Chapter 19

313 11 3
                                    

Wendel's POV


"Ano, ganyan ka na lang? Kaya mong tiisin ang ganyang sitwasyon?"

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Basta alagaan mo lang siya okay na ako."

"Oo naman, pero alam mo naman kung paano at ano yung mga nangyari di ba?"

"Alam ko pre, makakabawi din ako sayo sa susunod."

"Del, sinong kausap mo?" tanong sa akin ni Agatha na kinagulat ko naman.

"Huh? Wala naman, kaibigan ko lang." sagot ko.

"Let's eat? Bago pa sana mag start yung event." sabi nito sa akin.

"Okay." sagot ko.

Habang kumakaen kami nakita ko sa isang piece ng paper ang mga list ng nakapasa sa screening.

"Joanna Dacanay?" sabi ko.

"Oo, nakapasa siya. Based on her experience lagi siya ang winner sa mga modeling, pageant na sinasalihan niya." sagot naman ni Agatha.

"Dapat sumali na talaga si Kira no?" sabi ko.

"Wait, teka nga kinukuha ata siya ni madam eh nakwento niya sa akin" sabi nito sa akin.

"Ay nako oo kinukuha siya. Ewan ko nga doon eh kung bakit ayaw niya." sabi ko naman.

"Ako nga kinukuha ni madam nung una eh" biglang sabi nito.

"Di ba napag-usapan na natin yun?" sabi ko dito. Ayoko kasi na sumasali si Agatha sa pageant basta ayoko lang.

" I know, I know. Sinabi ko kay madam na bawal sumali ang mga organizers. Si Kira pala ang kinuha niya. Pilitin mo kaya siya? Baka mapilit mo." sabi nito sa akin.

"Oo nga bright idea mi loves!" nasabi ko rito.

Tinignan ko si Agatha na tila ba eh napangiti sa sinabi ko.

"Yeah mi loves!" pag-uulit ko.

"Tse!" sabi nito sa akin pero nakangiti siya. Ganda talaga ng mi loves ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Railey's POV

"Babe, ano bang nangyari sayo?" andito ngayon si Joanna sa apartment at hindi ako pumasok.

"Inom inom kasi ikaw di mo naman pala kaya eh." sunod nitong sabi.

Nag-init ang ulo ko at naitulak ko si Joanna.

Napaaray naman siya sa ginawa ko.

"Ano bang problema mo?! Ako na lang ba lagi ang mag-aadjust?!" sabi nito sa akin.

"Lumabas ka na! Unahin mo na yung pageant mo! Ayoko muna na makita ka!" sabi ko rito. Pinagtabuyan ko siya palabas ng apartment at wala akong pakialam kung magsisisigaw siya sa labas.

"Kira! Mahal na mahal kita! Hindi kita makalimutan! "

"Bakit ba mahal na mahal kita?! "

"Anak? What's going on?" mom asked me.

"Mom, sorry I really love her. I like her."

"Who? Joanna?" tanong niya.

"No mom! It's Kira!"  sabi ko.

"Anak, I don't know what's going on, but why Kira? Anak please stop drinking!" galit na sabi nito.

"Kung hindi ka aayos, susunduin kita diyan sa Pilipinas." sunod nitong sabi.

Binaba ko agad ang phone at binato.




My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon