Chapter 11

352 11 3
                                    

Pagkatapos ng mga ganap kahapon hindi ko na alam kung paano ko kakausapin si Wendel or paanong pagmumuka ang ipapakita ko.


Speaking of the gwapo.

"Hi Kira!" bati nito. Ano ba magsasalita din ba ako?

"Hi Wendel! Sino yang kasama mo?" biglang sabat ng bestfriend ko.

"Oo nga." sagot ko naman. Di ba? Parang tanga lang?

"Ah, si Joe pinsan ko." pagpapakilala niya.

"Gwapong pinsan ni Joe na galing South Korea. Hello sa inyo!" pagpapakilala naman ng pinsan niya.

"Hangin ahh..." bulong ni Emi.

"Ui, thanks nga pala huh? sabi ko dito.

"Wala iyon, ikaw naman." sagot nito sa akin. "Sige una na kami huh baka kasi ma-late ako." sunod niyang sabi.

"Anong problema nun?" tanong ko.

"Eh baka torpe naman yang si Wendel?" sagot ni Emi.

"Hayaan mo na nga!" sabi ko. Habang naglalakad kami nakita ko si Railey at si Joanna sa may fountain.

"Oh, tama na ang tingin." sabi ni Emiranda.

"Bakit? Hindi ko naman sila tinitignan ah." sagot ko.

"Sus, nagsinungaling ka nanaman sa akin. Ako nga bestfriend mo di ba?" haaaay, wala na siguro ako matatago pa dito kay Emi. Alam niya kasi kung pano ako magmahal saka kung magselos ba.

_________________________________________

"Teka nga, parang may mali talaga eh!" sabi ko kay Emi.

"Bakit ano ba yun?" tanong nito.

Andito kami ngayon sa library at hindi talaga ako mapakali kasi iniisip ko pa rin yung mga actions ni Wendel parang bigla siyang lumayo sa akin.

Di ko alam kung bakit? Dahil ba yun sa teddy bear na binigay niya sa akin?

"Uy! Ano yun?" tanong niya ulit.

"Eh kasi, iniisip ko lang si Wendel. Bakit ganon na siya? Parang ang cold niya?" tanong ko.

"Eh ano aasahan mo? Baka naman kasi nahihiya na yun simula nung ibigay niya yung teddy bear mo?" sabi nito sa akin.

"Ito huh, kung gusto ka talaga ni Wendel gawa tayo ng signs!" excite na sinabi ni Emi.

"Anong signs yung parang sa Jollibee lang?" sabi ko.

"Gagi! Eh ano naman! Cute kaya yun! Sige na i-try mo lang!!!!" pangungulit nito.

"Okay sige, ako gagawa ng sign mo ahh.." pangunguna nito.

"Hala, baliw ka ba? Ako na." sabi ko.

"Oh, tignan mo interesado ka rin eh!" sabi nito sa akin.

"Sige, kapag tumawag sa akin si Wendel hintayin ko hanggang 12 midnight, may gusto talaga siya sa akin di niya ako pinaglalaruan lang." sabi ko.

"Dali naman niyan, pero kung yan ang gusto mo. Okay" sabi nito sa akin.



My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon