Chapter 9

354 11 2
                                    

"Ano Kiralyn Santiago? Kamusta ang lakad niyo ni Mr. Wendel?" bungad na tanong sa akin ng bestfriend ko na walang ginawa eh manuod lang ng GOBLIN ng paulit-ulit kahit tapos na  niya.

"Ang weird bes! Kasi nakita si Joanna at si Railey same mall din tapos yun may keme effect sila sa mall kanina kasi hinalikan ni Joanna si Railey sa labi kanina eh. Kilala ko kasi si Railey ayaw niya nagpapahalik sa labi lalo na sa public!" sagot ko.

"Hala talaga? So, confirm na sila nga! Pero ang weird nga bakit same mall? Pero baka naman nagkataon lang?" sagot nito sa akin.

"Siguro nga saka malapit lang kasi sa dorm yung mall na iyon eh kaya siguro doon na rin sila nagpunta." sagot ko sabay hanap sa cellphone ko.

Text message from Wendel:

Hi! I just wanna say thank you kanina! Salamat din dahil pumayag ka na samahan ako. Sa nangyari kanina sa mall, sana hindi na pala ako pumayag doon sa naisip nila na mag double date. Hindi ka tuloy nag-enjoy.

"So, may double-date effect din palang ganap kanina?" sabi ni Emi.

Tumango lang ako habang nagpapalit ng pangbahay.

"So, anong keme nun? I mean sino naman ang nag-isip ng ganon? Saka wait huh?! DOUBLE DATE! Eh di ba hindi naman kayo nag didate? Kasi nagpasama lang naman si Wendel? Ano ba kasing ganap sa mall? Ano bang gusto niyang mangayari? Bakit ba siya nagpasama?" wow huh! ahah

"Teka nga! Ang dami mo naman tanong. Isa-isa lang. Una sa lahat, nagpasama siya kasi bumili kami ng teddy bear at hindi niya sinabi kung para kanino. Okay? Pangalawa, si Joanna ang nakaisip ng double date at pumayag naman yung dalawang lalake na kinaloka ko. Yun at yun!" sabi ko.

Pagkatapos ko magbihis saka naman ako humiga sa kama.

Hindi ko na nireplyan si Wendel.

"May nangyari pa ba aside doon sa double date?" tanong ni Emi.

"Wala na bakit?" sagot ko.

"Kilala kita." tipid nitong sabi.

"Wala na nga." ulit kong sabi.

"Oh sige! Yan ka nanaman Kiralyn Santiago huh! Tapos iiyak ka nanaman kasi umasa ka nanaman. Yan hirap sayo eh." sabi nito sa akin sabay akyat niya sa higaan niya.

Habang nagpapahinga may kumatok sa room namin.

"Ui Emi! Ui bes! tignan mo nga yun!" utos ko.

"Wow! Tibay huh! Andito ako sa taas ehh. Ikaw na." sabi nito sa akin.

Pero siyempre! Nanalo nanaman ako haha!

"Emiranda asan si Kiralyn?" si madam Superior yun ah. Hala bakit kaya ako hinahanap.

"Wait po ma'am" karipas ng takbo ang bestfriend ko. "Hui! Si Madama Superior andoon sa labas! Hala ka!" sabi nito sa akin.

"Alam ko narinig ko." sagot ko.

Lumabas ako at hinarap si madam. "Bakit po?" tanong ko.

"Punta ka sa lobby may package ka." wala ng ano mang reaction pa at umalis na ito.

Package? Anong package iyon.

Habang naglalakad ako papuntang lobby naririnig ko yung mga tao na pinag-uusapan si Joanna at Railey daw.

"Ui Kira! Di ba kilala mo si Railey?" tanong sa akin ng isang babae habang naglalakad ako.

"Bakit? Wala, ganda mo Kiralyn haba ng hair di ma-reach! Walang sinabi yung kagandahan ni Joanna. Pero wala naman kagandahan yung Joanna na yun kung puro kaartehan lang ang alam." sabi ni ate.

Hala showbiz si ate? Haha!

Hindi na ako nagsalita pa at naalala ko yung sinabi ni Wendel na puro showbiz, chismis lang ang alam ng mga tao dito sa dorm.

"Hello po ate! Meron daw po package sabi ni Madam Superior?" tanong ko sa nagbabantay sa lobby.

"ID MO?" sungit talaga itong si Ate eh, kahit kailan.

Inabot ko yung ID ko, at nagulat ako nilabas ni ate ang isang malaking Blue Magic na paper bag. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan noong nakita ko yung blue magic na paper bag.

"Oh, tama sayo nga Kiralyn Santiago. Ganda mo teh ah!" sabi ni Ate guard. Hala siya pati ito showbiz.

Habang naglalakad ako pabalik sa room, ganon din kabilis ang tibok ng puso ko.

Gayon din naman nakita ko si Agatha na may dala din na blue magic na paper bag at kasinglaki din ng sa akin.

"Hi!" bati sa akin ni Agatha.

Ngumiti ako dahil sa bait nitong taong ito dapat dito nginingitian. Nauna siyang pumasok sa room niya dahil malayo pa room ko. Haha.

-----------------------

"Wow! Bes!! Ang laki niyan ahh!" sabi ni Emi.

"Kanino daw galing yan?" sunod na tanong ni Emi.

"Hindi ko alam" binuksan ko agad yung paper bag at nakita ko yung favorite teddy bear ko!

"Hala! Di ba favorite mo yan?!" sigaw ni Emi.

Tinignan namin yung card kung kanino nanggaling pero walang nakalagay. Kasi ang nakalagay lang.

-Advance Happy Valentines Day! I hope you love this gift kasi alam kong favorite mo ito eh!  From your number one admirer. I love you!

So sino ka?

--------------------------------------------------------------------------------------------

Hahaha!

Bitinin ko muna kayoooo guys! hehe

Antabayanan ang susunod na mangyayari!

I heart you guys!

:D

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon