Chapter 31

320 17 0
                                    

KIRA'S POV


"Bakit kasi sumunod ka pa?!" andito na kami ngayon sa isang park. Dito ako dinala ni Railey after ng mga mabilis na pangyayare.

Pero ako, hindi pa rin ako makaget-over sa mga nakita ko. "Handa na sana ako." sabi ko.

Napatingin sa akin si Railey at napahilamos na lang niya ang kanyang kamay sa muka niya. "Gosh!"

"Bakit ganon Rairai? Sinaktan lang ako ng kaibigan mo?" tanong ko rito.

"Eh ikaw naman kasi eh! Masyado kang nagpapaniwala sa mga mabubulaklak niyang salita!" sabi nito sa akin.

Tinignan ko ang phone ko at nakaraming tawag na sa akin si Luke.

"What is your plan?" tanong sa akin ni Railey habang hawak ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag ni Luke. Pero kinuha agad ni Railey ang phone ko at pinatay.

"Alam ko kung bakit mo ginagawa yan, kasi naaawa ka sa akin." sabi ko dito.

"Ano ba Kira! Tanga ka ba?" sabi nito sa akin. Nasaktan ako ng marinig kong sinabi niya ito.

"Oo! Tanga na kung tanga! Kaya nga sa katangahan ko di ba pinagloloko ako ng mga lalake. Alam ko hindi ako maganda! Mas maganda pa yung Joanna na yun sa akin pero sana naman wag niyo akong sasaktan!" sabi ko. Hindi ko alam pero patuloy pa rin na dumadaloy ang mga luha sa mata ko.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa park ang akin lang ang alam ko nasasaktan ako.

Sobrang sakit ng pangyayare.

"Wag mong ilahat." mahinaho na sabi ni Railey.

Napatingin ako dito. Lumapit ito dahan-dahan sa akin at saka hinawakan ang mga kamay ko.

"Mahal kita Kira. Hindi mo ba ramdam yun?" sabi nito sa akin. Hindi ako alam ang gagawin at sasabihin ko.

"Oo, mahal kita hindi lang bilang isang kaibigan o dahil kababata kita pero mahal kita yun lang ang alam ko at sinisigaw ng puso ko. Kira.." sabi nito sa akin.

Parang nananaginip ako. Parang lahat ng naririnig ko eh hindi totoo.

"Rai .." yun lamang ang nasabi ko sabay niyakap ako nito ng mahigpit sobrang higpit.

"I miss you and I love you." bulong nito sa akin.

"Kailan mo pa narealize ito?" tanong ko.

"Matagal na, bago pa kami pumunta ng Canada. Kaya din ako umuwi dito dahil hindi ko kaya na hindi ka makita." pagpapaliwanag niya.

"Bakit hinayaan mo pa na mapunta ako sa iba?" tanong ko.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko torpe ako noon. Pero ngayon pinapangako ko hindi ka na masasaktan pa." pangako nito sa akin.

"Sana nga Rai. Ayoko na makahanap pa ng peke. Wala man lang Legit sa mga lalaking nagugustuhan ko." sabi ko rito.

"Ako? Hindi ba ako Legit para sayo?" tanong nito sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nung mga oras na iyon ang mga lungkot sa mga mata ko napalitan ng tuwa kahit papano.

"I love you." sabi nito sa akin.

Hindi ako sumagot pero niyakap ko ito ng mahigpit.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Bes! Oh ano kamusta naman ang KTV niyo? May pa surprise ba si Mayor?" tanong ni Emi sa akin.

"Oo meron." tipid kong sagot.

"Anong surprise?" excited nitong tanong.

"Gusto mo bang malaman? Ayun, nakikipaghalikan siya kay Joanna pagpasok ko doon sa room nakakandong pa sa kanya." sabi ko dito.

"My gosh! Punyatera palang babae yun pati ba naman si Luke inaagaw sayo! Naku! sabihin mo yan sa jowa niya para bugbugin siya ni Railey! Naku huh! nakakahighblood yung babaeng yan ahh! Naku! sasapakin ko yan kapag nakita k siya bukas!" galit na sabi nito.

"Calm down Emiranda. Hindi na sila ni Railey okay?" sabi ko.

"Pano mo nalaman?" tanong nito.

"Mahabang kwento pero ang alam ko nag-usap na kami ni Railey." sagot ko dito.

Panay pa ang tanong ni Emi pero hindi ko na ito sinasagot pa.

Basta ang alam ko, napagod ako sa kakaiyak pero at the same time parang may malaking ginhawa akong nararamdaman ng malaman kong mahal ako ni Railey.





My Legit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon