Chapter 6

432 12 2
                                    

"Ano na balita Kiralyn Santiago? Nagkita na ba kayo ni Railey?" nakangiting tanong sa akin ng bestfriend ko.

Hindi ko alam kung anong emosyon ba ng pagmumuka ko ang dapat ipakita ko kay Emi pero ang alam ko eh parang naiinis ako. Kasi ang usapan namin mag-uusap kami. Eh kasi sabi niya meron daw siyang sasabihin sa akin eh.

"Wala, ayun naghahalikan na ata sila ni Joanna doon sa lobby" tanging sagot ko.

Napasigaw naman sa gulat itong bestfriend ko.

"O.A ah? Yaan mo na nakita ko naman si Wendel doon sa lobby eh. Di ko nga alam kung bakit din siya andoon eh." sagot ko.

"Wendel nanaman." sagot nito sa akin. "Eh anong ginagawa niya dito?" sunod nitong tanong.

"Hindi ko nga alam eh, alam mo yun nagulat ako kasi pagbaba ko ng lobby hinahanap ko kung andoon na si Railey pero ang tumawag sa akin si Wendel. So lumapit muna ako kasi wala pa naman si Railey." kwento ko dito.

"Oh, eh bakit di mo kasi tinanong?" tanong nito sa akin.

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at tinignan ang cellphone ko. Aba, walang text si Railey problema nun.

"Hoy!" sabay bato nanaman niya sa akin ng matigas niyang unan.

"Ano?!" sigaw ko.

"Anong problema mo?!" guys! Hindi kami nag-aaway huh? ganito talaga kami kapag hindi agad nasasagot ang mga tanong namin sa isa't-isa. Haha! ^_^

Huminga ako ng malalim at umupo. "Eh kasi tinanong ako ni Wendel kung pwede ko daw ba siyang samahan mamaya." sagot ko.

"Oh? Saan? Bakit parang di ka kinikilig?" tanong niya sa akin.

"Anong hindi! Ui! Kinikilig ako, di lang kasi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko tas niyakap niya pa ako. Sinong di kikiligin doon di ba?" sabi ko.

"Kilala kita kapag kinikilig ka. Sa boses oo, pero sa mga mata mo parang di ka naman kinikilig eh." sabi sa akin ni Emi. Haay ano bang problema nito.

Basta ako, alam kong kinikilig ako. Yun at yun.

Kahit maaga pa lang kinuha ko yung diary ko na nasa ulunan ko at binuklat.

Dear Diary,

Alam ko na ang aga ko atang nagsulat dito pero kasi parang may iba sa umagang ito. Dahil wala siguro kaming pasok ngayon? Pero hindi eh, hindi ba dapat maging masaya ako kasi parang paunti-unti na akong napapansin ni Wendel. Niyakap niya ako saka hinawakan na niya ang mga kamay ko. LEVEL UP di ba?

Pero bakit nga ba malungkot ako? Eh pero dapat kasi diary may usapan kami ni Rairai! Sabi niya treat daw niya ako. Lalabas kami, pero mukang hindi eh pinaglololoko ako, si Joanna lang pala ang puntirya niya dito sa dorm! Grrrr.! Kahit kelan talaga siya! Hindi na siya nagbago.

Pero buti dumating si Wendel ang taga-pagligtas ko. 

Kay Wendel nalang muna siguro ako sasama ngayon.

Sige diary hanggang dito nalang muna.

Babalik na sana ako sa pagkakahiga pero biglang nag ring yung phone ko.

"Railey?" sagot ko.

"Railey? It's me Wendel. Ikaw ah, tatampo na ako." sagot nito.

Tinignan ko ulit ang phone ko, hindi pala si Railey. "Sorry Wendel. Oh, bakit ka pala napatawag? Parang kanina lang magkausap tayo ah." sabi ko rito.

"Namiss na agad kita eh" sagot nito. Hindi ko ba alam kung tatalon ba ako sa kilig o magsisisigaw pero siyempre kelangan ko i-control yung nararamdaman ko di ba? #dalagangpilipinamode muna ako.

My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon