Chapter 32

345 13 1
                                    

LUKE'S POV


Panay ang tawag at text ko kay Kira pero hindi niya sinasagot.

"Damn!" yun lamang ang nasabi ko hindi ko kayang mawala si Kira sa akin.

"Hey, Lucas!" sabi ni Joanna sa akin.

Akmang sasampalin ko sana ito pero hinawakan ko na ang kanyang mga kamay at kinaladkad ito palabas ng building.

"Aray huh! Nasasaktan ako!" sigaw ni Joanna.

Binitawan ko ang kamay nito at saka inabot sa kanya ang perang pinangbayad niya sa KTV.

"Hindi ako bayaran huh." sabi ni Joanna sa akin.

"Ito yung perang ginastos mo." tipid kong sabi.

"Don't you get it Luke? I like you." sabi sa akin ni Joanna.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya. "Hindi kita gusto si Kira ang gusto ko!" sigaw ko dito.

"ANO BANG MERON SA BABAENG YAN?! AT SIYA ANG GUSTO NIYO?!" sigaw din nito.

"Simple lang Joanna. Disente siyang babae. Hindi siya katulad mo na gagawin lahat kahit na alam mong karumihan gagawin mo pa rin." pinamuka ko sa kanya ito. Wala akong pakialam pero ang alam ko dapat kong sabihin iyon sa kanya.

"Kaya kong ibigay lahat sayo!" sabi ni Joanna. Tumingin ako dito, "Lahat Luke lahat ng di kayang ibigay sayo ni Kira." sunod nitong sabi.

Lumapit ako kay Joanna, hindi para halikan siya, "Hindi ako ganong lalaki. Ano ba itong ginagawa mo Joanna? Do you think kung makuha mo ako mananalo ka sa pageant?" tanong ko rito.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Joanna na parang nabuking siya sa ginagawa niya.

"Ano? Tingin mo ba di ko alam? Ginagawa mo ito para sa pageant di ba?" sunod kong sabi.

"Damn! Joanna!" sabi ko rito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOANNA'S POV

Nagulat ako nang makita ko si Railey na sinuntok si Lucas para kay Kira.

Bakit ganon? Selos ang nararamdaman ko. Ako ang nakipaghiwalay kay Railey pero bakit ganon? Dapat hindi na ako apektado di ba?

Ngayon ito kami ngayon ni Lucas nag-uusap sa labas ng building ng KTV.

Pero, si Kira pa rin puro si Kira pa rin.

Akmang sasakay na si Luke sa taxi na pinara nito pero pinigilan ko siya.


"Sa tingin mo ba makaktira ka pa sa apartment ni Railey? I don't think so." sabi ko rito.

"Bakit sa tingin mo doon ako pupunta?" sabi nito sa akin.

"Hoy! Kayong dalawa sasakay ba kayo?!" sabi ni Manong driver.

"Sorry po" sabi ko at sabay pumasok ako sa taxi.

"Kuya sa Taguig." sabi ko.

"Taguig?!" tanong ni Luke sa akin.

"Oo, doon tayo sa bahay ng bestfriend ko." sabi ko. Hindi na nagsalita pa si Lucas pero panay ang message niya kay Kira.

Kiralyn Santiago, tandaan mo hindi ko hahayaan na maging masaya ka. Lahat ng taong nagpapasaya sa iyo. Tandaan mo kukunin ko silang lahat sayo.

Hindi ako papayag na ikaw na lang lagi.

Humanda ka!


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon