Chapter 12

330 10 1
                                    

*Ring! Ring!


11:15 pm na ng gabi tulog na kami. Pero itong cellphone ko nag-iingay pa rin.

"Hello?" sagot ko.

"Hi! Sorry kung di kita pinapansin kanina ah? Nahihiya kasi ako eh." sabi nito.

"Wait, Wendel?" nagising ang dugo ko ng marinig ko ang boses niya.

"Oo bakit? Binura mo na ba yung number ko sa contacts mo?" tanong niya.

"Hala hindi naman sa ganon." sagot ko. Siyempre nagulat ako kasi pumasa siya sa first sign ko. Hindi ko ba alam kung maniniwala ako sa sign na yun o nagkataon na lang eh.

"May sasabihin sana ako sayo Kira" sabi niya sa akin.

Pero magsasalita pa lang sana ako biglang may kumatok sa pintuan namin kaya binuksan ko muna.

Pero sino ba ang kakatatok ng ganitong oras? Sumilip ako sa pinto pero wala akong nakita. Wala din naman akong narinig na mga yapak ng paa or tumakbo.

Sa takot ko, binaba ko ang phone ko at pumunta na sa kama. Bali-balita kasi na may nagmumulto daw dito sa dorm kapag papalapit na ang valentines day.

Kaya tawag nila si Ms. Valentines kasi tuwing feb 14 lang siya nagpaparamdam.

Sa kaba ko, nakalimutan ko na si Wendel.

Pero nakapasa naman siya sa first sign ko.

_______________________

"Bes, good morning!" bati ko kay Emi.

"Ang saya mo ata?" tanong nito.

"Oo, 11:15pm tumawag si Wendel eh, nakapasa siya sa unang sign." sabi ko rito.

"Good, sabi sayo eh. Totoo yung mga sign na yan. Diyan ko nga hiniwalayan si Boo kasi humingi ako 3 signs kung niloloko ba niya ako. Ayun nakumpleto naman kaya hiniwalayan ko." sabi nito sa akin.

"Lukaret ka! Masyado ka naman nagpapaniwala sa signs na yan. Baka nagkataon lang yung iba." sabi ko.

Kinuha ko yung phone ko at sinilip nakita ko na may text message sa akin si Railey kagabi.

Blank naman.

Hindi ko na iyon pinansin dahil it's time na ata na talagang panindigan ko at ibalik ko ang feelings ko para kay Wendel.

--------------------------------------------------------------------------

SABAW!

>.<

Masyado ata akong naapektuhan wahahahah :D



My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon