Chapter 14

341 11 1
                                    

WENDEL'S POV

Hindi pa rin ako matahimik after ng nangyari. Malaki ang kasalanan na nagawa ko kay Kiralyn eh anong magagawa ko saka si Agatha talaga ang tinitibok ng puso ko.

Lagi kong nakikita si Kira sa room pero hindi ito kumikibo at lagi na lang na gustong mag-isa kahit yung bestfriend niyang si Emi ayaw niya muna makausap.

Ganon ba talaga akong paasa?

"Hi!" bati ko kay Kira. Nag-iisa kasi ngayon siya dito sa room. Oo, ibig sabihin kaming dalawa lang.

"Hello" bati nito sabay tingin ulit sa librong binabasa niya.

"Ano yang binabasa mo?" tanong ko.

"Ah ito, How to move on." Sabi niya, siyempre nagulat ako sa binabasa niya. Mukang malaking kalokohan talaga ang ginawa ko kay Kira at hindi kapata-patawad.

"Oh, baka isipin mo kaya ako nagbabasa nito ah dahil sayo." Sabi nito na ikinagulat ko. Sinara niya yung librong binabasa niya at tumingin sa akin.

"Okay na ako Kuya Wendel, wag mo na akong isipin pa." sabi nito sa akin at ngumiti ngunit nakikita ko sa mga mata nito ang mga nangingilid na luha.

"Talaga ba? Talaga nga ba? Sorry." Sabi ko sa kanya saka ko siya niyakap. Hindi ko alam pero ang alam ko kailangan niya lang ng isang hug ngayon para bumuti ang pakiramdam niya.

"Thank you." Sabi niya sa akin.

Hindi man ako sanay na nakikita siyang malungkot pinipilit ko pa rin na pangitiin siya.

"Excuse me?" sa bandang pintuan narinig naming ang isang babae na kumatok at sumilip sa pintuan.

"Tapos na ba ang drama?" sunod nitong sabi.

"Sige na, balik ka na sa upuan mo baka ma-chismis pa tayo ng babaeng ito." Bulong ni Kira.

"Pwede namang pumasok" sagot ko . Pero hindi ko pa rin iniiwan si Kira siyempre talagang tinabihan ko siya dahil ayokong inaapi siya ni Joanna.

"Babe can we seat sa harap na lang?" sabi ni Joanna kay Riley.

"Okay" sagot naman ni Riley.

Ngayon apat na kami dito sa room at nakita kong nakatingin lang si Kira sa dalawa. "Ano yung tingin na yan? Tingin ng inis? Galit? O selos?" tanong ko kay Kira.

Tumingin siya sa akin saka sumimangot at yumuko.

"Uy joke lang! Kahit di mo naman sabihin sa akin alam ko ehh." Sabi ko dito. Hinawakan ko siya sa baba niya at pilit na itinataas ang kanyang muka. Pero ayaw niya.

"Umiiyak ka ba? Wag mo ipakita yan lalo na kay Joanna." Sabi ko rito at ibinigay ang panyo ko sa kanya.

"Kung kailangan mo ako andito lang ako huh?" akmang tatayo na ako hinawakan niya ako sa kamay ko saka niyakap ako.

"Please, wag ka muna aalis sa tabi ko hanggang tayong apat lang andito." sabi niya sa akin.

"Okay." sagot ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RILEY'S POV

"Dude! How are you?!" I opened the door and ito ang bumungad sa akin.

"What? Are you not happy andito ko ngayon kasama ka." Sunod niyang sabi.

"Dude, happy naman ako pero ramdam kita eh kapag nagpapakita ka sa akin it means lang naman na may tinatakbuhan kang girl?" sabi ko rito.

"Riley dude! Nagbago na ako nu ka ba!" sabi nito sa akin.

"So, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Okay, I'm here kasi meron kaming project ngayon and I found out na University niyo ang pupuntahan namin then I grabbed the opportunity para makasama ka!" sabi nito sa akin habang naghahalungkat naman siya sa refrigerator ko.

"Walang food diyan." Sabi ko.

"Okay, so anong balita sayo?" tanong naman niya sa akin.

Hindi pa ako nagsasalita biglang tumawag si Joanna sa phone ko. "Sorry, I just need to answer this call." Pag-eexcuse ko.

"Okay Joanna, okay nga lang sa akin kung sumali ka diyan sa modeling na iyan."

"bakit hindi ka nagagalit? Are you sure?"

"Yup, okay may bisita kasi ako dito sa apartment, I'll just call you later." Binaba ko na yung phone at pagkakita ko sa barkada ko eh hawak na niya ang picture naming ni Kira.

"Dude! Wag iyan, baka mabasag!" sigaw ko.

"OA ka dude ah" sabi naman nito sa akin. "Okay, so about doon sa sinasabi ko we have a project sa paaralan niyo." Sunod niyang sabi.

"What?" tanong ko.

"Modeling! Daming chikababes nanaman doon ah!" sabi nito habang maganda nanaman ang ngiti sa mga labi niya.

Nang sinabi niyang modeling naalala ko agad yung sinabi ni Joanna na sasalihan niya. "Babae nanaman. Modeling? Okay din yan." Sagot ko naman sa kanya.

"Yes dude! And ang maganda nga daw niyan ehh kapag may nagustuhan ang boss naming sa University niyo kukunin daw niya yun tapos gagawing sikat na model, nako dude maraming kilalang BIG BOSS yung boss ko. Sayang nga eh walang hinahanap na lalake." Sabi nito sa akin.

"Alam mo dude ayusin mo yang trabaho mo. Saka hindi puro babae ang iniisip mo. Naalala ko si Caitlyn yung niloko mo tsk! Grabe ka nun, silang pinagsabay mo buti tinanggap ka pa ni Caitlyn" kwento ko.

"Wala na yun dude! People change! Siyempre kasama na ako doon saka past is past 2 years ago pa nangyari yun." Pagpapaliwanag naman niya.

"Umayos ka na lang doon sa univ naming kapag andoon ka no mahigpit doon!" sagot ko sa kanya.

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon