin. Sabay may isang baso ng coffee ang natapon sa table ko, alam kong sinasadya ito ni Joanna.

"Oh! I'm sorry! Meron ba kayong tissue girls?" tanong niya sa iba. Sasapakin ko ito eh.

Nagulat na lang ako ng may tela siyang pinupunas sa table ko.

"Damit ko yan ah!" sigaw ko.

"What? Oh, sorry akala ko kasi basahan nakita ko kasi dito sa lapag nakakalat." sabi nito sa akin.

Hindi ko kinaya ang pressure dahil sabi nila 3 minutes na lang at wala na akong susuotin.

"Problem?" tanong sa akin ni Agatha.

"Ayoko na." sabi ko dito habang naiiyak na talaga ako sa sobrang inis ko kay Joanna.

Tinuro ko kay Agatha ang nangyari sa damit ko at sinabi ko rin ang ginawa ni Joanna dito. "Hayaan mo, may extra ako doon sa wardrobe. In case of emergency kasi ito." sabi nito sa akin.

Kahit medyo bitin sa akin yung damit kasya naman sa akin.

Habang nagsisimula na ang picture taking hindi ko maiwasan ang mailang dahil si Luke yung kumukuha sa amin.

"She's good."

"Yes, madam.. Super simple but pretty."

Naririnig kong sabi ng ibang organizers at yung sinasabi nilang si Big Boss.


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon