Chapter 27

296 11 0
                                    

Hi Guys! Ayun oh! Ready na ako sa update haha :D


Pasensya na at maraming ganap noong nakaraan na week. Sana magustuhan niyo yung mga next chapters! :)

Thank you sa patuloy na pagtangkilik :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KIRA'S POV

So ayun nga, ang tagal mag-update ni Ateng Author! Pero ito na kasi yun eh.

Excited na ako guys! Kasi malapit na rin ang malaman kung sino na ang mananalo sa patimpalak na ganap sa school. Pero para sa akin wala akong pakialam kung manalo o matalo ako.

Para sa akin, handa na ata akong magmahal.

"Bakit ang saya mo?" tanong sa akin ni Emi.

"Huh? Wala naman. Gusto ko lang maging masaya." sagot ko rito. Lumapit ito sa akin saka kinurot ang bewang ko.

"Sus, si Luke no?" tanong nito sa akin.

"Masakit yun ah! Pero oo dahil kay Luke." sabi ko dito.

"Ah, okay. Pero paano naman si Railey?" tanong nito sa akin.

"Si Rai? Wala, magkaibigan lang talaga kami at tanggap ko na yun. Sus, ano ka ba saka masaya na yun kay Joanna." sagot ko dito. Oo, hindi na ako apektado kahit makita ko si Railey, simangutan niya ako buong araw or hindi niya ako pansinin.

Basta para sa akin alam kong masaya ako ngayon. Dahil may nagpapasaya sa akin.

"Hoy!" paglabas ko ng dorm ito nanaman ang dakilang Wendel.

"Maka-hoy ka naman wagas?" sabi ko rito.

"San lakad mo? Bakit ang saya mo?" tanong nito sa akin.

"Bakit? Kayo huh, masama bang masaya ako? Gusto niyo ba malungkot na lang ako palagi?" tanong ko sa kanila.

"Okay, san naman lakad mo?" wow huh, magandang sagot galing kay dakilang Wendel.

"May lakad sila ni Mr. Lucas." sabat naman ni Emi.

Tinignan ko ng masama si Emi dahil ayoko nga paalam kay Wendel kasi kontrapelo din ito eh.

"Sige na alis na ako." sabi ko. Hindi pa ako nakakalayo eh hinila naman ni Wendel ang bag ko.

"Uy. puro ka nalang si Lucas o Luke o anomang tawag mo sa kanya. Hindi ka na nakakasama sa amin nila Agatha. Kami ang tunay mong nakasama at kaibigan." pagdadrama nito.

"Hala sila uy, hindi naman sa ganon siyempre nakapangako ako sa kanya na pwede ako ngayon eh." sabi ko kay Wendel.

Hindi pa rin niya binibitawan ang bag ko hanggang sa dumating si Agatha.

"Bakit anong nangyayari?" tanong ni Agatha.

"Hala, kasi siya ayaw niya ako umalis eh magkikita kami ni Luke." pagsusumbong ko.

Tinignan ni Agatha si Wendel at saka naman binitawan ni Wendel ang bag ko. Siyempre dinilatan ko siya haha behlat!

"Why? Siyempre puro na lang yun kasama niya eh." pagpapaliwanag naman ni Wendel kay Agatha.

"Hay nako, hayaan mo nga siya. Sa nakikita ko masaya naman sila at mabait si Luke." sabi naman ni Agatha.

"Eh hindi nga niya kayang ipagtanggol kay Joanna." sagot naman ni Wendel.

"Sus! Hayaan niyo yung babaeng iyon! Kaya yan ng bestfriend ko!" sabat naman ni Joanna.

Habang nagtatalo sila doon hindi nila alam na nag-ninja moves na ako wahaha.

---------------------

"Why you took so long?" tanong sa akin ni Luke.

"Sorry huh, kasi pinigilan pa ako ni Wendel." sagot ko.

Hindi na ito umimik pa at naglakad na.

"Uy! Luke! Hintayin mo naman ako!" sigaw ko.

Pero parang wala siyang naririnig kaya huminto na lang ako, "Bahala ka diyan!" sigaw ko sabay talikod. Babalik na sana ako at sasama nalang sana kila Wendel pero hinabol din niya ako.

Pero niyakap niya ako, kaloka! "Sorry, nagseselos lang ako kay Wendel kasi siyempre nauna siyang minahal mo tapos hanggang ngayon meron pa rin kayong connection." sabi nito sa akin.

"Hala, wala ka naman dapat ipagselos sa amin eh, si Wendel parang bestfriend ko na rin yun saka ano ka ba, sila naman ni Agatha. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Parang kapatid ko lang yun si Wendel. Kuya ba." Oh di ba? Ang dami kong ring paliwanag. Haha .

"Sabi mo yan ah?" sabi nito sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami, hindi ko magawang tanggalin dahil gusto ko rin.

"I love." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko pero bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Ano yun?" tanong nito sa akin.

"Huh? Wala." sagot ko. Gusto ko kasi tanungin niya ako.

"Sige na sabihin mo na." pangungulit nito.

Hindi ako nagsasalita at nakangiti lang siyempre di naman siya nagtatanong eh.

Hindi ko siya kinikibo hanggang napunta na kami sa mall.

"Ikaw huh" sabi nito sa akin. Tumingin lang ako sa kanya. "Hindi mo pa kasi ituloy yung dapat na sasabihin mo." tuloy nitong sabi.

"Alam mo, concentrate muna ako sa pageant." sabi ko dito at saka hinawakan ko yung kamay niya.

"Alam mo rin naman ang magiging sagot ko eh." sunod kong sabi.

Niyakap niya ako sabay halik sa mga noo ko. "I LOVE YOU." sabi nito sa akin.

Pero di ako sumagot dahil kapag nag-ilove you too ako kami na di ba?

Dahan dahan muna!


My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon